Chapter 9

19.2K 1K 912
                                    

#RTVillainess09


I DON'T WANT TO BELIEVE.

I've decided to take one more go at this scene.

If everything goes according to Jamila's fate, I'll be able to show that my presence here hasn't ruined anything.

Foundation Day.

Jamila, as the freshman representative of the College of Nursing, was forced to join the St. Ignatius' official pageant. This pageant has a myth. If you win the pageant, whoever your partner is, you'll end up together and it will happen at the end of the foundation day.

Ang childish 'no? But for me, as a kid. Those kinds of things are already fairytales.

Everything that I wrote in the book was everything that I've wished that happened to me. Lahat ng 'yon ay ang mga what ifs ko. Daddy made me feel that life is a fairytale and we all have our own happy ending.

But when he chose his mistress over us, I've learned that life is no fairytale. Life doesn't give us a handsome prince when we're in pain and we definitely won't have a chance to live in a castle.

But I held on to that one thing in the fairytales we love, the happily ever after. I've always believed that whatever life throws at us, whatever obstacles we are currently facing right now, we would definitely have our own happy ending.

"Nakakalat ang buhok mo."

Hindi ko pinansin si North at tinuon ang atensyon ko sa binabasa kong assigned topics sa amin. Nakapagbasa naman ako kahapon pero gusto ko lang ulit siguraduhin na naintindihan ko 'yon. Palagi pa naman nagpapa-graded recitation ang prof namin sa subject na 'to.

"Chantal."

"I know, North. Hayaan mo lang. Malapit na magsimula ang klase ko. Kailangan ko lang tapusin ang binabasa ko," I said dismissively.

Narinig ko siyang bumuntonghininga. Umurong ako dahil may inaabot siya sa likod ko. I saw my bag from my peripheral vision pero hindi ko gaanong napansin ano ang kinuha niya roon.

Binalik niya ang bag ko sa gilid ko at tumayo siya. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang marahan na sinusuklay ang buhok ko. Natigilan ako sa ginagawa niya.

Umayos ako sa pagkakaupo para mas madalian siya sa ginagawa niya.

"This is my first time tying a woman's hair. Kaya kung magulo 'man, huwag ka ng maarte."

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Hinayaan ko lang siya. Kahit naman medyo magulo 'yan, hindi ko tatanggalin. I appreciate him fixing my hair.

"Done. Una na rin ako. Magsisimula na klase ko," aniya at kinuha ang mga gamit niya.

"Kwek-kwek mamaya ha!" paalala ko. Ngumisi siya at tumango. Ngumiti ako pero nabura 'yon dahil ginulo niya ang buhok ko.

"Tinali mo pa buhok ko! Guguluhin mo rin pala!" nakairap na wika ko.

"Brielle."

Napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko si Jamila na nakatanaw ng diretso. Sinundan ko ang tinitignan niya kahit hindi ko naman makita kung ano ba ang tinitignan niya.

"Why, Jamila?" tanong ko.

"P-Pwede bang sumabay ako sa'yo sa lunch mamaya?" nag-aatubiling sambit niya. Napayuko pa siya. "W-Wala kasi akong kasabay kumain."

'Di ba kasabay na niya lagi 'yung mga kaibigan niya kumain? Kaya nga hindi na siya sumasama sa amin minsan ni Austin kapag lunch, eh. Pero kung ano man ang dahilan kung bakit wala siyang kasabay, free naman siyang sumama sa amin palagi.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon