KABANATA XXII

54 5 2
                                    


"Salamat Ginoo ," nahihiyang wika ni Estrella habang umiiwas sa mga mata ng binata na pinagmamasdan siya.

Namumulang tinanggal ni Julian ang kanyang kulay itim na dyaket at isinuot sa dalaga.Nasapo niya ang kanyang noo at napatingin sa malayo nang mapansin niya ang kasuotan ng dalaga. May ilang butones itong nasira at napunit na bahagya ang kanyang manggas. Inayos ng dalaga ang kanyang kasuotan sa kahit na hindi naman ganon kalala ang sira. Alam niyang masyadong konserbatibo ang mga kalalakihan sa unang panahon .

"Pagpasensyahan mo na ang aking kaibigan na si Sergio sapagkat siguro'y nabigla lang siya sa pangyayari. Lalo at may lihim siyang pagtingin kay Clarita na ngayo'y kasintahan ng kanyang kapatid."

Tumalikod si Estrella kay Julian nang hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang bigat ng kanyang damdamin na para bang pinipiga o tinutusok ng karayom. Maging ang kanyang ulo ay sumasakit sa kakaisip ng mga bagay-bagay.

"Aalis muna ako Julian sapagkat baka hinahanap na ako..."

Hindi na natapos ang kanyang sasabihin nang hinila siya ni Julian papalapit sa kanya. Yumuko agad si Estrella nang mapagmasdan ang malamlam na mata ng binata. Hindi niya maunawaan kung bakit parang napapadalas ang pag-iwas niya ng tingin dito.

"Ayaw kong manghimasok sa iyong nararamdaman ngunit ito'y bumabagabag sa aking isipan. Lagi kong nakikita na parang nag-iisip ka ng malalim habang nagpipigil ng iyong luha. Mayroon ba akong magagawa upang manumbalik ang iyong ngiti,"malumanay na wika ni Julian habang minamasdan ang reaksyon ng dalaga.

Napabuntong hininga ito ngunit hindi pa rin ito at pinapahid ang butil butil na luha sa kanyang mukha.

"Gusto kong bumalik ang lahat sa dati," pabulong na wika ni Estrella ngunit sapat lang upang mapakinggan ni Julian.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ni Julian habang iniisip kung naging matalik ba silang kaibigan ni Gabriel. Hindi rin malaman ni Julian kung naging mas higit pa roon ang kanilang relasyon.

"Ang aking Lola'y hindi ko na halos makilala , kaylaki ng kanyang pinagbago. Ang aking matalik na kaibiga'y sinama na ng kanyang bagong amo patungo sa Maynila. Hindi ko alam kung kailan siya muling magbabalik sapagkat ako'y nag-aalala na na sa kanya. Ang huli ay..."

Naramdaman ng dalaga ang malambot at mainit na kamay ng binata na humihigpit ang kapit sa kanyang kamay.Hindi niya mabanggit na nahihirapan siya sa sitwasyon na makitang magkasama si Clarita at Gabriel. Natatakot siyang banggitin ito sa kanyang mapapangasawa sa hindi niya malamang kadahilanan.

"Sapat na ang aking narinig at nakita." Napabitaw si Julian sa pagkapit kay Estrella at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Julian?" pagtatakang tanong ni Estrella sapagkat ngayon lang niyang nakitang ganito ang reaksyon ng binata Tila ito isang batang inagawan ng laruan o isang sundalong natalo sa labanan. Pagkatapos ay agad itong ngumiti sa kanya na hindi abot hanggang mata.

"Pero lagi mong tatandaan na ang Diyos ay sumasagot sa panalangin. Maaring oo, hindi o hindi pa tamang panahon. Isuko mo sa Diyos ang dinadala ng iyong puso Binibini," Nakangiting wika nito at agad naalala niya na madalas rin niyang sinasabi ito sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Gusto niyang matawa sa sitwasyong ito sapagkat siya naman ang sinasabihan nito.

"Ngunit..."

Napatahimik si Estrella ng inilagay ni Julian ang isang daliri niya sa kanyang labi upang patahimikin si Estrella.

"Basta lagi mong tatandaan na huwag mo laging iasa ang kaligayahan mo sa tao sapagkat malalayo ka sa Diyos."

Hindi niya maunawaan kung bakit parang may kumirot sa kanyang puso nang bigkasin ni Julian ang mga katagang ito Naisip niya si Gabriel na minahal niya sa loob ng maraming taon. Halos araw-araw niya itong pinagdadasal at binibigyan ng oras. Nakipagdeal rin siya sa Diyos na kung magiging sila'y maglilingkod siya sa Diyos sa mahabang panahon. Hindi niya alam kung bakit parang mas lalo siyang napapaiyak habang naaalala ang kahapon

"Alam mo bang nakita ko na ang kasagutan ng panalangin ko?" nakangiting wika ni Julian

Inangat ni Estrella ang kanyang paningin habang tinitingnan si Julian . Narinig niya ang paghampas ng mga alon at naramdaman ang dampi ng hanging habagat. Hindi niya alam kung bakit tila bumagal ang oras habang hinihintay niya ang taong sasambitin ni Julian.

"May minamahal ka ba at hindi ka pabor sa sitwasyon natin ngayon?" interasadong tanong ni Estrella.

Nangibabaw ang katahimikan at tanging paghampas ng alon ang kanilang napapakinggan.

"Mayroon ngunit sa tingin ko'y hindi talaga kami para sa isa't-isa."

Napakurap ng ilang beses si Estrella at naisip kung talaga bang mahal pa niya sa Felicia. Naiisip niyang nagiging hadlang siya sa kanilang pagmamahalan.

"Kung gayo'y mukhang hindi pala talaga tayo para sa isa't isa. Siguro'y mas mabuting gumawa tayo ng paraan upang ..."

"Ako na ang bahala Estrella bukas na bukas ay kakausapin ko ang aking ama tungkol sa ating kasal. "

Nanlaki ang mga mata ni Estrella at hindi niya maunawaan ang kanyang nararamdaman

Saya

Lungkot

Ngunit,

Hindi niya malaman kung bakit parang biglang kumirot ang kanyang puso .

NAKAHIGA si Julian sa kanyang kama habang pinagmamasdan ang mga gamu-gamo na lumalapit sa kanilang chandelier. Naririnig niya ang ilang beses ng tilaok ng manok at kanyang napansin ang unti-unting pagsilip ng silahis ng araw sa kanyang bintana. Bumangon siya at umupo ng maayos upang mag-usal ng panalangin tungkol sa bumabagabag sa kanyang isipan.

"Panginoon, hindi ko man maunawaan ang inyong plano ngunit nagtitiwala ako sa iyo. Mangyari nawa ang iyong kalooban at hindi ang kalooban ko."

Pagkatapos ay humiga siya sa kama at pinilit ang sariling makatulog ng saglit bago pumunta sa Bayan. Ninais niyang makipag-usap sa Heneral ng Boac upang alamin ang kalagayan ng probinsya. Alam niya na nanganganib rin ang kanyang probinsya mula sa mga Amerikano.

May narinig siyang paparating na kalesa at natanaw niya sa labas ang kanyang kapatid at si Sergio. Marami itong dalang mga prutas , gulay at mamahaling antique na binababa sa kalesa. Hindi maunawaan ni Julian kung bakit tila napakaaga ng kanyang kapatid. Nakangisi rin ito sa kanya nang makita siya at may inilabas itong ilang pirasong bote ng alak.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon