#RTVillainess01
I CREATED BRIELLE out of hatred when my father chose his mistress over us.
Gusto ko ng may mapagbubuntungan ng inis at galit ko dahil alam kong wala naman akong magagawa nang mga panahon na 'yon dahil bata pa ako. I made her the evil—the cruel one in the story and I made sure that she won't have a happy ending at all.
And a tragic end.
"Ma'am, kailangan niyo na pong bilisan. Mapapagalitan ako ni Sir e," kagat-labing paalala sa akin ni Jamila dahil hindi pa rin ako kumikilos.
Wala sa sarili akong tumayo at pumasok sa banyo. Nilagpasan ko si Jamila na nakayuko pa rin. Nilock ko ang pinto at parang doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.
Paano nangyari 'to?
I remember someone entering the house then I got stabbed and the last thing I saw was my notebook where I wrote this story with the stains of my blood.
I messed my hair out of frustration and looked at myself in the mirror. My mouth gaped when I saw myself. Why is Brielle so pretty?!
Dapat mas maganda si Jamila dahil siya ang main character dito. Oh well, hindi ko pa rin naman maayos na nakikita ang mukha niya dahil kanina pa siya nakayuko at busy ako sa pag-alala kung paano nangyari ang imposible na posible pala na pangyayaring 'to.
I carefully caressed her face—my face now.
She has a pair of perfectly sculpted brows, almond-shaped eyes and her deep brown orbs, her small, cute and pointy nose, her naturally flushed cheeks and her pinking heart-shaped lips. Her hair is also wavy and has a shade of brown in it.
To sum it all up, Brielle is gorgeous.
But sadly, she's going to die.
"Miss Brielle, t-tapos ka na po ba?"
Natauhan ako mula sa ginagawa ko dahil doon. Nilingon ko ang bathtub na may mga rose petals pa at ang kumpletong mga gamit sa buong banyo. Mas malaki pa yata 'tong banyo ni Brielle kaysa sa kwarto ko.
Naligo na ako dahil ilang sunod-sunod na katok ni Jamila ang narinig ko at paulit-ulit niya akong tinatanong kung tapos na raw ba ako.
"Miss Brielle, hinanda ko na po ang mga damit niyo para mamaya. May maglalagay raw ho sa hiwalay na sasakyan ang mga gagamitin ninyo para sa party. Ito po muna ang susuotin niyo ngayon," sabay lahad ni Jamila ng isang yellow na sun dress.
Kinuha ko 'yon at agad naman siyang tumalikod para makapagbihis ako. Iniabot naman niya ang isang white na strappy sandals sa akin at isinuot 'yon sa paa ko.
Naiilang talaga ako sa mga ginagawa niya kanina pa. I used to live in a wealthy household before but I never experienced being pampered like this. This is a whole new level.
Kwarto pa lang ni Brielle, halos pwede na maging isang bungalow house sa laki. She, sure, is spoiled.
Oo nga pala. Ginawa ko siyang spoiled para ma-justify kung bakit ganoon ang ugali niya noong i-reject siya ni Austin.
As far as I can remember, the whole family of Jamila works for Brielle's family. Her father is Don Tiago's personal driver, her mother is in-charge of the food supplies for the household and her older brother is working as a manager at the asukarera.
"Brielle. Don't embarrass me later at the Alcantaras," mariin na bilin ni Don Tiago, Brielle's father.
Who's my father now, too.
Don Santiago Padua is the owner of the biggest asukarera here in San Ildefonso. He loves his wife dearly and he was known as the most pleasant man in town, but when Brielle came and her mother died while giving birth to her, Don Tiago became hostile to his own daughter.
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasyPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...