Chapter 3

22.4K 1.2K 339
                                    

#RTVillainess03


"ARE YOU SURE about your chosen program?"

Ngumiti ako kay Don Tiago habang kumakain ng agahan. "Opo."

"Can you handle it?" tanong niya muli.

"I can po. For my dream," tugon ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Okay."

Today is the first day of my college journey, and this is where the main events, twists and conflicts in the story will appear.

I'm mentally preparing myself for the stress that I'll be facing this time, but at the same time, the thrill of, finally, learning the program I want.

Sa totoong buhay ko, kumuha na lang ako ng secretarial program dahil, hindi dahil sa saglit lang 'yon aralin, kundi dahil iyon lang ang program na kaya kong bayaran.

I really wanted to be a doctor. I deeply regretted the time where I cannot do anything about my mother's condition. Walang tumulong sa amin noon dahil wala kaming pera. Hindi rin kami makapagpa-ospital dahil alam naming na hindi rin kami makakabayad.

"How about you, Jamila? Are you really sure about Nursing?" baling ng Don sa kanya.

"Opo. 'Yon na po talaga ang gusto ko dati pa. Gusto ko pong makatulong."

I smiled inwardly at her answer. That's my main character!

Jamila's character is enthusiastic, and she always sees the good in everything. Her main priority is to help her family, and others as well.

I created her dream through my dream.

"Si Niño na ang maghahatid sa inyo papasok. Pareho naman kayo nang oras ng simulang klase niyo 'di ba?" tanong niya.

"Yes, Papa."

"Yes po, T-Tito."

Nginitian ko si Jamila na mukhang nahihiya na tawagin ng ganoon ang Don dahil nandito ako. Bahagya rin siyang ngumiti pabalik.

Nakahanda na ang mga gamit ko sa tabi ko kaya pagkatapos kumain ay umalis na rin kami papasok.

St. Ignatius University.

Pinagbasehan ko ang university na pinapasukan ko noon ang paggawa nito.

Since I was in junior high school, gusto ko na talaga makapasok doon, and I did. Full scholar but not my dream program.

Napasinghap ako nang may maalala ako. Shit! This is the cafeteria scene!

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Jamila.

"Wala! Wala!" humagikgik ako at mas lalong na-excite papasok.

"Thank you, Kuya Niño!" sambit ko bago bumaba.

At nakita ko na naman ang gulat nilang mga mukha. Brielle never do that kind of thing! She was always calm, quiet and as if every word that comes out from her mouth are rehearsed, memorized or practiced.

"S-Sige po, Ma'am Brielle . . ."

As soon as I went out from the SUV, all eyes were on me. This was supposed to be Jamila's scene because of what happened at the party but since I stole that moment from her, I'm the one experiencing this.

Wait ka lang, Jamila. Time to shine mo mamaya.

Pilit kong sinusupil ang ngiti sa mga labi ko hanggang makarating ako sa unang subject ko pero tuluyan na 'yong nabura sa mukha ko nang makita ko kung sino ang tahimik at mukhang bored na bored na nakaupo sa likod ng classroom.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon