Chapter 2

23.1K 1.2K 302
                                    

#RTVillainess02


PEOPLE AROUND US are looking at North and me. Hindi ako agad nakakilos dahil para akong minulto nang makita ko siya.

Second lead lang 'to ah! Pero bakit sobrang gwapo? Hindi ko alam na nakagawa pala ako ng isang diyos!

"Nangangalay ako."

Mabilis akong umalis sa pagkakahawak niya at umayos ng tayo. I stepped back a bit when I noticed his intense stare at me as if he's searching for my soul.

"Ano?" matapang na tanong ko sa kanya.

"Nothing. You really do look sheltered . . ." aniya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, ". . . and a spoiled brat."

"What? Excuse me—"

"Oh. Daan ka na," nakangising wika niya at tumabi pa.

I scoffed at how rude he was. I rolled my eyes at him when his mocking smile didn't leave his face.

I know I created him. But I didn't expect that he's really sarcastic and rude! And I'll be annoyed this much!

"Whatever," sabi ko at tinalikuran siya para maglakad papalayo.

"Why are you even excited to see what happened with Austin and that girl?" tanong niya na nakasunod pala sa akin.

"None of your business."

"Well, Austin is my best friend."

Hindi ko na lang siya sinagot dahil baka masinghalan ko siya dahil unti-unti na akong naiirita sa kanya.

"They say that the Padua heiress is quiet and kind, but I think it's the opposite," patuloy niyang litanya habang naglalakad sa likod ko.

"Brielle," tawag ni Don Tiago. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na siya. Mas gusto ko pang umupo sa mesa nil ana puno ng mga businessman kaysa ang makasama si North.

"Papa," I acknowledged him and smiled at everyone at the table.

"North, kilala mo pala si Miss Padua?" sabi ni Senator Lumina Claveria, North's mother. Beside her is North's father and the president of the country, Mauricio Claveria.

"Of course, bukambibig na siya ni Austin nitong mga nakaraang buwan," walang emosyong tugon niya sa ina.

Bilis magbago ng mood ah. But it's North's personality, anyways.

He's usually snob, he's sarcastic, he doesn't care about other people, he's a man of few words, and he hates someone being close to him. Kaya si Austin lang ang kaibigan niya dahil sabay na silang lumaki at ito lang ang nakakaintindi sa kanya.

Because of North and Austin's status, most of the people they met befriends them just to gain power and to use their money.

"Congratulations on your engagement to Austin, hija," nakangiting baling ni Lumina sa akin.

"Thank you po pero hindi pa naman po official. After college pa po napagkasunduan na i-push through po'yon," nakangiting tugon ko sa kanila.

"Pero kung sa akin lang, gusto ko maipakasal na sila ngayon. They're of legal age. Panatag din ako kung si Austin ang mapapangasawa ng nag-iisang anak ko. I know that she's in good hands," halakhak ni Don Tiago at uminom ng wine sa kopita na hawak niya.

Nakitawa ako sa kanya kasabay ng mga nasa mesa.

"But it's a great arrangement, for me po. I want to establish my own success po muna before settling in. Maybe, makahanap rin po ako ng taong mamahalin ko talaga?" biro ko na nagpatawa pa sa kanila lalo.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon