KABANATA XV

60 4 4
                                    


HINDI mapakali si Estrella nang mabalitaan niya mula kay Cristobal na permanente ng maninirahan ang bagong amo ni Isabel sa Maynila. Nagbabalak na magtungo sila sa Maynila ngunit wala silang sapat na pera para pumunta roon. Naisip nilang magkaroon ng papagkitaan upang kahit papaano'y makaipon para magtungo sa Maynila. Alam rin ni Estrella na hindi papayag ang kaniyang Lola kung sakaling humingi siya ng pera dito

"Sigurado ka ba Cristobal na makaka-ipon tayo sa papamagitan ng pagtitinda ng prutas at kwintas na gawa sa sampaguita?" tanong ni Rina habang nilalatag ang dahon ng saging sa kalsada

Inilagay ni Cristobal ang ilang piling ng saging roon habang tinitingnan ang mga naglalakarang mga tao. Narinig niya ang malakas na kampana ng simbahan hudyat na tapos na ang misa. Napabuntong hininga si Cristobal habang pinagmamasdan ang ilang piling ng saging na nabulok na sapagkat walang bumili.

"Huwag tayo mawalan ng pag-asa sapagkat may awa ang Diyos. Di ba y'on ang laging sinasabi mo sa amin Senorita? "

Napatigil si Estrella sa paghelera ng kanilang mga tindang prutas nang mabanggit ang pangalan ng Diyos. May kirot sa kaniyang puso ngunit napangiti ng bahagya sapagkat hindi nawawalan ng pag-asa ang kanyang kaibigan.

"Mahahanap din natin si Isabel." panigurado ng dalaga.

Napakunot naman ng noo si Cristobal sapagkat iwas ang mga mata ni Estrella sa tuwing nababanggit ang pangalan ng Diyos. Hindi niya maunawaan kung bakit iba ang ikinikilos ng kanyang Senorita. Nawala na ang hinhin nito at pagkamahiyain sa mga tao. Idagdag pa rito ang hindi niya pagkahilig sa pagbasa ng libro lalo na ang bibliya na ibinigay ni Padre Roque.

"Senorita, Sigurado ka bang ilang linggong magbabakasyon ang iyong Lola? Baka makita ka niya rito na nagtitinda at ma- init muli ang dugo niya sayo.

"Hindi naman siguro nila mahahalata dahil sa aking pagbabagong anyo ngayon."wika ni Estrella.

May ilang mga kababaihan ang dumaraan ngunit hindi man lang sila nito tiningnan. Tinali ni Estrella ang mahaba niyang buhok at pinahid ang ilang dagta ng saging sa kanyang damit. Ang kulay ng kanyang damit ay puti ngunit tila kulay kalawangin na ang ilang bahagi nito. Ipinahiram ito sa kanya ni Rina upang hindi siya makilala ng mga tao sa takot na makarating ang balita kay Dona Teresita.May ilang bahid rin na uling sa kanyang mukha dulot ng pag-ihaw ng saging.

Ilang saglit pa ay may pumaradang kalesa malapit sa kanilang harapan.Napatigil si Rina sa pagbalat ng saging matapos makita ang pagbukas ng pinto ng kalesa. Lulan nito ang dalawang binata na nakasuot ng itim na traja de boja. Napayuko si Rina at pumuwesto sa likod ni Cristobal at kunwari'y may kinukuha sa loob ng sako.

"Ay naku, salamat naman at naririyan si Senorito Isagani at may kasama pang isang mayaman. Baka ngani ay bilhin na lahat paninda natin," Itinaas pa ni Cristobal ang kanyang kamao.

Napansin naman ni Estrella na umiwas ng tingin sa kaniya si Sergio pagkatapos siya ngitian nito. Nasapo na lang ni Estrella ang kaniyang noo nang paulit ulit sapagkat naalala niya ang nangyari sa kaarawan ni Gabriel.

"Estrella, anong nangyari sa'yo at tila'y napalayas ka sa bahay mo?"pagtatakang tanong ni Isagani habang tinitingnan si Estrella mula ulo hanggang paa.Kinusot-kusot pa ni Isagani ang kanyang mga mata ng ilang ulit bago tumingin sa dalaga.

"Nakakainip sa bahay kaya sumama ako kay Cristobal at kay Ri..."

Napakamot ng ulo si Estrella nang mapansin si Rina na nag-iihaw ng saging ngunit hindi ito binalatan. Tila wala ito sa sarili sapagkat hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan. Nagmadali namang pumunta si Cristobal sa tabi ni Rina upang matauhan ito.

Napailing na lang si Estrella sapagkat alam niya ang dahilan kung bakit ganito ang kanyang ikinikilos. Naikwento ni Cristobal na ilang ulit na binubukambibig ni Rina ang pangalan ni Isagani.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon