Hello! Malapit na pong matapos ang Reforming The Villainess! Five to eight chapters left then Epilogue na. Thank you sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa, nag-aabang, at sumusuporta sa kwento na 'to. Mahal ko kayong lahat!
#RTVillainess16
Hindi ko rin nakasabay sa pagkain si Don Tiago. Jamila's mother kept on apologizing to me. Hindi ko alam kung para saan sa totoo lang.
Dahil ba mas inuna ng Don ang ibang tao kaysa sa sarili niyang anak?
I don't need her apology. Wala siyang kinalaman dito. Ang desisyon ng Don ay mula sa kanya mismo. He made his own decision, and all of us can't do anything about it.
"Brielle, Thursday na ngayon. Hindi ka man lang ba maglilibot para magsaya sa mga booths?" tanong ni Jio na kanina pa ako pinagmamasdan.
"Kailangan ko pa mag-monitor ng mga booth," tugon ko at ngumiti.
"Huwag mo na muna alalahanin 'yung report mo. Ako na gagawa," aniya.
"Hindi naman pwede 'yun!" Inilayo ko sa kanya ang laptop ko dahil akmang kukunin niya 'yon. Bumuntonghininga siya at lumapit pa rin sa akin. Inalis niya ang kamay ko sa laptop ko.
"Brielle. Relax tayo dapat ngayong week. Nagiguilty naman ako bigla na lahat ng booth napuntahan ko na." May halong sarkasmo ang boses niya.
"Tapos ka naman—"
"Sa bahay ko lagi ginagawa reports ko." Umirap siya. "At saka, dapat hindi ka ma-stress ngayon! Bukas na ang pageant! Kailangan mo ng pahinga!"
"Hay nako!" medyo malakas na sabi ni Jio. Tuluyan niyang naagaw sa akin ang laptop ko. "Ayan. Sinend ko sa email ko 'yung report mo. Alam ko naman kung anong mga booth ka naka-assign. Kaya ko na 'to, Brielle."
"Jio—"
"Senior mo pa rin ako. Makinig ka sa akin," he cut me off with finality in his voice. Nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Iginiya niya ako sa pinto. "Hanapin mo 'yung mga kaibigan mo, okay? Have fun with them!"
Saktong pipihitin na niya ang pinto nang bumukas 'yon. North's usual snob face greeted us.
"Hi. Here's the coach approval for Saturday."
"Uy! Thank you! Sakto kailangan na 'to!" Kinuha ni Jio ang papel na inabot ni North.
Natulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig lang sa kanya. Diretso lang din ang tingin niya sa akin. Walang kumikibo. Tunog lang ng yabag ni Jio at ng aircon ang naririnig sa buong kwarto.
"Kaibigan mo 'to si Brielle, 'di ba?"
"Huh?" Doon lang ako nakabawi nang magsalita si Jio ulit.
"Igala mo nga 'to! Puro trabaho na lang dito sa student council ang inaatupag, e!" Napahiyaw ako ng itulak ako ni Jio papunta kay North.
Maagap naman akong nasalo ng huli. Naramdaman ko ang pagpulupot ng matitipuno niyang mga braso sa baywang ko at hinigit pa ako papalapit sa kanya.
"Okay."
"Huh? Ano?!"
Gusto ko pang magmakaawa sana kay Jio na tatawagan ko na lang si Austin para siya na lang ang maglilibot sa akin pero huli na ang lahat dahil hinila na ako ni North papalayo mula sa student council room.
Sumakay kami sa elevator pababa at sinulyapan ko siya. Tahimik lang siya na nakapamulsa habang nakasandal.
"You don't have to come with me."
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasyPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...