Chapter 20

19.7K 1.1K 384
                                    

This is the last chapter of Reforming The Villainess. Thank you, everyone, for your continuous support and never-ending love for this story!

See you on Friday for the Epilogue!


#RTVillainess20


AUSTIN IS THE most wonderful person I've met my whole life.

He's kind, patient, and he's trustworthy.

Kaya hindi ko kayang makita siya ngayon na naliligo sa sarili niyang dugo habang tinatakbo siya papasok sa loob ng Operating Room. Nanlalambot ang mga tuhod ko pero pinipilit kong makita siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng OR.

"Pasensya na, Ma'am, Sir! Hanggang dito na lang po kayo!" pigil ng isang nurse at sinara niya ang pinto.

Mula doon sa maliit na bintana ng pinto ay sinisilip ko si Austin. Nilalagyan siya ngayon ng oxygen mask at iyon na ang huli kong nakita bago sinara ng isa sa mga staff sa loob ang takip ng bintanang 'yon.

Hindi matigil ang paglandas ng luha sa pisngi ko at halos hindi na ako makahinga kakahikbi. Nakayakap lang sa akin si North at kahit siya, halata ang pag-aalala at takot sa mga mata niya. Nakapalibot sa amin ang mga guard ni North.

"He'll be fine," bulong ni Austin. "He's strong. I know he'll make it."

"North, si . . . si Austin," paputol-putol na sabi ko dahil sinisinok na ako sa kaiiyak ko. "It's my fault. It's all my fault!"

"No, baby. None of this is your fault," aniya at hinalikan ang noo ko.

"Hindi! Para sa akin dapat ang bala na 'yon, North! Hindi para kay Austin! Why did he even take that bullet for me—"

"Chantal, even if I was in his position, I'd gladly take a bullet for you. I'd rather get hurt to keep you safe than to see you fighting for your life."

Natigilan ako sa sinabi niya. But . . . I am already fighting for my life, North.

"Sir. Ito po 'yung mga gamit ni Ma'am at Sir. Nasa presinto na rin 'yung gun man at kasalukuyang kinukwestyon na doon. Ligtas din ho ang ibang mga tao na nandoon kanina. Tumawag din po ang mga magulang niyo. Papunta ho sila rito."

Tumango si North sa sinabi ng isang guard niya. Kinuha niya ang mga gamit namin at nilapag sa isang upuan sa gilid namin. Dahan-dahan kong nilapitan ang bag ni Austin at tumulo na naman ang luha ko.

"Mr. Claveria, I am Police General Rico Diosdado, the Chief of the Philippine National Police. May kaunting katanungan lang ho kami para kay Ms. Padua," pagpapakilala ng pulis na dumating. Sumaludo pa siya kay North at ganoon din naman ang ginawa ng huli.

"General, I don't think this is the right time—"

"Ano po 'yon?" sumingit na ako. If I can help in any way, gagawin ko. Para kay Austin.

"Ma'am, how are you related to Niño Padua?"

Bumalik na naman sa isipan ko ang itsura ni Kuya Niño kanina. Para bang wala lang sa kanya 'yung gagawin niya dahil kahit nakabaril na siya ay sinusugod niya pa rin kami.

But Niño Padua is kind. I wrote him. I'm sure of it. Anong dahilan niya para gawin 'to sa amin? Sa . . . akin?

"He's my father's secretary, and my adopted brother," sagot ko at namamalat na ang boses ko dahil sa pag-iyak ko.

"May alam ho ba kayong dahilan kung bakit niya nagawa 'to?"

Umiling ako. "Kuya Niño is kind and loyal. Siya rin ang taga-hatid at sundo ko. Siya rin ang nagdadala ng magagandang achievements sa negosyo ni Papa."

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon