Prologue

43.7K 1.4K 556
                                    

Reincarnation Series:
1. Reforming the Villainess (COMPLETED)
2. The Second Lead's Retribution (COMPLETED)
3. The Main Lead's Substitute (COMPLETED)
4. The Tyrant's Rage (ONGOING)
5. The Side Character's Desire (SOON)


#RTVillainess00

ANG LAKAS NA naman ng ulan.

Napabuntong hininga ako habang tinitignan sa cellphone ko ang oras. Isa't kalahating oras na lang, magsisimula na ang shift ko sa pub. Kapag hindi pa ako umalis ngayon, male-late ako. Rush hour pa naman.

Pasakay na ako sa jeep pero may bumangga sa akin dahilan para bumagsak ako at siya ang nakasakay doon. Gusto ko magalit pero wala na akong oras para gawin 'yon dahil malalagot ako kapag nahuli ako sa trabaho.

Pinagpag ko ang damit ko pagkatayo ko at sinilip ang mahabang pila ulit. Marami pa rin na naghihintay at tila nadadagdagan pa ang mga naghahanap ng masasakyan.

Sa Banawe, maraming bumababa doon at panigurado makakasakay na ako doon. Kaso ilang kilometro pa mula dito sa Fishermall ang Banawe.

Bahala na.

Umalis ako sa pila at tinakbo ko na ang daan papunta sa Banawe. Wala na akong pakialam kung pawisan na ako bago pa makapasok sa trabaho, huwag lang ma-late. Bawas sweldo na naman kung sakali. Kailangan ko pa naman magbayad ng tubig at kuryente ko.

Nakasakay naman ako agad pagdating ko doon. Marami kasi talagang bumababa sa Banawe.

Hindi ko naman talaga dapat nararanasan 'to. Kung hindi lang dahil sa mga taong tinanggap namin, sana, hindi ganito ang buhay ko.

Pagdating ko sa pub ay mabilis akong nagpalit ng damit. Tinali ko sa baywang ko ang apron at lumabas na para magligpit-ligpit ng mga mesa nang mga umaalis na customer.

Waitress ako rito sa pub kapag ganitong oras. Mamayang alas diez ng gabi ay sa isang convenience store naman ako at tumutulong naman sa library tatlong oras bago ang unang klase ko, kapalit ng pagiging full scholar ko sa University.

"Niana, haggard na agad?" nakangising tanong ni Kuya Bert, ang bartender dito sa pub.

"Rush hour, Kuya. Tinakbo ko mula Fishermall hanggang Banawe," natatawang tugon ko.

Hindi makapaniwala niya akong tinignan at sumaludo sa akin habang napapailing. "Saludo talaga ako sa'yo. Hilig mong pagurin sarili mo," nakangiwing wika niya.

"Kaysa naman maghintay ako doon, Kuya Bert. Bawas sweldo pa," kibit-balikat kong balik. "Kailangan kong makabayad kahit isang buwan lang sa tubig at kuryente ko. Baka maputulan ako."

"Pwede ka naman manghingi ng tulong sa akin, Niana. O kaya kahit kay Grasya," aniya at nginuso si Ate Grace, ang isa ko pang kasamahan na waitress dito.

"Naku, Kuya. Alam kong may dalawa kang pinapaaral ngayon tapos katatanggal lang sa trabaho ng asawa mo. Si Ate Grace naman, ang daming utang. Nakakahiya kung manghihingi pa ako ng tulong sa inyo, e, pare-pareho lang naman tayong mabigat ang problema dito," humalakhak ako at umupo muna sa harap niya. Pumangalumbaba ako doon at halos sabay pa kaming napabuga ng hangin ni Kuya Bert.

"Bakit kasi hindi ka na lang umuwi sa tatay mo?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin.

Umiling ako. "May pamilya na siya. Ayaw niya na sa akin. Wala na rin naman na si Mama e," sagot ko at napangiti ng mapait.

"Walang magulang ang nakakatiis sa anak, Niana."

"Maliban sa kanya," ngiti ko. "Anim na taon na niya akong natitiis, Kuya Bert."

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon