Today's the National Election! Please vote wisely! Just done voting and here's an update for you, guys!
#IpanaloNa10To 🌸🌷
#RTVillainess19
THEY SAY DANGER comes often in the most unexpected places.
I've never believed that until an intruder went inside my house before and killed me in a place where I feel most secure.
And now, it's happening again. I am not safe in my own house again.
As soon as I woke up the next day, I immediately went to our security room. I asked one of the people on duty there to review the CCTV footage in my room while I was talking to Don Tiago.
"Are you sure?" tanong ko.
"Yes, Ma'am. Si Doris lang po 'yung pumasok sa kwarto niyo ho para maglinis."
"Paano mo nalaman 'yung pangalan nung katulong?" nagtatakang tanong ko. Ako nga hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil sa dami.
Napakamot ng ulo ang lalaki at nahihiyang nag-iwas ng tingin. "Asawa ko ho, Ma'am."
Napangiti ako at tumango sa sinabi niya. Umalis ako sa security room na may tanong pa rin sa utak ko. Wala namang bitbit ang katulong sa kwarto ko noong pumasok siya at lumabas. Ang sumunod na pumasok na doon ay ako na at nandoon na ang mga kahon bigla.
Someone tampered the footage. I'm sure of it. Pero sino?
Habang nasa elevator ako, nakatanggap ako ng tawag mula kay Shin at Ate Felicity. Susunduin daw nila ako rito sa bahay para sa pageant mamaya.
Pero pagbaba ko ay natigilan ako nang makita kung sino ang naghihintay sa akin sa sala.
"Austin," tawag ko sa kanya. "You're early."
"Ah, ihahatid na kita ngayon sa school." Ngumiti siya.
"Susunduin ako nila Shin, e," malungkot na sambit ko. "Need ko kasi maghanda para sa pageant mamaya. Sorry, Austin."
"It's alright. But can I talk to you later? If you have time," tanong niya.
"Sure. Before lunch," tugon ko. Niyakap ko siya at ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko. "Thank you for always being there for me," nakangiting bulong ko sa kanya.
"No worries. You are special to me. I would give my life for you," he teased me.
Humiwalay ako sa kanya at pabirong hinampas siya. "Sira!" natatawang ani ko.
Sakto naman at nakarinig ako ng busina sa labas kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. "Ayan na yata sila Shin. Una na ako—"
"Austin, nandito ka pala."
Biglang sumulpot si Jamila sa isang tabi. Agad nawala ang kasiyahan na nararamdaman ko nang makita ko siya. Naalala ko pa rin ang itsura niya kagabi. Alam kong may mali talaga sa kanya simula noong ipakilala ko sila ni Austin sa isa't isa pero pinilit kong ignorahin 'yon.
Pero nararamdaman ko na ayaw niya sa akin. Na may galit siya sa akin. Maybe, she felt that I am taking everything away from her. But is Jamila always that shallow?
"Hi, Brielle!" bati niya sa akin.
Walang emosyon ko lang siyang tinignan at iniwas ang tingin sa kanya. "I'll go ahead, Austin. Si Jamila na lang ang ihatid mo."
"Hala! Huwag na nakakahiya naman," kunwaring nahihiyang wika ni Jamila at yumuko.
"Ayaw niya pala. Tara na," agad kong sabi at naglakad na. Nanlaki ang mga mata ni Jamila sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasyPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...