Wait for North's Epilogue on Sunday, guys! And I'll be uploading some special chapters without any time or date, for you, guys.
This is the end of Reforming The Villainess! Thank you for everyone who supported this story!
See you on the second installment of this series entitled, The Secon Lead's Retribution. It's already posted!
#RTVillainessEpilogue
ENDINGS ARE FOR new beginnings.
For other people, they treat endings as sadness, despair, and a sign of life giving up on you.
But for me, ever since I started standing up for myself, I've always taught myself to treat and turn endings into new beginnings.
Napakurap-kurap ako nang buksan ko ang mga mata ko. My room . . .
Mabilis akong bumangon nang makita ang pamilyar na kisame, dingding, at litrato sa harap ko ngayon. Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ko nang makita ang ngiti niya.
"Mommy . . ."
"Diyos ko! Nagising ka na!"
"Manang Josie!" napatili ako at napalundag pa papaalis sa kama ko. Mahigpit ang yakap na binigay namin sa isa't isa.
Pamilyar ang init niya. Ito ang yakap na matagal na nawala sa akin simula noong umalis kami ni mommy dito. Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko. Sinilip ko si Manang Josie. Umiiyak siya habang nakayakap sa akin.
"Manang, bakit naman po kayo umiiyak?" natatawang tanong ko.
"Miss na miss na kita simula nang mawala kayo ng mommy mo rito at palagi kong ipinagdadasal na makita ka ulit pero hind isa ganitong paraan. Para akong papanawan ng ulirat noong sinabi sa akin ni Mauricio na nasaksak ka raw."
Manang Josie is my dad's maid since he was in high school. Noong nagpakasal sila ni mommy, siya pa rin ang kinuha ni dad. Nagdagdag lang ng mga katulong noong naging Mayor na si dad ng Manila. Malaki ang responsibilidad niya sa siyudad kaya simula noon ay naging bihira na rin ang pag-uwi niya sa bahay. Minsan pa ay sa City Hall na siya natutulog.
When I was born, Manang Josie became my personal maid. Siya mismo ang humiling no'n kina mom at dad. Siya ang naging pangalawang ina ko sa bahay na 'to. Kapag wala si mommy, siya minsan ang naghahatid sa akin sa school. Minsan din ay siya na ang uma-attend sa mga parent meeting ko.
Kaya isa siya sa mga dahilan noon kung bakit ang sakit-sakit at ang bigat sa loob na umalis dito. Hindi lang ako nawalan ng isang ama, nawalan din ako ng isa pang ina.
Napangiti ako sa sinabi niya. Sinubukan ko siyang patahanin sa pamamagitan ng paglalambing at tagumpay naman ako.
"Gusto mo ba ng paborito mo?"
"Sinigang na hipon?!"
Tumango si Manang. Nagningning ang mga mata ko dahil doon. "Yes na yes, Manang!"
"Sige at ako'y magluluto. Dadalhin ko na lang dito sa kwarto mo ang pagkain dahil bawal ka pa raw maglalakad at baka bumuka ang tahi mo sa tagiliran," salubong ang kilay na wika niya.
"Okay po, Manang!"
"Sasabihin ko na rin kay Frederico na gising ka na."
Bigla akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ni dad. Ang tagal na simula noong makita ko siya. Nakikita ko na lang siya sa mga balita at mga litrato niya na nakakalat sa mga pinupuntahan ko.
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasyPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...