KABANATA X

35 2 0
                                    


Hinanap nila sa loob ng kwarto ang pitaka kaya sinubukan nilang halwatin ang mga gamit sa aparador. Bawat damit ay kanilang tiningnan kung mayroong nakasangit na pera ngunit wala silang makita. Kumukunot ang noo ni Estrella lalo na nang hindi niya makita ang kanyang hinahanap.

"Nasaan na po ang pitaka na y'on? Saan mo ba nilagay Senorita?" pagtatanong ni Isabel na tinitingnan ang ilalim ng kanyang kama. "Hindi kaya nahulog nang pumunta ka sa bayan?"

"Hindi ko rin alam." mabilis niyang tugon habang pinagpapawisan na hanapin ang pitaka. May napansin siyang isang maliit na lalagyanan na kulay itim. Nakasingit ito sa isa niyang damit. "Ito na y'on Isabel!" natutuwang wika ni Estrella at tumalon pa ng ilang beses dahil sa tuwa.

"Magaling , mababayaran niyo na po ang inyong utang." natutuwang wika ni Isabel.

Napangiwi si Estrella sapagkat ito ang unang beses niyang umutang at sa lalaki pang nakita niya lang sa daan.

Binuklat ni Estrella ang pitaka at nagulat siya nang nakita niya ang laman nito.

"Limangpu't isang piso!" napangiwing wika ni Estrella habang tinitingnan ang salapi na nasa loob ng kanyang pitaka. "Paano ko mababayaran si Tinio nito!"

"Pero Senorita! Ang pera niyo po ay halos kalahating taon ko ng sweldo.Magkano po ba ang inutang ninyo sa kanya?"

'Ano? Isabel?" napasabunot muli si Estrella ng kanyang buhok na lalong ikinataka ni Isabel.

'Magkano po ang inyong inutang?"

"Isang daan!"sagot ni Estrella.

"Sus maryosep Senorita! Ano po ba ang inyong binili at ganoon kamahal ang inyong binayad?"

Napasabunot muli si Estrella ng kanyang buhok at napatingin sa bintana . May ilang mga kalalakihan na may dalang malalaking paso at halaman.

"Kung may online selling lang sana rito! Ibebenta ko ang mga halaman ni Lola? Isabel? Magkano kaya ang mga halaman na y'an kapag ating ibenenta."

"Senorita! Lalo kang mapapagalitan ng inyong lola kapag ibenenta mo ang iba't ibang uri niya ng mayana. Ang ilan rito ay nagmula pa sa iba't ibang panig ng Pilipinas."

"Magpapatubo na lang ako Isabel."

May narinig silang ilang ulit na katok sa pinto kaya napatikom sila ng kanilang bibig.

"Sino y'an?" tanong ni Estrella.

"Ako po ito si Caloy ! Kapatid po ni Cristobal.May nais lang po akong iabot sa inyong sulat."

Nagmadaling binuksan ni Estrella ang pinto at natagpuan niya ang isang bata na nakasuot ng damit na nababahiran ng dumi ang putik. Nakasuot siya ng tsinelas at ito' rin ay puno ng putik. Ang bata ay tila inaantok dahil sa kanyang malamlam na mga mata at ilang beses na paghakay.Ang bata ay nasa siyam na taong gulang pa lang.

" Anong nangyari sa'yo Caloy. Ano ka ng bata ka ! Kung saan- saan ka pumupunta?" pag-aalalang wika ni Isabel.

"Nanggaling po mandin ako sa bukid at tumulong kay itay sa pag-araro . Itinali ko rin po ang aming kalabaw malapit sa maraming damo para siya'y makakain. Ako po ngani ay nakakita ng isang lalaki at ako ay tinawag upang ipaabot po ang sulat na ito. Matapos noon ay nagmadali na s'yang umalis."

Agad na kinuha ni Estrella ang sulat at itinupi ng ilang ulit upang mabasa ang nakasulat rito. Ang paraan ng pagsulat ng bawat titik nito ay pamilyar sa dalaga na siyang naging dahilan kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.

Magkita tayo sa dati nating tagpuan,

Doon sa lugar kung saan maraming bulaklak at kabayo.

Ginoo G.

"Sigurado ka bang para sa akin ang sulat na ito?" nanginginig na wika ni Estrella dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa. Alam niya kung kanino galing ang sulat at malakas ang kanyang kutob. Maraming beses na siyang sinulatan ni Gabriel noong mga panahong nililigawan pa lang siya nito.

"Opo, nakakasigurado ako. Hindi naman para ito kay Ate Isabel."

"Sige na Senorita, Makipagkita ka na habang wala pa ang y'ong lola," natutuwang wika ni Isabel sa pag-aakalang si Heneral Tinio ang nagpadala ng sulat.

"Saan ba ang lugar kung saan maraming kabayo?" tanong niya

"Ah! Doon po sa malapit sa balon na ating pinaglalabhan . Naroon po ang mga iniaalagaan na kabayo ng inyong Lola." pagtatakang sagot ni Isabel sapagkat tila nakalimutan n ani Estrella ang mga pasikot sikot sa kanilang hacienda.

"Sige pupunta na ako." nagmadaling nag-ayos si Estrella para magtungo kung saan naroon ang tao na gusto niyang makita. Kung nasaan ang tao na gusto niyang makasama. Ang lugar kung nasaan si Gabriel.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon