Chapter 6

16 0 0
                                    

MAYA'T MAYA syang napapatingin sa kaniyang cellphone. Namamawis na rin ang kaniyang noo sa pagkabalisang nararamdaman. Pilit niyang binabalewala ang mga negatibong bagay na tumatakbo at nagsusumiksik sa kaniyang isipan. Muli syang tumayo at nagpabalik-balik ng lakad.

Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Kahit saang anggulo tingnan, higit kanino man ay sya dapat ang pumupuno sa mga pagkukulang niya dito. Mapalad sya't kahit nasa murang gulang pa lang ito ay malawak na ang pang-unawa nito.

Ibinaling niya ang tingin sa papalubog na araw sa kanluran. Malimit ay masaya niya itong tinatanaw ngunit sadyang taliwas ito sa kaniyang nararamdaman sa kasalukuyan. Maingay ang paligid dahil sa paroo't paritong mga tao at sasakyan sa ibaba ng kaniyang apartment, ngunit mas malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib sa kabang nararamdaman.

Tumunog ang caller ringtone ng kaniyang cellphone. Sinagot niya ito nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

" Hello?"

" I miss you already..." Napakunot ang kaniyang noo nang marinig ang boses ni Zerachiel.

" Why? Is there something bad happen?" Takang tanong niya dito. Isang araw pa lang naman silang hindi nagkikita.

" No, I just missed you," Napaikot ang kaniyang mga mata, hindi pa nga ito umaalis kahapon ay ito na ang paulit-ulit na sambit nito.

" Maaari ko na bang ibaba 'tong tawag?" May bahid ng inis niyang tanong. Ngunit hindi niya maipagkakailang sandaling napanatag ang kaniyang kalooban nang marinig ang boses nito.

" You're being grumpy again."

" And you're being so clingy again," Mahina itong natawa.

" Have you eaten your dinner?" Rinig niya ang pagsara nito ng pinto ng kotse.

" Hindi pa, nasaan ka na ba?" Maaga pa naman, katatapos pa lang din naman niyang kumain ng merienda.

" I'm on my way, I can't wait to strangle Lucan's neck." Natawa sya sa diin ng pagkakasabi nito.

" Talaga lang ha," Batid niyang hindi naman nito 'yon magagawa.

Ilang minuto pa ang tinagal ng kanilang pag-uusap na pawang pagbabanta kay Lucan ang paksa nito. Napapatango lang sya na parang ito'y nasa harapan lang. Natatawang ibinaba niya ang tawag nang magpaalam ito.

Muling nilukob ng pangamba ang kaniyang dibdib nang mag-i-isang oras na ngunit hindi pa rin dumarating ang hinihintay niyang mensahe. Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng pabilog na lamesita.

Napadungaw sya sa ibaba ng kaniyang balkonahe nang marinig ang pamilyar na busina ng sasakyan. Nasumpungan niya ang kotse ni Lucan, lumabas ito sa driver seat at kumaway sa kaniyang kinaroroonan. Sumenyas ito na kailangan na nilang umalis. Nag-okay sign sya dito bilang tugon.

Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone nang umilaw ito.

Braveheart: He's okay now, it's just a slight fever.

Tila'y naglahong barang bula ang mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib sa natanggap na mensahe.

" I owe you a lot." Mabilis niyang tipa ng reply.

Braveheart: I'm glad you're aware.

Mahina syang natawa, kahit sa pamamagitan lang ng mensahe ay naririnig pa rin niya ang pagsusungit nito.

Isinilid niya ang cellphone sa kaniyang pouch at sinipat ang suot na damit bago lumabas ng kaniyang apartment.

Pinagbuksan sya ni Lucan ng pinto.

" You ready?" Tanong niya dito habang kinakabit ang seatbelt. Mahina itong natawa, ramdam ni Gertrude ang kaba sa payak na reaksyon nito.

" When it comes to Erelah, I'm always am." Hindi niya maiwasang mapapalakpak sa naging kasagutan nito.

" By the way, is Zerachiel's coming?"

" He's on his way." Dumalo kasi sa isang business meeting sa Cebu si Zerachiel. Katakot-takot na pamimilit ang ginawa niya dito upang sumang-ayon na maging parte ng kanilang plano.

" ARE YOU SURE THIS WILL WORK?"

Pang-apat na beses na tanong sa kaniya ni Lucan. Marahas itong napabuga ng hangin at pinatunog isa-isa ang kaniyang mga daliri. Halatang kinakain na ng kaba. Hindi rin ito mapakali habang nagpapabalik-balik ng lakad sa kaniyang harapan.

Mahina syang natawa, wari'y deja vu na nangyayari dito ang nangyari sa kaniya kanina.

" Oo naman, don't you trust me?" Kampante niyang saad habang nakahalukipkip.

" It's just that we haven't talked for months." Anito sa mahinang tinig.

" Isang linggo kaya natin 'tong pinagplanuhan. Ang mabuti pa tawagan mo ulit si Theodore, hindi makukumpleto ang banda kung wala sya." Tumango ito at mabilis na tumalima papunta sa labas.

Iginala niya ang tingin sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Dito niya natagpuan ang kaniyang pangalawang tahanan. Mga kaibigang nagparamdam sa kaniya na mas masaya ang mabuhay ng payak at pangkaraniwan. Sadyang malaki ang naging parte nito sa kaniyang pagkabata, walang iba kundi ang silid-aralan nila noong nasa ikatlong baitang pa lamang.

Ito rin ang lugar kung saan unang naramdaman ng batang puso ni Lucan na si Erelah na ang kaniyang ihaharap sa altar at ang makakasama sa habang-buhay.

Kaya napagpasyahan nila na dito ganapin ang marriage proposal para sa dalaga. Detalyado ang pagkakaayos ng buong lugar, animo'y bumalik sila sa panahon kung saan musmos pa lamang sila.

Mayroong binuong banda noon sina Lucan kung saan miyembro ang boss niyang si Zerachiel. At ang dalawa sa matalik na kaibigan ng mga ito na sina Theodore at Zacharias. Haharanahin nila ngayong gabi si Erelah. Ang akala ng dalaga ay may dadaluhan lang itong event ngayon sa dating paaralan nila at guest speaker ito, ngunit dahilan lamang iyon upang pagtagpuin ang landas ng dalawa.

" Hi, long time no see." Awtomatikong napataas ang isang kilay niya sa tinuran Zerachiel. Nakalahad sa kaniya ang hawak nitong bow tie.

" Can you help me with this?" Tahimik niyang kinuha ang bow tie sa kamay nito. At maingat itong inilagay sa leeg ng kaniyang boss.

Hindi niya maipagkakailang bagay pa rin dito ang uniporme nila noon, ngunit syempre naaayon iyon sa sukat nila ngayon. Kapwa sila nakasuot ng uniporme nila noon sa elementarya, ayon na rin sa kagustuhan niya.

" Halos araw-araw mo kaya itong ginagawa." Kunwari'y naiinis niyang saad upang ikubli ang pagkailang sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.

" But you used to fix my tie." Natigilan sya sa pahayag nito. Bago pa man niya naging kaibigan noon si Erelah ay malapit na sya dito.

Ahead lang sila ng isang taon kay Erelah. Magkatabi lang din ang silid-aralan nila kaya palaging pinupuntahan nito ang panganay na kapatid. Simula pagkabata ay pilya na talaga ang dalaga at puno ng kalokohan ang isipan. At isa si Gertrude sa naging biktima nito kung saan nilagyan sya nito ng bubblegum sa buhok.

Naging mas malapit lang silang dalawa ni Erelah sa isa't isa nang tumigil sya ng isang taon sa highschool kaya nagpang-abot sila.

" How was it?" Pag-iiba niya ng usapan.

" Alin?" Kunot-noong tanong nito.

" The meeting with the prospective investors."

" Good, I guess." May bahid ng alangan nitong saad.

" I actually closed a deal." Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

" Really? I'm so proud of you." Bahagya niyang kinurot ang magkabilang pisngi nito.

" Pinagduduhan mo pa rin ba ang iyong sarili sa lagay na 'yan?"

" I guess so. . ."

" You're the only one I'm sure of."

Bending The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon