KABANATA VI

44 4 0
                                    


NAPAUPO si Estrella sa sahig habang patuloy na kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Hindi niya mawari kung imahinasyon lang ang lahat ngunit nararamdaman pa rin niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Marahan muli siyang sumilip sa bintana at tiningnan ang binata.

"Iho anong nangyari sa'yo?," pagtatakang tanong ni Dona Teresa na alarmang lumabas ng bahay. Ang langit naman ay puno ng bituin at mapapansin din ang bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa mga kabahayan.

Napasabunot ang dalaga ng kanyang buhok lalo na nang inangat ng binata ang kanyang mata. Muling nagtama ang kanilang paningin at agad napangisi ang binata sa inasal ng dalaga. Kakaba-kabang napaupo ang dalaga sa sahig at nakinig sa sasabihin ng binata.

"Umulan po ng malakas sa Gasan kaya nabasa ang aking damit," magalang niyang wika habang tinitingnan ang bintana. 

"Ganon ba Iho," pag-aalala ng matanda.

" Nasaan po si Clarita? Akin pong nabalitaan na magbabakasyon siya rito ng dalawang linggo kaya agad akong naparito," nakangiti niyang wika.

"Clarita? Sino si Clarita? Sino siya sa buhay ni Gabriel." bulong ni Estrella sa sarili habang nagmadaling inayos ang kanyang mahabang buhok. 

Nag-iiisip pa rin si Estrella kung bakit marami siyang pamilyar na mukha na nakikita sa panahong ito. Hindi din mawari ng kanyang isipan kung bakit iba ang buhay nila rito. Isa pa siya lang ang nakakaalam na silang lahat ay bumalik sa unang panahon . Muling sumilip si Estrella sa bintana at bakas ang lungkot sa kanyang mukha nang hindi na muli niyang masilayan pa ang binata.

"Senorita, pinapatawag ka ni Dona Terisita para batiin ang ating mga panauhin," nakangiting wika ni Isabelle. 

"Ha?Ako?," tanong ng dalaga.

"Hindi ko akalain na mapapagmasdan ko ang anak ng dating Alcalde Mayor ng bayan ng Gasan. Totoo nga ang balita na maraming babae ang nahahalina sa kanyang angking kagwapuhan."

"Teka, ako pinapatawag?." Hindi mapakali si Estrella sa kanyang kinatatayuan habang nagmadaling humarap sa salamin. Tinalian niya ang kanyang buhok at inayos ang kanyang kulay dilaw na saya. "Maganda ba Isabel?"

"Maganda ka naman Senorita at kahit anong damit ay talagang babagay sa'yo,"pagsang-ayon ni Isabel.

Napabuntong hininga si Estrella at uminom ng isang basong tubig bago bumaba sa hagdan. Kahit nakakaramdam siya ng galit kay Gabriel ay mas nangingibabaw ang pananabik na makita at muling makausap ito. Mabigat ang kanyang paghakbang at natagpuan niya ang binata na nakaupo sa sala habang magiliw na kinakausap ang kanyang Lola. Sumisilay ang kanyang ngiti at nakita niya ang biloy nito sa kaliwang pisngi.

Ilang gasera ang nakalagay sa bawat lamesa ng bawat sulok ng bahay kaya kahit gabi'y napakaliwanag tingnan ng paligid.

"Nasaan si Lola?," tanong ni Estrella at sa hindi inaasahan ay nakita niya ang binata na nakatingin sa kanya.

"Akala ko'y ikaw si Clarita," natatawang wika ni Gabriel habang sinusuri ang mukha ng binata.

Napalunok si Estrella dahil hindi niya malaman kung sino ang tinutukoy ng binata. Hindi magawa ni Estrella na ilihis ang kanyang paningin lalo na at napagmasdan nito ang mga mata ng binata. Ang mata ng dalaga ay puno ng katanungan lalo na ng tinanggal nito ang sombrero para magbigay galang.

"Magandang araw po Binibini, Ako nga pala si Miguel Gabriel Alforque at ikanalulugod kitang makilala," nakangiting wika nito kay Estrella.

Napalunok ng ilang beses si Estrella at agad na kumunot ang kanyang noo. Pinipilit niyang basahin ang ekpresyon ni Gabriel upang makakuha ng ebidensya na hindi talaga siya kilala nito. Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang palda at pinipilit ang sarili na iproseso kung anong dapat niyang sabihin.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon