Chapter 4

22 1 1
                                    

NAPAKUNOT ang noo ni Gertrude nang mapansin ang pananahimik ng kaibigan. Kailanman ay hindi pa nakakaya nitong manahimik ng halos isang oras, ngayon pa lang. Kung kaya't hindi niya maiwasan ang mabahala. Maya't maya rin itong sumisinghot.

Kasalukuyan niyang tinutulungan ito sa pagtutupi at pag-aayos ng damit nito. Si Erelah ang tipo ng tao na kung anong sinabi niya ay gagawin niya. Kaya pagkauwi na pagkauwi nila ay nagsimula na ito sa pag-iimpake ng mga gamit nito.

" Ayos ka lang ba Er?" Hindi niya mapigilang tanong.

Bahagya sya nitong sinulyapan bago tumango. Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pamumula ng mga mata nito. Umiiyak nga ang kaibigan.

" Hindi naman masamang aminin sa sarili natin na kahit anong mangyari hindi pa rin natin maiwasang mangulila sa isang tao." Nakakaunawang wika niya. Ramdam niya ang labis na pangungulila nito sa dating kasintahan.

" Bakit ko naman sya mamimiss?" Nakangusong tanong nito.

" Bakit kasi hindi mo kayang aminin sa sarili mo? E ikaw lang naman ang nahihirapan," Pangaral niya dito.

Naagaw ang kaniyang pansin nang mag-vibrate ang kaniyang cellphone. Napailing na lang sya nang makita ang nag-pop out na pangalan sa screen.

Lucan: How is she?

Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ang kaibigan at sinend sa binata.

Me: She's yearning for a loan wolf. Proceed to our next plan.

Lucan: Copy.

Napangiti sya bago isinilid sa kaniyang bulsa ang cellphone. Tatlong magkakasunod na katok ang nakapagpalingon sa kaniya sa pinto. Tumayo sya at sumilip sa peep hole upang malaman kung sino ito. Nasumpungan niya ang magandang babae na nakita niyang lumabas sa apartment nina Mathieu at Marcus kaninang umaga.

Inayos niya ang sarili, mahihiya ang kaniyang suot na butas-butas na damit sa maayos at magarang suot ng babae.

" Yes, how may I help you?" Ngiting tanong niya. Napakunot ang noo nito.

" Ah, ibig ko sanang isauli ito." Nilabas nito mula sa likuran ang hiniram na frying pan ni Marcus kaninang umaga.

Inabot niya ito mula dito. Kung hindi lang nagsasalita ito ng purong Filipino, malamang iisipin niya na kailanman ay hindi ito nanirahan sa Pilipinas.

" Ngayon lang kita nakita dito, isa ka ba sa malayong kamag-anak nina Mathieu at Marcus?"

" Audenzia!" Humahangos na lumabas mula sa kabilang pinto si Mathieu. Agad nitong nilapitan ang babae.

" What-anong ginagawa mo dito?" Sa tagal niya ng kilala si Mathieu, ngayon niya lang ito nakitang may kinausap na babae maliban sa landlady nila.

" May isinauli lamang ako." Nakita niya ang pamumula ng tenga ni Mathieu nang ngitian ito ni Audenzia.

" Ako nga pala si Audenzia Armendariz." Pakilala nito at bahagyang yumukod. Hindi niya maiwasang mahiwagaan sa paraan ng pagpapakilala nito.

" Gertrude Fonseca."

" Kawangis mo ang aking kaibigang si Teodora." Wika nito na may bahid ng pangungulila sa tinig.

" Talaga?" Tanging nasagot niya.

" Ingatan mo sana ang iyong sarili, huwag mong hahayaang muling hadlangan ng tadhana ang inyong pag-iibigan." Biglang nagtaasan ang balahibo niya sa batok sa tinuran nito.

That was weird.

" MAG-IINGAT KA DITO,"

" Don't hesitate to call me when something came up." Muling paalala ni Erelah.

" Are you sure you're okay here being all alone again?"

Mahinang natawa si Gertrude, ika-anim na beses na yata itong tanong sa kaniya ni Erelah. Kasalukuyan nilang ibinababa ang maleta nito papunta sa nakaparadang sasakyan nito sa labas ng kaniyang apartment.

" Ako na po ang magbibitbit Ma'am." Agad nilang iniwas mula kay Mang Santino ang maleta. Si Mang Santino ang family driver ng pamilya Guadarrama.

" Keri na po namin 'to, pakibuksan na lang po ang trunk ng kotse." Napakamot na lang ng ulo ang matanda bago sinunod ang kaniyang pinag-uutos.

Inilagay nila ni Erelah sa trunk ng kotse ang maleta. Naiiyak syang binalingan nito ng tingin.

" Huwag mo akong masyadong mamiss ah." Mahinang syang natawa at mahigpit itong niyakap.

" Tatlong kanto lang naman ang layo ng bahay niyo sa apartment ko." Tawa niya, nakatayo lang naman kasi ang tinutuluyan niya malapit sa Andalusia kung saan nakatira ang kaibigan at ang mga tanyag na personalidad sa lungsod.

" Dalawampung minuto din kaya ang layo." Nakangusong wika nito.

" Kung maglalakad ako." Katwiran niya.

" Basta mag-iingat ka dito." Muli syang niyakap nito at maarteng pinalis ang invisible tears sa kaniyang pisngi.

Pihikan sa pagpili ng kaibigan si Erelah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mawari kung bakit sya ang napiling maging matalik na kaibigan nito. Kung pag-uugali lang naman kasi ang pag-uusapan ay total opposite silang dalawa. Sa panonood lang ata ng kdrama sila nagkakasundo.

" Basta akin pa rin si Ji Chang Wook." Anito.

" Asawa ko na sya." Hindi naman nagpapatalong saad niya.

(A/N: Nakalimutan ko nga palang pinagtatalunan din nila ang mga male lead sa kdrama.)

" O sya ako'y hahayo na, tiyak na may pa-welcome party sina Mommy sa bahay."

" Hindi ka talaga sasama?" Madalas syang inaaya nito na pumunta sa kanilang tahanan at madalas din syang tumatanggi. Hindi niya maipagkakailang naninibugho sya sa tuwing nakikita ang masayang pamilya nito. Hindi iyon lingid sa kaalaman ng kaibigan. Sadyang hindi lang talaga ito sumusuko hangga't hindi sya napapa-oo.

" Parte ka na ng pamilya namin. Lalong-lalo na kapag kinasal na kayo ni Kuya." Ramdam niya ang biglang pag-iinit at pamumula ng kaniyang pisngi.

" Nahihibang ka na, sa panaginip mo lang iyon mangyayari. Kaya ipagpatuloy mo ang naudlot mong tulog pagkarating na pagkarating mo sa bahay niyo." Nakakalokong ngumiti ito sa kaniya. Natatawang tinulak niya ito papasok sa loob ng sasakyan.

" Ikaw ah, I smell something fishy." Malakas niya itong tinapik sa balikat bago sinara ang pinto.

" Paalam, mag-iingat ka at huwag ka ng maglalayas nang walang dahilan."

" I have a valid reason." Sigaw nito.

Napailing na lang sya at kumaway dito. Malakas syang napabuntong-hininga nang unti-unting maglaho sa kaniyang paningin ang kotse nito. Nilukob ng kakaibang lungkot ang kaniyang puso.

" Akala ko ba sanay ka na." Kausap niya sa sarili at malungkot na natawa.

Pinagmasdan niya ang pakikipagsayaw sa hangin ng mga puno sa paligid. Katulad ng mga ito'y nakikipagsayaw lamang sya sa hindi naririnig na musika ng buhay.

Bahagya syang nagitla nang tumunog ang caller ringtone ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa loob ng kaniyang bulsa at wala sa sariling sinagot ito.

" Hello?"

" Priam." Mabilis niyang binaba ang tawag at napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib. Halos lumabas ang kaniyang puso sa kabang nararamdaman dahil sa pamilyar na tinig na iyon.

Bending The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon