CHAPTER XVII

29 3 2
                                    


UMIIWAS ng tingin si Estrella habang naglalakad papalapit sa mga bata na nakatingin sa kanila. Hindi rin maiwasan ang pag-init ng kanyang pisngi dahil sa mga tuksuhan na kaniyang naririnig. Napakamot naman ng ulo si Julian na nakaupo na rin sa malinis na damuhan .

"Kuya, hindi mo ba tutulungan si Ate dahil parang nahihirapan na siyang maglakad?" pag-aalalang tanong ng bata.

"Ah eh ok lang ako, konting galos lang ito," Itinaas ni Estrella ang kanyang mahabang palda upang ipakita ang kaniyang tuhod. Kaniyang ikinataka kung bakit nababalutan na ito ng benda at mukhang kalalagay lamang.

"Ehem," Napaiwas na lang ng tingin si Julian at minustrahan si Estrella na ibaba ang kaniyang palda

Agad naman niya itong ibinababa nang makita ang ilang batang lalaki na umiwas rin ng tingin tulad ni Julian.

"Ate, sabi ng aking Lola, kaniyang ikinuwento na ang mga babae raw noong ilang dekada na ang nakalilipas ay ipinapakasal ng maaga. Ito raw po ay dahil kapag nakita ng isang binatang lalaki ang anumang itinatago ng babae tulad ng binti at sakong ay marapat ipakasal agad!" natutuwang wika ng batang lalaki habang tinitingnan si Julian at Estrella.

"Kung gayon ba'y nakita mo ba Kuya Julian? Papakasalan mo na ba si Ate?" nakangiting tanong ni Rodelio.

Nakatingin naman ang lahat ng mga bata kay Julian na inaayos ang kaniyang buhok. Ilang beses siyang umiiwas ng tingin sapagkat nahuhuli siya ni Estrella na nakatingin rito.

"Sa aking pakiwari mga batang Ginoo na may gustong ibang babae ang inyong kuya. Kanina nga'y super close ah ang ibig kong sabihi'y may kasama siyang babae na binabantayan niya," Napalunok si Estrella nang sabihin ito at lalong naging isa pa ang kaniyang kilay nang makita ang reaksyon ni Julian. Napangiti ito saglit bago kagatin ang mamula mula niyang pang-ibabang labi. Lalo siyang nainis dahil mukhang pinagtatawanan pa niya ang kaniyang sinabi.

"Kung gayon Ate, bakit bantay sarado ka po niya kanina. Habang ikaw ay natutulog ay nakatingin siya sa'yo tapos binabantay..." Napatigil si Joselito nang makita ang titig sa kaniya ng binata.

"Nag-aalala po talaga sa'yo si Kuya at pinagdasal ka pa po namin," paliwanag ni Maria.

Tumingin naman si Estrella kay Julian na nakangiti sa kaniya.

"Kanino mo ba nakuha Estrella ang balita na ibang babae ang aking iniibig?Hindi ba ikaw ang nais kong pakasalan?" seryosong wika ni Julian .

Napanganga naman si Estrella sa ginawa at sinabi ng binata. Kinusot kusot pa niya ang kaniyang mga mata dahil sa kakaibang kilos ni Julian. Madalas ang pag-ngiti nito at naging malambing na rin ang kanyang boses. Napahawak ng ilang segundo sa kaniyang dibdib at walang tigil sa pagkarerahan ang kaniyang puso.

Naghiyawan naman ang mga batang babae at lalaki dahil sa nakikita nila

"Ay , Ikaw pala ate ang gusto! Kinikilig ako," nakangiting wika ng isang babae sabay hampas kay Joselito.

Hindi maiwasan ang pag-init ng kanyang pisngi nang makita ang pilit na ngiti na ginagawa ni Julian.

"Hayaan mo , Angelita at kapag lumaki na tayo'y ikaw naman ang aking pakakasalan," kumindat pa si Joselito kay Angelita.

"Teka, kayong mga bata'y unahin niyo muna ang inyong pag-aaral. Maglingkod muna kayo sa Diyos bago hanapin ang panghabangbuhay niyo," saway ni Julian.

"Kung gayon, tutulad na lang po kami sa'yo na naghintay talaga kay Ate para siya'y pakasalan," tudyo ni Joselito kay Julian.

"Tama," sang-ayon ni Julian.

Maya maya pa'y kumuha si Julian ng gitara para kumanta ng pagpupuri sa Panginoon. Nagulat naman si Estrella dahil mukha namang marunong palang kumanta si Julian.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon