" Putok sa buho!"
" Four-eyed monster!"
" Lampa!"
Ilan lamang iyan sa mga salitang natatanggap niya sa araw-araw na pumapasok sya sa paaralan. He balled his fist trying to control his anger. Ano bang alam nila? He's sane enough not to get into any trouble. He had enough of his father's wrath. Wala naman syang kailangang patunayan sa mga ito.
Nabitawan niya ang binabasang Science book nang batuhin ito ng softball ni Domino. Si Domino ang pinuno ng mga nambu-bully sa kaniya, malaki ang pangangatawan nito para sa kaniyang edad, sa madaling salita malaking bulas.
" Sadyang pinaninindigan mo 'yang pagiging nerd mo." Nanunuyang saad nito.
" Di ba 'di ka naman anak ni Tita Erina?!"
" Hindi ka kasi love ng tunay mong mommy!" Anito at binuntunan pa nang nakakairitang tawa. Sinamaan niya ito nang tingin.
" Oh ano lalaban ka na?" Mariing hinawakan nito ang kwelyo ng kaniyang uniform.
" Kunin niyo ang bag niya!" Utos nito sa apat na kasama nito, na pawang kamag-aral lang nila.
Kinuha ng mga ito ang lunchbox niya at tinapon ang laman sa pinakamalapit na basurahan. Samantalang ang bag naman niya ay tinapak-tapakan ng mga ito at dinuraan.
" Iyong homework niya punitin niyo!" Masaya namang sinunod ng mga ito ang pinag-uutos ni Domino.
Marahas niyang pinalis ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kaniyang kwelyo.
" Aba't lumalaban ka na!" Pabalya sya nitong binitawan. Kasunod nang pagpakawala nito ng suntok sa kaniyang tiyan at mukha. Hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling ang galit nito sa kaniya. Wari'y ang pananakit nito sa kaniya ang nakapagpapasaya dito. Ni hindi na nga niya maramdaman ang sakit ng bawat suntok na natatanggap mula dito.
Nahulog ang salamin niya sa mata dahilan upang lumabo ang kaniyang paningin. Natatawang pinulot ito ni Domino at tinapak-tapakan. Malinaw niyang naririnig ang unti-unting pagkabasag ng kaniyang salamin na regalo pa sa kaniya ng ama noong 7th birthday niya.
Akmang sasampalin sya nito nang may tumamang buto ng avocado sa kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit at marahas na binaling ang tingin kung saan iyon nanggaling.
Sinundan niya ito ng tingin kahit hindi niya masyadong maaninag ang mga bagay at tao sa kaniyang paligid. Mukhang isa itong batang babae.
" Sino ka namang pakialamera ka?!" Naglakad si Domino papunta sa kinaroroonan nito.
" Bakit sino ka rin ba? I don't think you have all the rights in the world to bully someone." Nakapameywang na saad nito. Ayon sa paraan ng pananalita nito mukhang hindi ito sanay magsalita ng wikang Filipino at Ingles.
Matapang na nakipagtitigan ito kay Domino.
" Akala mo kung sinong malaki. Hoy, bubuwit umalis ka na dito kung ayaw mong madamay!" Dinuro nito ang noo ng batang babae. Ngunit marahas na pinalis naman nito ang kamay ni Domino.
" Aba't matapang din." Akmang sasampalin nito ang batang babae nang mariing hawakan nito ang kamay ni Domino.
" You don't have the rights to lay your filthy fingers on my precious face!" Tinadyakan nito si Domino na animo'y kay laki nitong tao. Umiiyak na napalayo si Domino dito.
Akmang tutulungan ito ng apat nitong kasama nang samaan ng tingin ng batang babae ang mga ito. Kumaripas ng takbo ang mga ito papalayo. Animo'y nasindak sa simpleng titig.
" Always remember one of the golden rules, Matthew 7:12 Do unto others as they do unto you. Okay?" Umiiyak na napatango-tango si Domino at paika-ikang tumakbo papalayo.
BINABASA MO ANG
Bending The Truth
RomansaGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.