CHAPTER 33

39 2 4
                                    



MALALAKING hakbang ang ginawa ni Estrella habang pilit na sinusundan siya ni Ikay palayo sa bahay ni Don Emilio. Bawat tao na kaniyang masasalubong ay umiiiwas na sa kaniya. Hinahawi niya ang daan habang walang pakialam kung tumatalsik na ang putik sa kaniyang kasuotan.

"Binibini, hintayin mo ako,patawarin mo ako kung nagawa ko y'on," sigaw ni Ikay na pilit pinapatigil sa pagtakbo ang dalaga.

Tila nabingi na si Estrella sapagkat nais niyang makalayo at mapag-isa. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at walang pakialam sa kaniyang itsura. Maraming tao ang napapatigil upang pagmasdan ang kawawang dalaga na tumatakbo papalayo .

"Kawawa naman ang babaeng y'on sapagkat mukhang sinaktan noong lalaki," tinuro ng isang matandang babae sa Ikay.

"Baka naman may laman na ang kaniyang tiyan o mayroong ibang babae ang lalaking humahabol sa kaniya," wika ng isang lalaki habang tinuturo si Ikay.

Kumunot naman ang noo ni Ikay at nakalimutan niyang nakadamit pa siya ng panlalaking damit. Hindi na ito pinansin ni Ikay dahil importante na mahabol niya si Estrella ngunit sa kasamaang palad ay nahirapan siyang makadaan. Maraming tao ang sumama sa parada ang nagpabagal sa pagtakbo ni Estrella na siyang dahilan kung bakit bumagal siya sa pagkatakbo. Hindi na niya makita pa sa Estrella. Humahangos siyang napaupo sa lupa at nagpapalakas upang tumakbo muli.

"Baka magalit sa akin si Senorito Gabriel," nag-aalalang wika ni Ikay habang pinapahid ang butil butil na pawis sa kaniyang noo. Mabilis ang kaniyang hinga at tuyo na rin ang kaniyang lalamunan dahil sa init ng panahon.

"Binibini nasaan si Estrella?" humihingal na wika ng isang lalaki na tinulungan si Ikay na tumayo.

Nanlaki naman ang mata ni Ikay nang makita si Julian na humihingal sa kaniyang harapan. Gamit ang panyo'y pinahid ng binata ang butil butil na pawis na tumutulo sa kaniyang noo. Tulad din niya'y pagod na pagod ang binata sa pagtakbo.

"Nasaan siya?" muli nitong tanong.

Napailing na lang si Ikay at agad na tumungo sapagkat wala rin siyang ideya kung saan ito nagpunta.

"Estrella, delikado pang lumabas," Kinapitan ni Julian ang kaniyang buhok at napabuntong hininga na lamang. Bakas sa kaniyang mukha ang ilang beses na pagkunot ng kaniyang noo .

"Paumanhin, ako po ang may kasalanan kung bakit po siya tumakbo," sagot ni Ikay na puno ng pagsisisi.

"Huwag mo ng sisihin ang iyong sarili sapagkat ang importante'y mahanap natin siya agad," nag-aalang wika ni Julian.

Palinga linga si Julian habang tinatanaw ang mga taong naglalakaran. May ilan ilan ring mga kababaihan ang napapatigil upang mapagmasdan ang binata. Tumayo muli si Julian at nag-usal ng panalangin upang mas madaling mahanap ang dalaga.

Sa isang May isang matandang lalaki na nagpapalimos na ang kasuota'y punit punit ay pinadirihan o nilalayuan ng mga tao. May ketong na ang matanda kaya ito'y iniiwasan ng mga taong dumaraan. Lumapit naman agad si Julian at lubusang napahanga si Ikay dahil hindi man nito nilayuan ang matanda.

"Kay buti mo naman Iho, tulad ng isang babae na tinulungan pa akong tumayo kahit siya'y may nararamdamang bigat sa kaniyang puso," wika ng matanda.

"Ganon po ba," saad ni Julian habang pinagmamasdan ang ginusot na diaryo at doon nakabalot ang isang puting panyo na pamilyar kay Julian.

"Saan mo po nakuha ang puting panyo na y'an?" pagtatakang tanong ni Julian habang iniaabot ng matanda ang panyo.

"Kailangan ka ng taong pinagbigyan mo ng panyong ito sapagkat wala ng oras Iho! Sundan mo siya sa Ilog ng Boac," nagmamadaling wika ng matanda habang marahang tinutulak si Julian paalis.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon