KABANATA XIII

37 4 1
                                    


DISYEMBRE 23, 1899

NAKAHARAP si Estrella sa salamin habang inaayos ni Rina ang kanyang buhok. Nilagyan niya rin ito ng palamuti ng ilang bulaklak ng sampaguita. Binuksan ni Estrella ang isang lalagyanan na puno ng alahas at pumili siya ng maari niyang suotin. Mabigat ang kanyang kalooban lalo na namang malalaman na makikita na niya ang magiging kabiyak ng kanyang puso.

Tinatanaw niya mula sa bintana ang maliwanag na buwan at mga nagniningning na mga bituin sa kalangitan. Nakakarinig rin siya ng tunog ng mga palaka at crickets na animo'y nasisiyahan sa pagtapos ng ulan.

" Ate Rina, kapalan mo pa lalo ang lipstick I mean y'ong mga kolorete sa aking mukha. Kailangan niyang maturn off at tumakbo palabas ng pinto para hindi na matuloy na maipakasal ako sa lalaking y'on." mabigat sa loob na tugon ni Estrella. Inaaliw na lang niya ang kanyang sarili pagtingin ng iba't ibang uri ng alahas.

"Lipstick?"

"Basta y'ong pangpahid sa mukha."

Nakarinig si Rina ng dumarating na kalesa kaya agad niyang niyaya si Estrella na magtungo sa bintana upang makita kung sino ang dumarating. Nakadungaw ang dalawa sa bintana habang tinitingnan ang isang binata na bumababa mula sa isang kalesa. Matikas ang tindig ng binata na may kasamang isang lalaki na nakauniporme na tila mataas ang posisyon sa pamahalaan.. Ang lalaki ay may balbas na mahaba at maputi ang kulay ng kanyang balat.

Hindi makita ni Rina ang mukha ng lalaki na nakasuot ng lumang barong tagalog dahil ito'y nakatalikod at nagmadaling pumasok sa loob. May dalawang tauhan na may buhat ng ilang bilao na sa tingin niya'y laman ay pagkain.

"Mukhang napaaga ang kanilang pamamanhikan." kinikilig na wika ni Rina habang hinahawakan ang nakatulalang si Estrella.

Namumutla siya at hindi mapakali habang tinitingnan ang baba ng bintana.

"Gusto ko ng tumakas Rina! Ayaw ko talagang magpakasal.Hindi ko man siya nakikita o kilala? Mas worse pa ito sa online dating dahil wala man lang maistalk sa personality niya pero don't get me wrong hindi ko gawain yon."napasabunot si Estrella ng kanyang buhok.

"Senorita huwag! Ilang oras ko na inayos ang y'ong buhok!" natatakot na wika ni Rina.

Naguguluhan si Rina sa mga salita ni Estrella ngunit pilitin man niyang itanong ay hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Estrella.

"Pero , Rina? Ayaw kong magpakasal sa isang tao na hindi ko man lang nakikita o nakakausap. Wala man lang getting to know each other tapos pamamanhikan na agad? Hindi ko ba mararanasan man lang haranahin sa panahong ito tulad ng ginagawa ni Ga-''napatakip si Estrella ng kanyang bibig sa takot na kanyang malaman ang totoo.

"Gabriel po ba?" malawak na ngiti na tanong ni Rina.

'Paano mo nalaman na si Gabriel ang tinutukoy ko?" nagtatakang tanong ni Estrella

'Sapagkat po , noong isang buwan na kayo'y nalasing ay nakita ko po kayo mula sa aking bintana. Nagising po ako noon dahil sa batok ng aso at sinuway ko po ang aso ng aking kapitbahay. Sinuway ko na rin po ang mga pusang gala na naghahabulan at nakita po kita. Umiiyak habang sinasambit ang pangalan ni Gabriel."

Nagmadaling inilagay ni Estrella ang kamay niya sa bibig ni Rina sa takot na may makarinig sa kanilang dalawa.

"Ate, huwag kang maingay.Wala sanang makarinig sa atin," pabulong na wika ni Estrella.

Napatango na lang si Rina ng ilang ulit.

MARAHANG bumaba si Estrella sa hagdan at bumibigat ang kanyang paghakbang . Natanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan ang isang lalaki na nakaupo habang kausap ang kanyang lola. Madalas ngumiti ito habang nakikipagkwentuhan ng mainam sa kanyang lola.Sa hindi inaasahan ay nagtama ang kanilang paningin at agad na nakita niya ang mukha nito. Kulay asul ang kanyang mga mata at napakatangos ng kanyang ilong . May manipis at namumula-mulang labi at maputi ang kulay ng kanyang balat. Kulay brown ang kanyang buhok at hindi maikakaila na isa s'yang insulares.

"Magandang gabi Binibini," magalang nitong bati sa kanya

Sinenyasan siya ng kanyang Lola na umupo sa kanyang tabi upang kilalanin ang mga bisita.

"Siya pala ang inyong apo, Bueno Spanish( Tama nga ang sinasabi ng karamihan na napakaganda ng inyong apo.)

"Ako nga pala si Isagani Lenares ,"nakangiting wika ng binata.

Sa palagay ni Estrella na mukha namang mabait ang kanyang mapapangasawa ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isipan si Gabriel.

"Estrella Salvacion," maikiling wika ni Estrella

"Binibini, alam kong lingid sa iyong kaalaman ang pagpunta namin rito. Ilang taon na lang ang aking itatagal sa daigdig na ito dahil na rin sa aking edad. Ito ang aking dahilan kung bakit humanap ako ng taong mapapangasawa ng aking anak. Ang iyong lola ay lumapit sa akin nang malaman ang aking pakay at masaya akong tinugon mo kami.

Kinuyom ni Estrella ang kanyang mga palad at pinilit na ngumiti . Gusto niyang tumakas sapagkat ayaw niyang magpakasal sa isang taong hindi niya mahal.

"Masaya ang aking apo na makatuluyan ang inyong panganay na anak." masiglang wika ng kanyang lola.

Napatawa ang binata sa sinabi ng matanda sabay ilang beses na napakamot sa kanyang ulo.

"Nagkakamali po kayo, Hindi po ako y'on." sagot niya

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng kanyang lola.

Narinig ni Isagani ang paghinto ng kalesa sa labas ng bahay ng matanda at napangiti siya. Pumasok sa bahay ang isang lalaki na matikas na lumalakad papalapit sa kanila. May dala itong baril at nakasuot ng uniporme .

"Pasensya na po dahil ako'y nahuli." walang emosyong wika ng isang lalaki na papalapit sa kanila.

"Hindi ka pa naman huli iho," nakangiting wika ni Don Hidalgo Lenares.

Napatingin si Estrella sa isang lalaki na pamilyar sa kanya. Ang kanyang malamlam na mata na may itim na balintataw. Ang kanyang kulay itim na buhok , matangos na ilong , manipis na labi. Ang mapusyaw na kulay ng kanyang balat at namumulang pisngi dahil sa init ng panahon. Nanlaki ang kanyang mata nang makita muli ang lalaking may ilang beses na siyang atraso sa kanya.

"Huhulihin mo ba ako?" pabulong na wika ni Estrella na hindi naman napakinggan ng kanyang mga kasama.

"Siya nga pala Estrella," tumayo si Don Hidalgo at tinuro ang binata, " Siya nga pala si Heneral Julian Lenares ang ikalawa kong anak. Siya ang mapapangasawa mo."

Halos mabuhusan ng malamig na tubig si Estrella at tiningnan ang matalim na mga mata ng binata. Napalunok na lang siya ng ilang beses at direstong kinuha ang baso at uminom. Agad siyang napahinto ng malasahan ang alak na kakasalin pa lang ng kanyang lola para sa dalawa.

Nakatingin silang lahat sa namumulang si Estrella at napaangat naman ang kilay ng kanyang lola. Ibinaba niya agad ang baso na ngayo'y kalahati na ang laman.

"Ayos kapatid, mukhang hindi ka na mahihirapang magpa-ibig ng babae." Wink

Nainis si Estrella at naramdaman niya ang pag-init ng magkabila niyang pisngi.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon