Chapter 15

11 0 0
                                    

ZERACHIEL gathered all his strength to maintain his composure and eye contact with Gertrude's grandfather. Though his nervousness is eating him alive tremendously.

So this is how it feels to deal with a devil incarnated into an old man. I'm sorry Gertrude for the word.

Gertrude's grandfather looks intently at his eyes as if it's looking directly at his soul.

" Are you sure about my granddaughter?"

" Never been sure my whole life Sir." In his life who's full of uncertainty she's the only certain.

" Stop using that cliche phrase of yours young man." The great Silvano Elizondo asserted while throwing daggers look at him. His domineering presence is enough to make someone knees tremble.

" She's an insult to your ego. An audacious and a contumacious woman. Indisputably ambiguous and occasionally acts bizarrely." Zerachiel can't help but softly chuckle upon hearing all the words he used to describe his granddaughter. Mas lalong sumama ang tingin na ginagawad nito sa kaniya.

" The reason why I love her more each day. Her flaws and imperfections make her one of a kind." Ngayon niya lang napagtanto kung gaano niya kamahal ang lahat ng hindi magagandang katangian ni Gertrude. Kung nababasa lang siguro ng kausap ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Malamang ay pagtatawanan sya nito. Ngunit kailanman ay hindi niya itatangi ang pagmamahal na nararamdaman sa babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso. At dahilan nang bawat pagbangon niya sa umaga.

" You're hopeless." Lihim syang sumang-ayon sa tinuran nito. Sadyang malalim na ang kaniyang pagkakahulog kay Gertrude at wala syang balak umahon.

" Are you sure you're willing to give up everything just for her?" Anito, wari'y hindi pa rin naniniwala sa kaniya.

" She's the very reason why I'm striving in life. It would be meaningless if I couldn't spend a lifetime with her." Walang pag-aalinlangan niyang sagot dito.

" You worked arduously on that, but you willingly want to relinquish it just for a woman. You're impossible. So this is how love worked for you? By making you look outrageous?" Hindi nito makapaniwalang saad. Kaya naman talaga niyang bitawan ang kompanya na itinatag niya mula sa kaniyang sariling pawis at dugo. Hindi sya mangingimi lalo pa't ang kapalit nito ay ang pagbibigay nito ng pahintulot sa pag-iibigan nila ni Gertrude. Kung iyon lang ang tanging paraan upang hindi na ito humadlang ay hindi sya magdadalawang-isip. He could always start anew with her.

" Gertrude shows me what the real meaning of love is, it's not perfect but it can always be unfeigned." Saad niya at hindi maiwasang mapangiti nang pumasok sa kaniyang isipan ang mukha nito.

" But you couldn't give the life I want for her." Inis nitong pahayag, wari'y naiirita na sa mga nagiging kasagutan niya.

" But I can give the love she truly deserves." Katwiran niya.

" Be practical, your love can't feed an empty stomach." But he could always turned impossible into possible just for her.

" But it can give me the reason to strive hard." Mabilis niyang sagot.

" Did you think you can fool me? You flew straight from the Philippines just to say to me all the cliché phrases you have," Umingos ito, Gertrude warned him already about her grandfather. He's truly hard to deal with.

" It is exactly how I truly feel Sir." Hindi sya susukong pakiusapan ito, he's a businessman after all.

" You're just like her, you're good at making the fool of me. I think I've wasted enough of all my strength and time here." Sumenyas ito sa butler nito. Dagling lumapit naman ito at tinulungan ang matanda na lumipat sa kaniyang wheelchair.

" Vas a sentarte allí todo el día?" (Are you just going to sit there all day?) Napakunot ang kaniyang noo sa katanungan nito.

" Go and look for them." Masungit na utos nito.

Them?

" I have my eyes on you young man. You know exactly what I'm capable of. Go and prove to me your unfeigned affection towards her." Dagdag pa nito.

" Yes, Sir," Kulang na lang ay saluduhan niya ito.

" No. . . not Sir, call me Grandpa young man," Anito bago tuluyan syang iwan na parang nanalo sa lotto sa lawak ng ngiti.

Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang isang tao na alam niyang makakatulong sa kaniya upang mabilis na mahanap ang asawa. Asawa? Ang sarap sa pakiramdam na malaya niya nang maipapakilala ang babae bilang asawa sa madla.

Wala nang hahadlang at higit sa lahat maipapakita niya na ang pagmamahal dito na wagas at walang hanggan. Keso mang pakinggan ngunit ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kahit magmukha kang ewan at katawa-tawa sa paningin ng iba ay ayos lang.

" What do you want?" Masungit na bungad nito sa kaniya.

" My wife," Dagling sagot niya.

" Why would I tell you?" Muling tanong nito. Muntik niya nang makalimutan na mukhang pera ang lalaki, sinusuhulan muna ito bago magsalita.

" I'll pay you," Saad niya upang hindi na magtagal pa ang kanilang pag-uusap. Gusto niya nang makita ang asawa, parang papanawan sya ng ulirat kapag lumipas pa ang ilang araw na hindi ito nakikita.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na binigay nito sa kaniya ang lokasyon kung nasaan ang kaniyang asawa. Basta talaga pagdating sa pera ay hindi ito nagdadalawang-isip.

" Thank you," Pasasalamat niya.

" Walang problema kaibigan, if the price is right magkakasundo tayo," Muntik na syang matawa dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig niya itong magsalita ng Tagalog.

" I'll be expecting a 50 million on my account tomorrow," Huling wika nito bago pinatay ang tawag.

Napailing na lang sya.

Mukhang pera talaga.

Mabilis syang naglakad papalabas dahil nangangati na ang kaniyang mga paa na makita ang asawa. Akmang bubuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse nang may kung sinong humawak sa kaniyang kaliwang braso.

Sumalubong sa kaniyang tingin ang isang pamilyar na babae. Masyadong makapal ang suot nitong make up at nakakasilaw ang suot nitong alahas sa katawan. Pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ng asawa, bagamat hindi ito masyadong nag-aayos ay ito pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin niya. She's like a breathtaking scenery that he won't get tired of watching everyday.

" Earth to Zerachiel Guadarrama," Inis na saad ng babaeng kaharap. Ilang minuto pala syang napatulala nang maisip ang asawa.

" Sorry, do I know you?" Takang tanong niya dito. Umingos ang babae at inis syang inirapan.

" I knew you would say that, I'm the daughter of the Senate President of the Philippines," Pakilala nito.

" Oh, and?" Hindi interesadong tanong niya. Pigil ang kaniyang sarili na ipakita ang pagkairita dahil pinapatagal nito ang oras bago niya makita ang asawa.

" I-"

" I'm sorry Miss but I have to go, it's a matter of life and death situation," Mabilis niyang putol sa kung ano pa ang sasabihin nito. At kumawala sa pagkakahawak nito. Ilang minuto lang sya nito nahawakan ngunit pakiramdam niya'y nagkasala sya sa asawa.

Nagdadalawang-isip itong tumango sa kaniya.

" Thank you." Saad niya at mabilis na pumasok sa loob ng kaniyang kotse.

Bending The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon