KABANATA XX

37 3 0
                                    


LABIS ang galak ng mga bisita habang pinagmamasdan si Clarita na marahang pumunta sa gitna ng bulwagan. Kinuha niya ang kalutang at lalong nagiliw ang mga manonood nang simulan niya itong patugtugin. May ilan namang kababaihan at kalalakihan ang sumasayaw ng pananggo sa ilaw habang siya ay isa sa mga tumutogtog. Nakasuot siya ng magarang Maria Clara at kwintas na kulay ginto.

"Nakakahanga naman si Clarita , di ba Ina?" tanong ni Gabriel sa kanyang ina

Malaki ang bahay na bato ni Gabriel at marami ring mga dumalong bisita mula sa kanyang kalapit na mga kamag-anak. Ang ilan rin niyang kamag-anakan sa Espanya ay walang atubiling nakadalo sa kanyang kaarawan. Ang bawat lamesa na nakapalibot sa bulwagan ay napupuno ng iba't ibang putahe ng ulam. Mayroon ring lechon , sariwang prutas tulad ng lansones, rambutan, saging na laturdan at Indian mango.

Tumingin si Dona Claveria kay Clarita at pinagmamasdan nito ang nakakabighani nitong ganda. Pinuyod ni Claveria ang mahaba niyang buhok at kinuha ang abaniko sa lamesa.Nakasuot siya ng kulay pulang traja de voja at ilang parte nito ay nabuburdahan ng dahon at bulaklak.

"Iho, kaya nga sinusuportahan ko ang inyong relasyon sapagkat ayaw kong mapunta ka sa kung sino mang ordinaryong babae. (Spanish Hindi ko kaya) Ang kanyang pamilya ay nabibilang din sa maimpluwensiyang pamilya sa ating lalawigan. Kaibigan rin ng iyong yumaong ama si Don Juan na naglingkod bilang Gobernadorcillo.

Sinensysan ni Dona Claveria ang isang tagasilbi na kumuha ng ilang pirasong alak para sa mga bisita.

Nag-iwas naman agad ng tingin si Gabriel at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Kung hindi siguro namatay si Ama ay mas marami pa tayong kayamanan at lupain."Uminom si Gabriel ng alak habang tinitingnan si Clarita at agad namang siyang napangiti nang lumapit ito sa kanya.

"Binibining Clarita, ilang araw lang tayong hindi nagtatanaw tama ngunit lalo ka atang gumaganda," Hinawi ni Gabriel ang buhok ng dalaga na siya namang ikinatuwa ng kanyang ina.

"Binobola mo naman ako Ginoo, yaan rin ang iyong sinabi nang mga nakaraang araw," Napatakip ng mukha si Clarita nang maramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi.

Napangiti na lang si Gabriel at ang kanyang ina sa inasal ng dalaga na ngayo'y namumula ang magkabilang pisngi. Nang tumingin ang binata sa may pintuan ay napansin niya ang isang babaeng hindi niya inaasahang pupunta sa kanyang kaarawan. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagbalisbis ng luha sa mukha nito.

KINAKABAHAN si Estrella habang bumababa sa kalesa kasama si Rina at Cristobal na abala sa pag-alalay sa kanya. Sa labas ng bahay ay may ilang kalalakihan ang napapatingin sa dalaga habang naglalakad. Mahinhin ang kanyang pagkilos maging ang kanyang pananalita at paglalakad.

"Napakaganda mo Senorita at natutuwa naman po ako sapagkat nanumbalik na ang iyong pagkilos at pananalita," pumalakpak ng marahan si Rina at pinahid ang namumuong luha sa kanyang mata.

"Rina, mukhang effective ang aking pag-oobserba sa mga kababaihan sa bayan ng Boac. Siguro'y sa aking bihis ay mapapansin ako ng aking pakay," Tinabunan ni Estrella ang kanyang mukha at pinigilan ang pagtawa ng malakas.

"Effective?" Napakunot ng noo si Rina l habang isinusulat sa notebook ang katagang kanyang sinambit. Hindi na lang tinama ni Estrella ang pagbaybay niya ng salitang kanyang sinambit sapagkat alam niyang hindi sila nakapag-aral ng salitang Ingles.

"Ay Aba Senorita, kahit alam namin na nakasuot kami ng mga ganireng damit ay hindi po ngani kami pwede sa loob. Dito na lang po muna kami sa labas ni Rina," Yumuko ng bahagya si Cristobal pagkatapos niyang magsalita. Pilit niyang iniiwasan ang nagniningning na mata ng dalaga.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon