KABANATA 1

127 7 0
                                    


MARINDUQUE , August 20, 2023

" Rina is so gorgeous in her wedding gown and her groom look so handsome. Bagay talaga sila," saad ng isang matandang babae na malapit sa kinatatayuan ng isang dalaga na mariin ang pagkapit sa kanyang ginagamit na kubyertos.

"Hey! Vien, isa pa ngang alak!" Tinaas ng dalaga ang kanyang kamay para mapansin ng kaibigan na umiinom ng alak malapit sa mesa na may nakahaing pagkain. Ang mga bisita sa kasalan ay nakatingin sa dalaga na nagbubulong-bulungan .

"Girl, tama na nga yan," Mabilis na inagaw ni Isabel ang alak mula sa kamay ng dalaga dahil sa pag-aalala nito.

"Isabel, would you please stop lecturing me . I know what I am doing and I am not drunk!"

"Estrella, are you out of your mind? Would you please stop drinking before your Dad find out that you are here," nag-aalalang wika ni Isabel sa kanyang kaibigan na nakatingin sa bagong kasal na nagsasayaw sa gitna ng bulwagan. Ilang beses na niyang sinubukang pigilan ang kaibigan ngunit ayaw nitong sumunod sa kanya.

"No," Kinuha ni Estrella ang isa pang bote ng alak na ibinigay ng waiter.

"Hinihintay na tayo sa kotse ni Cris para ihatid ka na pauwi at makabalik na sa Manila ...''

"Isabel, Do I look ok? Kapalit palit ba ako?.Ano pa ba ang kulang sa akin para iba ang piliin nila? Am I not that beautiful enough?," mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga habang pinapahid ang kanyang luha. Sinusubukan pa rin niyang iproseso ang sinasabi ng kanyang dating kasintahan na si Gabriel ukol sa pagnanais nito na tapusin na ang kanilang relasyon . Hindi niya malaman kung ano ang mali sa kanyang sarili sapagkat minahal niya ito ng lubos sa loob ng walong taon .

Uminom muli siya ng alak habang pinipilit na inumin ang mainit at mapait na likido. Ginusto ng dalaga na pansamantalang makalimutan niya ang sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.

"Estrella you are worth it! Kung natapos ang relasyon ninyo ni Gabriel ay naniniwala ako na may dahilan si Lord," sagot ni Isabel.

"Para ba ipakasal ako sa isang taong hindi ko naman kilala? I don't even know his name and I don't care even if he is the son of a famous Governor in Batangas. Why God is punishing me with this kind of fate?," napataas ang boses ng dalaga na s'yang dahilan kung bakit napatingin ang ilang bisita sa kasal ng kanyang pinsan.

Hindi mapakali si Isabel sapagkat si Estrella Serafin Salvacion ay nag-iisang anak na babae ng isang kilalang Senador ng Pilipinas. Ang pamilyang Salvacion ay nakilala bilang may magandang reputasyon ng pamamahala sa loob ng halos isang dekada sa kanilang lalawigan. Idagdag pa rito na ang mga kapatid ng dalaga ay ganap na abogado, doktor at sikat na negosyante hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Siguradong mapapagalitan siya ng kanyang ama kapag nalaman nito na naglalasing ang kanyang anak sa kasal ng kanyang pinsan.

Narining rin niya mula sa kanyang ama na ang mapapangasawa ng kanyang kaibigan ay anak ng isang Gobernador ng Batangas at sikat na negosyante. Napakarami ng hektarya ng lupain ang nabili ng kanilang pamilya sa Marinduque, Cavite at Negros na isang dahilan kung bakit napakayaman ng kanilang angkan.

"God has a good plan for you Estrella at sana magtiwala ka lang. God is close to the broken hearted and I'm sure that he will heal you. God loves you Estrella and I know that he is protecting you for a relationship that is not really meant for you," mahinahong paliwanag ni Isabel habang pinapahid ang luha ng kaibigan .

"But all I want is Gabriel! If God loves me then he won't take away my happiness and desires. I love Gabriel at pinangako ko sa aking sarili na siya lang ang lalaki na ibibigin ko, " mariing wika ni Estrella sabay hampas ng ilang beses sa lamesa.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon