#RTVillainess05
I AVOIDED NORTH as much as I can for two weeks.
Bigla akong natakot sa maaaring mangyari. Hindi ako natatakot kay North pero natatakot ako na magbago ang tingin niya sa akin habang tumatagal.
It's because his hatred for me is bound to happen. It was supposed to happen when Jamila got hurt in the shed pero naudlot nga lang yata. Naudlot nga ba?
Pumapasok na lang ako nang mas maaga sa subject na kaklase ko siya para hindi ko siya makatabi. Mabuti na lang din na wala siyang pakialam sa iba at hindi niya ako tinatanong kung bakit iwas ako sa kanya.
Iwas din ako sa field kapag may soccer practice siya. Dati, doon ko hinihintay si Jamila pauwi pero ngayon dumidiretso na ako sa parking lot at sa loob ng sasakyan na lang ako naghihintay.
Minsan, iniiwan ko na lang si Jamila dahil ihahatid daw siya ni Austin pauwi kaya hinahayaan ko na lang.
I should be happy for them because my plan of pushing their happily ever after is working. But because of the thought that everything I am having and experiencing right now is temporary and I bound to lose them in the end, makes me want to just lie-low and just stand on the sidelines.
Besides, hindi naman ako gagawa ng masama e. I could be just the side character like I originally am while making their end a joyful one.
Baka mamaya, hindi rin matuloy ang pagkamatay ko sa ending.
Papunta ako ngayon sa canteen ng makasalubong ko si North kasama ang mga ka-team niya. Lahat sila pawisan pa. The sun is shining at them so brightly that they caught the attention of the people around them.
Napako ang tingin ko sa hikaw ni North sa kaliwang tainga niya na kumikinang dahil sa araw at ang pagtulo ng mga butil ng pawis mula sa buhok niya na naglalandas sa leeg niya, pababa sa jersey niya.
Ang gwapo!
Sayang nga lang, walang endgame.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko at lakad-takbo na umalis mula roon.
Bumili ako ng dalawang slice ng pizza at isang lemonade. Quick snack lang bago ang apat na oras na klase ko. Last subject ko na rin naman na 'yon, sa bahay na lang ako kakain.
"Brielle!"
"Austin," ngumiti ako sa kanya bago kumagat sa pizza.
"Punta ka sa bahay mamaya ha?" sambit niya.
"Anong meron?" tanong ko. Hinawi muna niya ang buhok niya at halos mapanganga ako dahil parang nag-slow-mo pa ang paligid sa ginawa niya. Kasabay no'n ay ang gwapo niyang ngiti.
Ay deserve maging main lead. Kaya pala hirap na hirap si Jamila pumili kung sino ang pipiliin niya kay Austin at North. Sana all.
"Mom wanted me to hangout with other people. Puro na lang daw kasi si North ang kasama ko. Kaya niyaya niya 'yung mga pinsan ko. Pinasama na rin niya 'yung mga kaibigan nila. Pool party raw later. Wala rin siya mamaya e," aniya. "Sama ka ha? Bukod kasi kay North, ikaw lang ang isa pang mapagkakatiwalaan ko."
"Uh . . ." pag-iisip ko.
Surely, North won't come. Right? Ayaw niya sa maraming tao. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"I invited Jamila, too," dagdag niya.
Pinigilan ko ang pagngiti ko sa sinabi niya. Great! Nagkukusa na siya! Hindi ko na siya kailangan pilitin pa pagdating kay Jamila. Hindi katulad noong unang beses sila magkita. Kung hindi ako gagawa ng paraan, walang mangyayari sa love story nila!
BINABASA MO ANG
Reforming the Villainess (Reincarnation #1)
FantasyPUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to leave the country as soon as she graduates. Being in the same place with his father, breathing the same air with him, is already insufferab...