#RTVillainess18
"MR. CLAVERIA, SHE'S awake."
Tinignan ko si North na namumula ang mga mata habang tinitignan ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig niya at kitang-kita ang pamumutla niya.
"Bakit ka nanginginig?" Mahina akong tumawa dahil masyado siyang seryoso.
"Anong nararamdaman mo?" mahinang usal niya. Kahit boses niya, nanginginig din.
"Ayos lang," tugon ko. Umupo ako sa kama. Inalalayan niya ako at inabutan ng tubig.
Natigilan ako nang makita kung gaano karaming tao ang nasa loob dito at sobrang laki pa ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang mga aparato na nasa gilid ko. May IV fluid din na nakakabit sa akin.
"Why am I in the hospital?" tanong ko kay North.
"You fainted." Si Austin ang sumagot. Abala si North sa pagkausap sa bodyguard niya.
"Sir, we've secured the parameters. May mga nakabantay na sa labas at loob ng hospital. Nasabihan ko na rin po ang magbabantay dito sa labas ng kwarto."
"Wait, wait. Bakit kailangan pa ng ganyan, North?" kunot-noong tanong ko.
"I need to make sure you're safe," matipid na sagot niya.
"Nakita kasi ng lahat na buhat-buhat ka ni North habang tinatakbo ka sa ambulansya. Mabilis ang balita kapag tungkol kay North, at alam mo naman kung gaano ka-delikado ang buhay niya 'di ba? Gusto lang niya na ligtas ka," pagpapaliwanag ni Austin.
"Thank you, North, Austin."
"No worries," sagot ni Austin.
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang pumasok ang doctor. I immediately knew what he is because of the white gown, and the stethoscope around his neck. May nakasunod din na dalawang nurse sa kanya.
"The results are out," aniya. "May I please have a moment with the patient?"
"Bakit kailangan pa po nila umalis?" kuryosong tanong ko. "Okay lang naman po na sabihin niyo kahit na nandito sila." I smiled.
"Mas mabuting ikaw na lang muna ang makaalam, Ms. Padua."
Sa tono pa lang niya at kaseryosohan ng mukha niya, nararamdaman ko nang hindi mabuting balita ang ibibigay niya sa akin. Binalingan ko si North at Austin na halatang nag-aalangan pang lumabas.
"Sige na. Saglit lang naman 'to siguro," sabi ko sa kanila. "Bilhan niyo na lang din ako ng food habang kausap ako ni Doc."
Tumango silang dalawa. Itinapat ni Austin ang kamao niya sa harap ko. Nakuha ko kung anong gusto niyang gawin. Marahan kong dinampi ang kamao ko rin sa kanya. "We'll be right back, Brielle."
I nodded with a smile on my face. Sunod kong binalingan ay si North. Para naman akong maiiyak sa tingin niya sa akin ngayon. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya at tila ba ayaw niyang umalis. Nilapitan niya ako at napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
Sunod kong naramdaman ay ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "I'll buy you your favorite," bulong niya.
"Sige. Ingat kayo," pagpapaalam ko sa kanila at kinawayan sila habang papalabas sila ng kwarto.
"Do you do a regular check-up, Ms. Padua?" tanong ng doktora.
"Yes po." Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nakakaramdam na ako kung ano ang sasabihin niya pero kahit na ganoon, umaasa pa rin akong sana hindi na lang 'yon ang ibig niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasyPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...