KABANATA XI

39 2 0
                                    


NAKARATING si Estrella sa lugar kung saan maraming bulaklak at kabayo. Namangha si Estrella sa hanay ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na nakatanim roon . Idagdag pa ang iba't ibang itsura ng figurine na nakadaragdag ng ganda ng lugar. Napakapresko ng hangin at napansin niya rin ang mga nagliliparang mga paru-paro. May ilan ring mga kabayo na nakatali sa malalaking puno ng nara.

Hinanap ni Estrella si Gabriel at nagbalak siya na sumilong sa isang malaking puno ng Nara upang makaiwas sa tirik ng araw. Halos tanghaling tapat na ngunit hindi ganoon kainit hindi tulad sa panahon na kanyang kinabibilangan.

"Naririto ka na?" wika ng isang pamilyar na boses at nagulat siya ng tabunan nito ang kanyang mata. Masyado silang malapit sa isa't isa kaya hindi maiwasang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

"Gabriel ikaw ba y'an?" agad niyang tanong.

"Oo, Clarita ako nga, Buti naman at nakarating ka agad dito." natutuwa niyang wika at agad namang nalungkot si Estrella. Inalis niya ang pagkahawak sa kanya ng binata at hinarap niya ito.

"Hindi ako si Clarita, " inis niyang wika at pinipigilan ang sarili na sampalin ang binata.

"Estrella? Pasensya na Binibini sapagkat akala ko na ikaw si Clarita. Inutusan ko ang bata na ibigay ang sulat kay Clarita ngunit mukhang iniaabot niya ito sayo." Ang binata ay hindi makatingin kay Estrella ng diretso at agad na yumuko ito upang humingi ng paumanhin.

"Eh di Wow," sagot nito at agad na tumalikod para umalis.

Laking gulat na lang niya ng hawakan ni Gabriel si Estrella sa kanyang braso upang hindi siya umalis.

"Bitawan mo ako kung hindi ay baka kung ano pa ang gawin ko sa'yo." Inis na wika ni Estrella habang sinusubukang makaalis sa kapit ng binata. Lalo pang hinigpitan ng binata ang pagkapit kay Estrella na lalong naging dahilan kung bakit mas uminit ang kanyang ulo.

"Nais kong itanong kung bakit kahapon ay iba ang y'ong mga titig? Iniisip ko kung ako ay may nagawang masama sa'yo dahilan kung bakit ikaw ay mainis.Maaari ko bang malaman?" nakikiusap na tanong ng binata habang ang tinitingnan ang hindi mapakaling dalaga.

"Kung alam mo lang." bulong nito sa sarili.

" Ano y'on Binibini?"

Pinipigilan ni Estrella na tumulo ang kanyang luha lalo na nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Gabriel. Alam niyang ibang Gabriel ang kanyang kaharap ngunit hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing nakikita niya ito.

"Wala, nais kong sabihin na pasensya na sa aking inasal. Wala kang kasalanan at hindi dapat akong magalit sa'yo." sagot nito .

Mas naging mahigpit ang pagkahawak ni Gabriel sa braso ni Estrella at tiningnan ito habang malalim na pinag-iisipan ang nangyari. Ang bawat alaala ay bumabalik sa kanyang isipan kaya naglakas loob na rin niyang itanong kung bakit ganoon na lang ang sagot ng dalaga.

"Estrella, alam mong hindi ito ang unang beses na tayo'y nagkita. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang ikinikilos mo kaya itinatrato kita na hindi mo ako kilala sa harap ng 'yong lola. Ilang taon rin tayong hindi nagkita at huli na ng malaman ko na ikaw nga ang aking kaibigan. Ikaw ang una kong nakilala kaysa kay Clarita at naging magkaibigan tayo sa maikling panahon. Anong nangyari ? Bakit tila nagbago ang pakikitungo mo sa akin?" pagtatakang tanong ni Gabriel habang sinusuri at pinagmamasdan nito si Estrella.

'Anong ibig mong sabihin?" namangha si Estrella sa sinabi ng binata. Hindi siya makapaniwala na naging magkaibigan sila sa panahong ito. Kung ganoon , y'on pala ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang tingin sa kanya ni Gabriel. Kung bakit tila naaawa ito sa kanya dahil dati niya itong kaibigan.Nang matitigan niya ang mukha ng binata ay lalo siyang nagtaka kung bakit tila bumata rin ito ng ilang taon tulad niya.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon