KABANATA XII

35 4 1
                                    


Bumabaon sa kanyang balat ang piraso ng asin at nararamdaman niya ang hapdi nito dahil sa ilang oras na pagluhod. Ginugutom na siya at inuuhaw ngunit wala s'yang magawa dahil sa dalawang bantay na babae sa kanyang harapan.

Ang babae na kinakainisan niya sa lahat at kasama ang kanyang kasambahay.

"Marites, masarap ba ang tsokolate na ibinigay sakin ni Gabriel? Tila nanabik ang aking kasintahan na ako'y mahagkan at makita." Kinikilig na wika ni Clarita at ilang ulit na tiningnan ang nakatungong si Estrella.

"Opo, Senorita? Sino ba naman ang hindi mabibighani sa'yong taglay na kagandahan?"

Umupo sila lugar na malapit sa kinatatayuan ni Estrella habang nagtatawanan at nagsasaya. Bawat salita nito ay tumutusok sa kanilang puso lalo na nang magpag-usapan si Gabriel. Ayaw niyang marinig na hinalikan ni Gabriel si Clarita sapagkat kinokontrol niya ang kanyang sarili na pagsabihan ng masasamang salita si Clarita.

Nahihilo na sa gutom si Estrella ngunit sa tuwing yuyuko siya ay lalong dinadaragdagan ang asin sa bilao. Gusto niyang uminom ng tubig at kumain ngunit kailangan niyang magtiis. Nararamdaman niya rin ang pagtulo ng kanyang pawis dahil sa pag-inda ng sakit.

"Senorita, maari ka ng tumayo." isang pamilyar na boses ang lumapit sa kanya at tila nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa kasuotan nito.

Nakasuot ang babae ng isang lumang baro't saya na ang kulay nito ay tila kinalawang. Nasusulsihan rin ito ng iba't ibang kulay na pinagtapi-tagping tela. Ang buhok nito ay magulo ang pagkatali na tumatabon sa kanyang maamong mukha. Mayroon ring ilang bahid na uling sa kanyang mukha at kausotan.

" Ate Rina! Anong nangyari sa'yo!? kinapitan niya ang palad ng dalaga ngunit nagmadali namang bawiin ito sa kanya. "Ate?"

Bakas ang pagtataka ni Rina at tumungo pa ito upang humingi sa kanya ng pasensya.

"Masyado pong madumi ang aking kamay para po inyong hawakan." nahihiyang tugon nito habang tinutulungan tumayo si Estrella. Tinitingnan ni Estrella ang mga sugat ni Rina sa kanyang kamay at agad siyang naawa rito.

"Ate? Bakit puno ng sugat ang iyong kamay?" agad na tanong ni Estrella ngunit itinago lang ni Rina ang kanyang kamay. Hindi siya makatingin ng diretso sa dalaga at naging malikot rin ang kanyang mga mata.

"Wala ito, Senorita."

Bawat galaw ni Estrella ay nararamdaman niya ang ngalay at hapdi ng kanyang tuhod at binti. Iniinda niya ang sakit habang inaalalayan siya ni Rina para magtungo sa kusina at uminom ng tubig. Tuyo na ang kanyang lalamunan at sa kanyang pakiwari ay gusto niya ring matulog dahil sa sakit ng kanyang ulo. Hindi rin biro ang nainom niyang alak kaya lalo siyang nahihilo at nasusuka . TInanggal niya ang ilan pang pirasong asin sa kanyang balat.

Nang makapasok sila sa kusina at agad na pinaupo siya ni Rina upang kumuha ng tubig sa isang malaking banga na may gripo. Namangha naman si Estrella sa mga makalumang bagay at pamumuhay ng tao sa sinaunang panahon.

"Mukhang malamig pa ang tubig sa tapayan Senorita." mahinhin na lumakad si Rina dala ang isang basong tubig. Inilapag niya ang baso sa lamesa at nagtataka siya sa mga tingin sa kanya ni Estrella. Hindi maipinta ang mukha ng kanyang Senorita at lagi itong napapakamot sa kanyang ulo.

" Ate Rina, sabihin mo sakin kung bakit ganyan ang iyong suot? Anong nangyari sa'yo?" hinawakan ni Estrella ang magkabilang braso ni Rina.

"Hindi ko po alam ang inyong sinasabi sapagkat noon pa man ay dito na ako nagtratrabaho."

"Ngunit bakit marami kang sugat sa 'yong kamay? Pinaparusahan ka ba ni Lola o Clarita?" agad na tanong ni Estrella.

Naging mailap ang mga mata ni Rina at itinago muli ang kanyang mga palad sa ilalim ng mesa.

"Kung hindi man po ako nagtratrabaho rito ay nagiging madalas po ang paglalaba ko sa ating baryo. May isa pong mayaman ang pumipitpit ng aking kamay dahil kung minsan ay hindi nila nagustuhan ang aking paglalaba"

'Sabihin mo sa akin Ate kung sino ang gumagawa sa inyo nito? Hindi makatuwiran ang kanilang ginagawa. Kung sa aming panahon ay naku baka ipatulfo ko na y'ong naging amo mo." hinawakan ni Estrella ang kamay ni Rina at agad na kinuha ang panyo sa kanyang bulsa at binalot sa kanyang kamay.

Namangha si Rina sa sinabi at ginawa ni Estrella sa kadahilanang ngayon lang siya nakakita ng isang mayaman na kaya siyang ipagtanggol. Simula pagkabata ay naulila na siya sa kanyang mga magulang at naging palaboy-laboy na lang siya hanggang naisipan niyang magtrabo sa murang edad.

"Salamat po," nahihiya niyang tugon kay Estrella .

"Naku! Kung alam mo lang kung paano mo ako inaalagaan sa kasalukuyang panahon Ate, Hindi ko akalain na ganito kita makikita sa panahong ito." Nahabag si Estrella sa sinapit ng kanyang Ate kaya tumalikod siya at pinigilang umiyak. Gusto niyang mabura sa kanyang isipan ang mga pangyayari. "Ate, basta sabihin mo sakin kung may taong nang-aapi sa'yo dahil ako ang bahala sa kanila. Sa inyong dalawa ni Isabel."

"Isabel? Umalis na po si Isabel." mabilis na tugon ni Rina na s'yang ikinagulat ni Estrella.

"Saan siya pumunta?"

"Hindi ko rin po alam, Ang sabi lang po nila ay umalis na po si Isabel dahilan kung bakit ako ay ipinatawag bilang kanyang kapalit." nalulungkot na wika ni Rina.

Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at hinagilap sa loob ng kusina si Isabel. Bawat sulok ng kusina ay kanyang hinagilap maging ang lugar sa kanilang bahay kung saan nagtatambay si Isabel. Nagtungo siya sa hardin at naabutan niya ang ilang mga kasambahay na nagdidilig ng tanim at nagsasampay ng labahin.

Namumulaklak na ang ilang puting water lily sa lawa na lalong kinagigiliwan ng mga isda. Nakakanlungan ng puno ng mahogany ang paligid ng lawa na siyang nagpapadilim ng paligid. May ilan ring dumaraang ibon at paru-paro na matatagpuan sa malalaking bulalak ng sunflower.

"Nasaan si Isabel?" tanong niya sa isang lalaki na halos kasing edad niya na nagdidilig ng tanim.

"Hindi ko po alam," mailap ang tingin ng lalaki sa kanya at madalas rin ang paglunok nito ng ilang beses. Bakas rin ang kaba sa kanyang pagsasalita kaya napaisip si Estrella lalo na nang nagmadali itong umalis.

"Alam kong alam mo pero natatakot ka lang? Kanino ka ba natatakot at ayaw mong sabihin ang katotohanan?' mariin niyang wika habang tinitingnan ng diretso ang binata. Hindi siya umaalis sa kanyang pwesto hanggang hindi nagsasalita ang binata. " Nasaan si Isabel?"

"Paumanhin po dahil hindi ko talaga alam." mabilis na naglakad ang lalaki ngunit kinapitan ni Estrella ang binata dahilan naman kong bakit nabigla ito at agad na namula.Lalong ng kinabahan si Estrella at nagkaroon ng matinding kutob sa maaring nangyari kay Isabel.

"Ayaw kong bigyan ka ng alalahanin ngunit alam mo na anak ako ng dating Gobernadorcillo. Ang aking angkan ay matagal ng naglilingkod sa ating probinsya at sa pamahalaan ng Pilipinas. Kung hindi ka magsasabi ng totoo ay baka isumbong kita sa aking ama."

Natakot ang binata at binitawan agad ni Estrella ang pagkahawak sa kanyang braso dahil naramdaman niyang nahihiya ito sa kanya.

'Kung gusto niyo pong malaman ang kasagutan ay itanong niyo na lang po sa Kusinera ng inyong mansyon. Huwag niyo pong sabihin na nag-usap tayo tungkol kay Isabel sapagkat baka madamay pa po ang aking pamilya sa gusot na ito." natatakot na wika ng binata at agad siyang pumanhik at umalis.

Kahit nahihirapan at nahihilo ay sinubok pa rin niyang hanapin ang kusinera ng kanyang mansyon. Nabanggit na rin ni Isabel na malaki ang pagkakautang ng nanay niya sa pamilya ni Aling Turin. Kaya ito ang dahilan bakit pinagtratrabaho siya sa mansyon upang bayaran ang kanilang pagkakautang.

"Estrella, alam ko na kung nasaan si Isabel!" saad ni Rina na humihingal ng tumatakbo. "Narinig ko sa mga babaeng nagkwekwentuhan malapit sa poso. Hinatid ni Aling Turin si Isabel patungo sa Maynila upang maipasok sa isang magandang trabaho. Kasama pa niya ang kanyang ina na inihatid gamit ang kalesa.

Napaisip si Estrella sa sinabi ni Rina at hindi mapanatag ang kanyang kalooban. Inisip niya na lang na walang mangyayaring masama kay Isabel.

"Senorita!" napasigaw si Rina nang muntikan ng matumba si Estrella.

"Gusto ko ng magpahinga." nanghihinang wika ni Estrella at inalalayan siya ni Rina na magtungo sa kanyang kwarto.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon