KABANATA XX11

33 2 3
                                    


TAKE ME BACK TO 2023

NAKAKUNOT ang noo ni Estrella habang pinapahid ang butil butil na pawis sa kaniyang noo nang makita si Julian na nakatingin sa kaniya. Narinig niya ang halakhakan at kwentuhan ng mga kalalakihan ngunit mas malakas ang tibok ng kaniyang puso. May ilan ilan ring mga babae ang sumusulyap sa kaniya ngunit hindi niya ito napapansin . Ang buong atensyon niya ay nakatuon kay Julian na nakikipagkwentuhan kay Felicia.

"Binibining Estrella, sigurado ka ba sa iyong gagawin? Marunong ka ba talagang kumanta at tumugtog ng instrumento na ya'an? Akala ko po'y totoo ang sabi sabi na wala raw pong talento ang mga apo ni Dona Teresita," nag-aalalang wika ni Ikay.

"Huwag kang mag-alala," umupo si Estrella at nilapat ang mga kamay sa ginagamit niyang piano.

Tumayo naman ang ama ni Felicia at inanyayahan ang ilang mga kalalakihan na pumunta sa bulwagan upang sumayaw. Ang ilang mga binibini ay nahihiya na tumingin sa ilang mga kalalakihan kaya tinatakip nila ang kanilang malalaking pamaypay sa kanilang mukha.

"Bakit hindi mo isayaw ang aking anak , Heneral Julian ?," nakangiting wika ng ama ni Felicia.

Tumingin si Julian kay Felicia na ilang beses na umiwas ng tingin sa kaniya.

"Kung nais po ng Binibini ay hindi ko po ito tatangihan," tumingin ang binata kay Estrella at tila nilakasan pa ang pagkasabi nito.

Pumantig ang taynga ng dalaga matapos marinig ang mga kataga ng binata ngunit hindi niya ito ipinahalata. Sa halip ay nagsimula siyang tumugtog na siya namang ikinatuwa ng ilan sa mga manood. Napaganda ng tugtog na para bang nag-iimbita sa mga magkasintahan na sumayaw.

"Ang ganda naman ng tugtog, ngayon ko lang narinig ang ganitong uri ng melodiya," wika ng isang dalaga habang bumubulong sa kaniyang kaibigan.

"Oo nga, bukod doon ay hindi ko mawari kung bakit parang malungkot ang kanta," tanong ng kaniyang kausap.

Napatigil naman sila nang dumating ang dalawang kalalakihan upang sila ay isayaw. Tinikom nila ang kanilang bibig at hindi nagpalahata na sila ay kinikilig sa sitwasyon.

"Iba talaga ang mga kantahin ng December Avenue, ngunit bakit ito ang napili kong tugtugin,?" bulong ni Estrella at ilang beses na umiling.

May ilan namang mga kababaihan ang napapatingin kay Estrella at lubusang humahanga sa kaniya.

"Pansin mo ba na napakagwapo ng Ginoo, at marunong pa siyang tumugtog," wika ng isang babae.

"Napakasuwerte naman ng babaeng kaniyang iniibig kung gayon," dagdag pa ng isang babae.

Tumayo naman si Felicia at marahang tiningnan ang paligid. Napangiti siya nang makita ang ilan sa mga kababaihang sumasayaw kaya napatingin siya kay Julian.

"Heneral, di ba sabi mo na kung nais kung hindi ako tatanggi sa iyong alok ay isasayaw mo ako,?" tanong ng Binibini. Uminit ang kaniyang pisngi habang sinasabi ito sa harap ng binata.

"Oo naman Felicia, maaari ba?" inilahad ni Julian ang kaniyang kamay at iniabot naman ito ng dalaga.

Marahan silang pumunta sa gitna ng bulwagan at ilang dipa ang layo sa kinauupuan ni Estrella. May mga pagkakataong muntik ng mamali ng piyesa si Estrella dahil ilang beses siyang napapatingin sa binata.

"Grabe naman talaga si Felcia," naiinis na wika ni Ikay habang naglalagay ng tubig sa lamesa.

Hindi niya maiwasang mainis sa sitwasyon sapagkat para siya ang nasasaktan sa mga nangyayari.Lumapit siya sa ama ni Felicia at may naisip siyang magandang gagawin.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon