Chapter 2

47 2 0
                                    

NAKATAAS ang isang paa at prenteng nakaupo sa maliit na balkonahe ng kaniyang apartment si Gertrude. Napapikit sya nang maamoy ang mabangong aroma ng kaniyang iniinom na kape. Kung may makakakita sa kaniyang ginagawa, marahil ay iisiping ginagaya niya ang isang sikat na commercial ng kape sa telebisyon.

Akmang isasawsaw niya ang hawak na pandesal sa mainit na kape nang magulat sya dahil sa malakas na kalabog sa katabing apartment. Wari'y bumagal ang paligid nang mabitawan niya ang hawak na pandesal at nagpagulong-gulong ito sa sahig. Malakas syang napatampal sa kaniyang noo nang saktong tumigil ito sa doormat na may nakasulat na katagang 'Welcome.'

" Wala pa namang 5 seconds." Dagli niya itong kinuha at hinipan na parang maaalis ng hangin na nagmumula sa kaniyang katawan ang mikrobyong mabilis na kumapit sa pandesal.

Nagpalinga-linga sya na parang may gagawing karumal-dumal na krimen. Hindi pa naman bumabangon sa kaniyang higaan si Erelah kaya walang magiging saksi sa kaniyang gagawin.

Mabilis niyang sinubo ang pandesal bago ininom ang isang tasang kape. Muli syang naupo na parang walang nangyari nang maramdaman ang presensya ni Erelah sa kaniyang likuran. Pasimple syang napapapaypay sa kaniyang bibig dahil tila'y nasunog ito sa init ng kape.

" May nag-aaway ba sa kabilang apartment?" Takang tanong sa kaniya ni Erelah habang humihikab. Kumibit-balikat sya, kalabog lang naman ang narinig niya. Marahil ay pusa lang 'yon. Ngunit napagtanto niyang wala namang alagang hayop ang magkapatid na umuukupa sa katabing apartment.

" Bakit?"

" Dinig na dinig ko kasi ang pagtatalo mula sa higaan ko," Nayayamot na wika ng kaibigan. Ika nga nila, magbiro ka na sa lasing huwag lang kay Erelah na bagong gising.

" Bakit kasi ang tagal mong bumangon? Ang akala ko ba'y maghahanap ka ng trabaho ngayon," Takang tanong niya dito.

" E sa napuyat ako kagabi kakaiyak," Napailing-iling si Gertrude. Hopeless case na ang kaniyang kaibigan.

" Sama ka sa'kin?"

" Saan?" Kahit alam naman ni Gertrude ang tinutukoy nito.

" Sa paghahanap ng trabaho." Umikot ang mga mata ni Erelah nang 360 degrees.

" Pinag-iisipan ko pa." Balewalang sagot niya.

" Ate Gertrude!" Tawag sa kaniya ni Marcus, ang bagito niyang kapit-bahay mula sa labas ng pinto. Sunod-sunod ang ginawang pagkatok nito sa kaniyang front door. Ano na naman kayang kailangan sa'kin ng batang ito?

Tamad syang naglakad papunta sa pinto, hindi alintana ang paraan ng pagkatok ni Marcus na tila'y hinahabol ng multo.

" Bakit?" Nakahalukipkip niyang tanong.

" Ate Gertrude, pwede bang makahiram ng frying pan?" Napakunot ang noo niya sa gustong hiramin nito.

Kung hindi niya lang kilala si Marcus, iisipin niyang nanggaling ito sa mayamang pamilya. Nasa edad labing-walo, mestizo, may kaliitang mga mata, at matangos na ilong. Kapansin-pansin ang pagiging palabiro ng awra nito. Kasalungat ng kaniyang kapatid na si Mathieu. Dahil pinaglihi yata si Mathieu sa kapeng barako sa sobrang pait ng pag-uugali.

" Bakit?"

" Marcus, kakatayin na yata ako ng iyong Kuya!" Lumabas ang isang magandang babae sa pinto ng apartment nina Marcus.

" Please Ate pahiramin mo na kami, kakatayin na ni Kuya si Ate Audenzia!" Aligagang wika ni Marcus, tarantang kinuha naman ni Gertrude ang frying pan sa maliit niyang kusina.

TANGHALING TAPAT, mataas ang sikat ng araw at nanunuot sa balat ang init na hatid nito. Hinawi ni Gertrude ang buhok na tumatabing sa kaniyang mukha. Paulit-ulit ang tanong na tumatakbo sa kaniyang isipan kung bakit nga ba sya sumama kay Erelah. Napaupo sya sa sidewalk at hinubad ang suot na heels na daig pa ang sikip ng traffic sa EDSA.

" I saw you two last night, you think it's time?" Biglang tanong sa kaniya ni Erelah na katulad niyang hapong-hapo na rin.

" It's now or never Erelah, I've been wanting to do this for so long." Determinado niyang wika.

Napangiwi si Gertrude nang makita ang malaking paltos sa kaniyang paa. Ibinaling niya ang tingin sa mga nagtataasang gusali at establisyemento sa Metro upang kahit papaano'y hindi sumagi sa kaniyang isipan na nasa kaawa-awa syang kalagayan ngayon.

Ngunit hindi niya rin maiwasang makaramdam ng pagkahilo sa paroo't paritong mga tao sa paligid.

Natuod sya sa kinauupuan nang masumpungan ang isang pamilyar na mukha. Nablangko ang kaniyang isipan. Napatayo sya at tarantang naghanap ng pwedeng pagtaguan.

" Gertrude, saan ka pupunta?!" Takang tawag sa kaniya ni Erelah, napailing-iling sya at mabilis na tumawid sa kalsada. Ang malakas na kalabog ng kaniyang puso ang tangi niyang naririnig sa kabang nararamdaman. Naiwan pa niya ang isang pares ng heels sa pagkataranta.

Hindi niya ako pwedeng makita.

Mga katagang paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang isipan. Wala sa sariling nakipagpatintero sya sa mga rumaragasang sasakyan.

" Gertrude!" Tawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses. Natigilan sya nang makita ang isang six wheeler truck na ilang dipa na lang ang layo mula sa kaniya. Nanlalaki ang mga matang naitaas niya ang dalawang kamay. Animo'y tumigil ang puso niya sa pagtibok at bumagal ang lahat ng nakapaligid sa kaniya.

Pumasok sa isipan niya ang mukha ng kaniyang mga magulang at ang umiiyak na batang Gertrude habang kumakanta ng 'Happy birthday' sa kaniyang kaarawan.

Nagsumiksik sa kaniyang tenga ang nakakabinging tunog ng busina ng truck. May kung sinong humila sa kaniya kasunod ng pagtama ng kaniyang mukha sa isang matipunong dibdib. Nawalan sila ng balanse at gumulong sila sa magaspang na kalsada.

" Are you out of your mind?!" Galit nitong saad. Nagtama ang kanilang tingin kung kaya't lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Nailayo na naman sya nito sa tiyak na kapahamakan. Nag-aalalang sinuri nito ang kaniyang katawan. Nakahinga ito ng maluwag nang matiyak na wala syang galos o sugat na natamo.

Hinawakan sya nito sa mukha at pilit na hinuhuli ang kaniyang ang mga mata. Nahihipnotismo syang napatitig sa kulay tsokolateng mga mata nito.

" Gertrude, are you okay?" Tanging pag-iling lang ang naging tugon niya.

" Is there something wrong?" Naging mahinahon na ang tinig ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumigat ang kaniyang pakiramdam kasabay ng unti-unting pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata. Marahang pinalis ng malambot at mainit nitong kamay ang masaganang luha na dumadaloy sa kaniyang pisngi.

Nagpalinga-linga si Gertrude at hinanap ang multo ng kaniyang nakaraan. Bahagya syang kumalma nang hindi na ito muling nakita.

Tumayo sya mula sa pagkakahiga sa dibdib nito at pinagpagan ang suot na pencil skirt.

" Gertrude, what happened?" Nag-aalalang hinawakan sya sa balikat ni Erelah at pinagpagan ang kaniyang suot na blazer.

" What happened Kuya Zerachiel?" Tanong nito sa lalaki nang walang makuhang sagot mula sa kaniya. Inayos ni Zerachiel ang suot na coat at ang necktie na bahagyang tumabingi.

" I have no idea. Siguro ay may nakita syang isang tao na pinagkakautangan niya ng malaking halaga." Zerachiel jokingly answered to lighten up the atmosphere.

" Gertrude is not like that. She's not fond of making utang." Maarteng saad ni Erelah.

" I know."

Tumawid si Zerachiel sa kalsada at kinuha ang isang pares ng kaniyang heels. Bumalik ito sa kanilang kinaroroonan at lumuhod sa kaniyang harapan.

" You're not supposed to act as a damsel in distress." Ngiti nito, saka lamang natauhan si Gertrude at inalayo ang paa mula dito.

Bending The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon