Chapter 12

12 0 0
                                    

Bayad po,"

Wika niya sabay abot ng buong singkwenta pesos sa traysikel driver bago inayos ang laman ng grocery bag na nakalagay sa kandungan niya. Mabilis and kaniyang bawat pagkilos dahil batid niyang anumang oras ay bubuhos ang malakas na ulan.

" Salamat, Manong!" Paalam niya sa traysikel driver nang makababa.

"Ay! Ano ba 'yan!" Tili nya nang biglang gumuhit ang kidlat sa kalangitnan at sinundan pa ng malakas na kulog. Muntik na niyang mabitawan ang dala dahil sa gulat.

Galit na galit ang kulay abong kalangitnan taliwas sa panahon kaninang umaga bago sya umalis ng bahay. Kulay bughaw ang kalagitnaan at nakakasilaw ang liwanag ng haring araw.

Kung may kakayahan lang sana syang lumipad ay matagal na syang lumipad pauwi sa bahay nila. Ayaw niyang mabasa ng ulan dahil tiyak niyang tuluyan na talaga syang magkakasakit. Ilang araw pa naman syang nakakaramdam ng pagkahilo. Napapadalas din ang pagsusuka niya sa hindi niya malamang dahilan.

Gusto niya sanang magpasundo sa bukana ng barangay kay Chiel kaya lang ay di niya ito ma-contact. Marahil ay nasa bukid ito at abala.

Kung magpapahatid pa kasi sya sa traysikel driver sa mismong looban ay dagdag bente pesos pa ang kaniyang babayaran. Sayang din ang halagang 'yon, makakabili pa 'yon ng mga panangkap sa kaniyang pagluluto.

Sa mga ganitong sitwasyon na nagmamadali syang makauwi ay pakiwari niya ay napakalayo ng bahay nila. Parang tatawid pa sya ng sampung bundok, limang sapa, at tatlong ilog.

Ang bigat-bigat pa ng dala niya animo'y hihiwalay anumang oras ang mga braso niya sa kaniyang katawan. Aakalain mong binili niya ang halos lahat ng paninda sa palengke sa sobrang bigat. Maramihan kasi sya kung bumili dahil may kalayuan ang barangay nila sa bayan. Mas mapapagastos kasi sya kung bibili sya ng tingi-tingi sa tindahan sa barangay nila.

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang malamig na patak ng ulan sa kaniyang balat hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak nito na parang nagpapaligsahan sila na makababa mula sa kalagitnaan.

" Bakit ngayon mo pa kasi naisipang 'wag magdala ng payong?" Inis na tanong niya sa kaniyang sarili.

" Malay ko bang uulan ngayon, e napakaaliwalas ng panahon kanina," Katwiran pa niya. Para na syang baliw na nakikipagtalo sa sarili niya.

Lakad-takbo niyang tinahak ang makipot na daan patungo sa kinaroroonan ng bahay nila. Hindi niya na rin makita ang dinaraanan sa sobrang lakas ng buhos ng ulan. Mahapdi din ang bawat pagtama nito sa kaniyang balat. Pinalis niya ang tubig na tumatama sa kaniyang mga mata, mahapdi din kasi 'yon.

Bending The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon