Chapter 13

13 0 0
                                    

ELIZONDO'S mansion was built during the 16th century, it was a Norman Romanesque type of architecture. A palace-like outside and a cathedral-like inside. Maihahalintulad din ito sa tanyag na paaralan ng mga mangkukulam at salamangkero, ang Hogwarts school. Na matatagpuan sa isa sa pinakapaborito niyang libro, ang Harry Potter na isinulat ni J.K. Rowling.

Kulang ang isang araw para malibot at makabisado ang pasikot-sikot ng mansyon. Sa tuwing naglalakad sya sa kahabaan ng pasilyo nito, pakiwari niya'y may makasalubong syang ligaw na kaluluwa. Dagdag pa ang malungkot nitong awra, animo'y nagluluksa ang halos lahat ng painting na kaniyang nadadaanan. She can't still believe that she spent half of her childhood here.

Sa Elizondo's mansyon sya ipinanganak at nanirahan nang halos limang taon. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang sa isang aviation accident, ipinadala sya ng kaniyang abuelo sa Pilipinas.

Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang disgusto ng abuelo sa kaniyang ina na isang Filipina. Lalo pa't ang kaniyang ina ang dahilan ng pagsuway ng kaniyang ama dito. Ipinagkasundo nito ang kaniyang ama sa isang babae na nanggaling sa isang tanyag na pamilya sa Espanya. Ngunit sadyang hindi nadidiktahan ang puso. Umibig ang kaniyang ama sa isang plebeya o commoner.

Katulad ng inaasahan, labis na tumutol ang kaniyang abuelo sa pag-iibigan ng dalawa, ni wala pang dumadaloy na dugo ng Kastila sa kaniyang ina. Kung kaya't nang mapagpasyahan ng kaniyang mga magulang na magpakasal, halos isumpa nito ang dalawa. Pumayag lamang ang matanda nang magdalang-tao ang kaniyang ina sa kaniya. Ayaw na nitong malugmok pa sa kahihiyan ang kaniyang apelyido. Lalo pa't labag sa kautusan ng simbahan ang pagkakaroon ng anak na hindi pa kinakasal.

Ilang tao lamang ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Kaya nang mapagpasyahan nitong ipadala sya sa Pilipinas ay pakiwari niya'y lubos syang ikinahihiya nito. Batid niyang sya ang nagpapaalala dito sa pagiging suwail ng anak nito. Nang dumating sya sa nasabing bansa ay ipinagkatiwala sya nito sa pangangalaga ng mga madre sa pangunguna ni Mother Clara. At ayon sa kaniyang abuelo kukunin lamang sya sa takdang panahon, kung kailan sya'y ipapakasal sa isang mayamang binata na ibig nito para sa kaniya.

Hindi lingid sa kaalaman nito na gumawa sya ng isang pasya na kahit sya'y itakwil nito ay hindi niya pa rin pagsisisihan.

" Nosotras estamos aqui." (We're here) Anunsyo ni Serena bago sya pinagbuksan ng malaking pinto ng dalawang guardia personal.

Bumungad sa kaniya ang malawak at engrandeng dining room. Kulang na lang ay may makita syang lumulutang na kandila nasa Hogwarts na sya.

Nakalagay sa gitna nito ang isang mahabang mesa, na kayang okupahin ng dalawampung katao. Nasumpungan niya sa dulo nito ang kaniyang abuelo na abala sa iniinom nitong tsaa. Kahit ang paraan ng pag-upo nito ay nakaka-intimidate tingnan. Nasa edad walumpu't lima, mestizo, animo'y sinasalamin ng kulay bughaw nitong mga mata ang karagatan, may makapal at kulay abuhing balbas. He's wearing a very expensive three-piece suit. Wari'y palaging may pupuntahang event, kahit wala naman. Madalas lang din itong nasa mansyon.

Hindi rin mawawala ang butler nito sa tabi at ang mga cariada na nakatayo sa likuran at magkabilang panig ng mesa. Yumukod ang mga ito sa kaniya nang maramdaman ang kaniyang presensya.

Nakakailang kumain dito sa totoo lang.

" Buenas dias abuelo." (Good morning grandpa) She greeted in a singsong manner and gave her courtesy. Tinapunan lang sya nito ng tingin at muling ibinalik ang pansin sa iniinom nito. Her grandfather hates bubbly personality so she's trying her very best to look like one.

Mabilis syang ipinaghila ng upuan ni Mr. Francois.

" Gracias." (Thank you)

" Bienvenido de nuevo mi querida prima!" (Welcome back my dearest cousin!) Napairap sya nang masumpungan ang bagong dating. Sinamaan niya ito ng tingin nang akma syang yayakapin.

" Pierdase Howard!" (Get lost Howard!) Hinawakan sya nito sa balikat kung kaya't hindi niya napigilan ang sarili na pilipitin ang kamay nito.

" Aww," Bakas ang labis na sakit sa mukha nito sa kaniyang ginawa. Ibig niyang tumawa ng malakas sa naging reaksyon nito.

KUNG nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa bumubula ang bibig ni Howard at nangingisay sa harapan niya. Tumaas ang magkabilang kilay nito at naupo sa kaniyang harapan.

" What's with the stare?" Takang tanong nito. Wari'y nagmamaang-maangan pa.

Kinuha niya ang babasagin at mamahaling teacup sa kaniyang harapan. Sinimsim niya ang laman nito habang masama pa rin ang tingin sa kaharap.

Kasalukuyan silang nasa pavilion ng mansyon, na matatagpuan sa gitna ng malawak na hardin, kung saan nakatanim ang iba't ibang uri ng tulips at chrysanthemum. Ang tulips ay ang sumisimbolo sa kanilang pamilya at ang chrysanthemum naman ay ang paboritong bulaklak ng kaniyang yumaong abuela. Hindi na niya ito naabutan sapagkat pumanaw na ito hindi pa man sya ipinapanganak.

" Why don't you ask yourself?" Tanong niya dito sa halip na sagutin ang katanungan nito.

Bagamat hindi sila lumaki ng magkasama ay palagay ang loob niya sa lalaki. Anak ito ng bunsong kapatid ng kaniyang ama. At ito lang ang nag-iisa niyang pinsan kaya wala syang pagpipiliian kundi pakisamahan ito.

" I don't think I did something bad to make you mad," Naguguluhan nitong wika. Lalo lamang sumama ang timpla ng mukha niya sa inaakto nito.

" Did I?" Pabalya niyang nilapag ang hawak na tasa, kulang na lang ay mabasag ang marmol na mesa sa pagitan nila.

" Well you can get easily swayed by money," Kalmadong wika ni Gertrude taliwas sa emosyon na pinapakita ng mukha niya.

Hindi lang halata pero mukhang pera ang pinsan niya. Bagamat mayaman ito ay hayok pa rin ito sa salapi. Tapatan mo lang ito ng pera ay mabilis mo na itong mapapaamo. Bakit nga ba niya nakalimutan ang bagay na iyon?

" Am I?" Nagmamaang-maangan pa rin ito.

" Try me Howard," May bahid ng pagbabanta niyang wika. Umayos ito ng upo at wari'y maamong tupa na tumingin sa kaniyang mga mata. Kapag may inililihim kasi ito sa isang tao ay nungka ka niyang titingnan sa mga mata. The reason why he's easy to read and manipulate.

Ngunit pagdating sa kaniya ay malaki ang takot nito kaya madali niya itong napapasunod at napapaamin.

" Well Abuelo bought me the most expensive yatch in town," Panimula nito.

" And a bundle of money. You know me I can't resist the temptation of money," Dagdag pa nito.

" But you still have my loyalty," Napairap na lamang sya sa tinuran nito.

" It doesn't seem like that," Masungit niyang wika. Pinagdikit nito ang dalawang palad.

" Please forgive me," Nakanguso nitong hingi ng tawad.

Parang bata.

" Promise, I won't do it again," Pangako pa nito at itinaas ang kaliwang kamay. Napailing na lamang sya. He's hopeless. Pero hindi naman niya ito matitiis, malakas din sa kaniya ang walanghiya.

" It should be the right hand Howard, you're not forgiven." Ibig niyang tumawa ng malakas nang magpapadyak ito ng paa na parang bata.

" Stop acting like a brat Howard!"

" I'm indeed a brat." May pagmamalaki pa nitong saad.

He's really hopeless.

Bending The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon