THEODORE couldn't make it. Family problem. Noon pa man bilang panganay na anak ay si Theodore na ang syang pumapasan sa problema ng kanilang pamilya. Kahit ngayon na may sarili na syang pamilya ay hindi niya pa rin magawang bitawan ang responsibilidad na maagang iniatang sa kaniyang balikat ng reyalidad ng buhay. Si Theodore ang syang vocalist ng kanilang banda, mahalaga ang papel na ginagamapanan nito. Ngunit mas mahalaga at dapat mas inuuna ang pamilya kung kaya't nauunawaan nila ito.
Napagpasyahan nilang si Zerachiel na lang ang syang aawit bilang sub-vocalist.
" I'll slice you into pieces Lucan once you let go of my sister again." Ani Zerachiel nang masumpungan ang kapatid na wari'y naguguluhan sa mga nangyayari. Natawa naman ang karamihan sa mga taong naging saksi sa pagmamahalan ng dalawa.
May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ni Gertrude nang magsimulang umawit si Zerachiel. Ang malamig at malamyos na tinig nito ay tila'y isang lunas na pumapawi sa lahat ng sakit at pighati na simula pagkabata ay kaniya nang dinaramdam.
Dagdag pa na ang paborito niyang kanta ang kasalukuyang inaawit nito, ang " I wanna grow old with you" na kinanta ng Westlife, ito rin ang kaniyang paboritong banda na tanyag noong 90s.
Another day without your smile
Another day just passes by
And now I know
How much it means
For you to stay right here with meThe time we spent apart
Will make our love grow stronger
But it hurts so bad
I can't take it any longerI wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you
I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing in everything you do
I wanna grow old with youBinaling nito ang tingin sa kaniyang kinaroroonan kapagkuwa'y kumindat. Pasimple syang lumingon sa kaniyang likuran, mahirap ng mag-assume. Halos naglalakihang bookshelves na ang nasa kaniyang likuran kung kaya't bahagya syang kinabahan na baka nakakakita na ito ng mga bagay o tao na hindi nakikita ng katulad niyang pangkaraniwan lamang.
Samantalang, abala si Zacharias sa pagtugtog ng piyano, isa itong music genius kaya hindi na nakapagtatakang napakahusay nito sa larangan ng musika at pagtugtog. Si Lucan naman ay halatang pilit na kinukubli ang kabang nararamdaman.
" Don't act as if you didn't know this coming Erelah." Ani Zerachiel matapos ang kaniyang pag-awit. Umirap naman ang huli bilang tugon.
Mahinang sinapak ni Zerachiel sa balikat si Lucan bago binigay dito ang micropono.
" You got this." Anito at naglakad papunta sa kaniyang kinaroroonan. Mahina syang natawa nang magsumiksik ito sa kaniyang tabi. May kaliitan na ang espasyo sa kaniyang kinatatayuan ngunit pilit pa rin nitong ipinagkakasya ang sarili. Bahagya syang lumayo mula dito ngunit maagap nitong nahawakan ang kaniyang bewang. Marahan sya nitong hinila papalapit dito, mahihiya na yatang dumaan ang hangin sa kanilang pagitan sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
" Am I making you feel uncomfortable?"
" Yes." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.
Natatawang napakamot ito sa mukha at nahihiyang lumayo mula sa kaniya.
" Sorry."
" Is there a problem?" Mahina niyang tanong dito. Hindi niya maiwasang magtaka sa ikinikilos nito.
" Nothing, why?" Bagama't ibig niyang isatinig ang katanungang tumatakbo sa kaniyang isipan ngunit umiling na lamang sya.
Sabay nilang itinuon ang pansin sa dalawang magsing-irog.
" I know I'm selfish and hard-headed for not agreeing on what you want for us. . .”
" But I don't want us to grow apart Erelah, I want us to grow old together." Lumuhod si Lucan sa harapan ng dalaga habang nakalahad ang singsing dito. Bakas ang tuwa at pagkagulat sa mukha ni Erelah.
" Erelah Israeli Guadarrama, can I replace your surname with mine?" Pigil ang hininga ng lahat ng umiling-iling ang dalaga.
" Yes, of course!" Halos sabay silang nakahinga ng maluwag. Kinukuhanan ng mga taong naroroon ng video at larawan ang dalawa, samantalang siya ay nakangiting pinagmamasdan lang ang mga ito.
Hindi niya maipagkakaila ang saya na nararamdaman para sa matalik na kaibigan.
Nanginginig na isinuot ni Lucan ang singsing sa palasingsingan ng dalaga. Kitang-kita niya ang nag-uumapaw na pagmamahalan ng dalawa sa pamamagitan lamang ng tingin ng mga ito.
Hinila ni Erelah ang kwelyo ng damit ni Lucan at nakangiting siniil ito ng halik. Napahiyaw naman sila sa pagkabigla. Napasimangot sya nang takpan ng kaniyang katabi ang kaniyang mga mata.
" You're corrupting an innocent eyes here!" Sigaw ni Zerachiel sa dalawa. Natawa na lang ang ilan sa nakarinig.
" E ikaw hijo, kailan ka gagawa ng hakbang?" Natatawang tanong sa kaniya ni Tito Zadkiel, ang kaniyang ama.
" Don't worry Dad, soon." Ngiting sagot ni Zerachiel.
" Mukhang double wedding ang magaganap!" Sigaw ni Tito Ellie, ang masayahin at palabirong kapatid ni Tito Zadkiel.
" Ayieee." Asar ng mga Tito at Tita niya. Nakangiting nakatingin naman sa kanila ang kaniyang Tita Erina. Ramdam ni Gertrude ang pamumula ng kaniyang pisngi.
" Impossible, nang nagpaulan yata ng katorpehan nasa labas si Zerachiel, hindi man lang sumilong." Natatawang saad ni Tito Zadkiel.
" Parang ikaw lang Kiel." Ngiting wika ni Tita Erina. Napuno naman ng tawanan ang silid dahil sa panglalaglag nito sa asawa.
" Love naman," Napakamot sa batok ang huli at nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang asawa.
" IT'S NOT A DREAM!"
Muntik nang mabitawan ni Gertrude ang hawak na coffeemaker sa lakas ng sigaw ni Erelah mula sa loob ng inookupa nitong silid.
Mahigpit sya nitong niyakap mula sa likuran. Natawa sya sa inakto nito. Pinakita nito sa kaniya ang singsing na kulang na lang ay ipa-frame nito.
" I thought it was all just a dream." Nagpagulong-gulong ito sa carpeted floor. Ni hindi pa ito nakakapagsuklay o nakakapaghilamos man lang.
Tatlong mahihinang katok ang nakapagpalingon sa kanila sa pintuan. Dagling inayos nito ang sarili at inamoy ang hininga. Napangiwi ito, dahilan upang matawa sya nang malakas.
Sumilip ito sa peephole. Impit itong napatili, daig pa ang isang dalagita na nakita ang kaniyang crush.
Tinakpan nito ang bibig bago binuksan ang pinto.
Bumungad sa kanila si Lucan na may hawak na isang bungkos na sunflower at paper bag. Kung hindi niya kilala ang mga ito, iisipin niyang nagliligawan pa lang. Akmang yayakapin ni Erelah si Lucan nang biglang lumitaw sa tabi ng binata si Zerachiel.
" Kindly fixed yourself first before facing your visitor. I can still smell the Adobo that you ate last night."
" Kuya!" Asar nitong hinampas sa braso ang kapatid.
" What? I'm just stating the fact."
" And no one's asking." Irap ng dalaga.
***
A/N: cttro
BINABASA MO ANG
Bending The Truth
RomanceGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.