#RTVillainess11
WHAT AUSTIN SAID to me earlier, bothered me big time.
Iyon na nga ba ang iniiwasan ko. I don't want neither of them to like me. I only wanted to be friends with them.
Hindi lang din kasi ang mga nakatakdang tadhana nila ang masisira kundi ang tadhana na rin ng ibang mga karakter dito sa kwento.
If Austin doesn't end up with Jamila, then how will the story have a 'happily ever after'? That's the main purpose of the story. Give the characters a happy ending, not ruin their lives.
Austin is right. I could already feel North's special treatment to me. But I chose to ignore it. I chose to believe that his actions meant nothing.
Napasabunot ako sa buhok ko sa inis at pabagsak na ibinaba ang highlighter na hawak ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sad ulo ng study table ko at sumandal sa upuan. Binuksan ko 'yon at nag-scroll na lang sa Facebook at Instagram.
Mahina akong natatawa sa mga meme na nakikita ko nang makakita ako ng shared post ni Jamila. She shared something about being extra happy today then I saw a highlighted comment of one of her friends, I think.
'Parang alam ko kung bakit hahahaha! Ikaw na talaga, Jamila! Sa'yo lang pala lalambot 'yon!'
I unconsciously rolled my eyes. But then I mentally slapped myself. What was that, Niana? You're not here to fall in love! Remember that!
But of course, my curiosity didn't stop there. I checked Jamila's reply.
'Uy, issue ka hahahaha!'
Binasa ko ulit 'yung reply ng kaibigan niya.
'Weh? Pero nasa my day mo na agad.'
Nanlaki ang mga mata ko doon at agad na chineck ang mga stories ng friends ko sa Facebook. Hinanap ko talaga 'yung kay Jamila.
It's a picture of North's back. Nakatingin pa-likod si North na tila my tinatanaw. Ito 'yung sa building na nagkita kaming tatlo kanina. Smiley face na emoji lang ang nakalagay sa picture tapos 'yun na 'yon.
It seems like they're getting along pretty well. Pinatay ko na ang cellphone ko at hinagis sa kama. Bigla akong nag-crave sa chuckie. Pagbukas ko ng pinto ko ay napatalon ako sa gulat dahil nakatayo lang doon si Jamila habang tutok na tutok ang mga mata niya sa cellphone niya at malawak ang ngiti.
"What are you doing here?" tanong ko. Masungit yata ang pagkakatanong ko sa kanya dahil mukhang natakot siya at bahagyang nanginig.
"A-Ah, Brielle!" namimilog ang mga matang sambit niya.
"May kailangan ka?" tanong ko ulit.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at nahihiyang tumingin sa akin pabalik. "Sorry. Akala ko kwarto namin 'tong daan," mahinang usal niya.
Kumunot ang noo ko. Nasa first floor ang kwarto nila, paano siya mapupunta rito sa fourth floor? Kwarto lang namin ng Don ang nandito.
"Hindi ko lang napansin. Masyado kasi akong natutuwa sa kausap ko." May bahid ng pang-aasar ang pagkakasabi niya no'n at may pilyang ngiti na nakapaskil sa labi niya.
"Okay," tugon ko. Naglakad na siya papaalis at hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang, "A-Anong ginawa niyo ni North ngayong araw?"
Nilingon niya ako habang malawak ang ngiti. "Marami! Masaya!" humagikgik siya.
"That's good," napapalunok kong ani.
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasíaPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...