KABANATA IX

39 4 1
                                    


NAGISING si Estrella sa usok na hindi niya malaman kung saan nanggaling kaya agad na bumangon siya mula sa malambot niyang kama. Natanaw niya ang pagsikat ng araw mula sa kanyang malaking bintana na nakalimutan niyang isara. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata at humakay ng ilang ulit. Tiningnan muli niya ang paligid at napansin niya ang mga antique na mga bagay na makikita sa malaki niyang kwarto. Walang aircon , Tv , Refrigerator at electric fan na kadalasan niyang makikita. Tanging ang makikita lang ay isang malaking aparador , salamin at malaking kama niyang kinahihigan.

"Naririto pa rin ako. I am so frustrated!" Ilang beses siyang napakamot ng kanyang ulo at napaubo sa naamoy niyang usok. " Ano ang nangyayari? May sunog ba!"

Mabilis na umalis si Estrella sa kama at dumungaw sa bintana upang tawagin ang ilang mga kalalakihang nagdidilig ng halaman. Matirik na ang araw at sobra siyang kinakabahan at naibsan ang kanyang pangamba nang makita si Cristobal. May dala siyang isang timbang tubig kaya agad niya itong tinawag.

"Cristobal! Tulong may sunog!," sigaw niya at agad siyang lumabas ng kanyang kwarto.

Nagmadaling tumakbo si Cristobal kasama ang ilang mga hardinero at nagmadaling kumuha ng tubig mula sa balon. Pumasok sila sa bahay at nagtagpuan nila si Estrella na tumatakbo pababa ng hagdan. Pinagmamasdan nito ang paligid at napansin niya na ang tanging nasusunog ay ang kanyang kwarto.

"Saan may sunog Senorita?" pag-aalalang tanong ni Cristobal habang pinupunasan niya ang kanyang pawis. " Ayos ka lang ba? Senorita? Nasaktan ka ba?" sunod sunod na tanong nito.

"Naku Cristobal, kung diretsuhin mo na kaya ang Senorita sa nararamdaman mo. Kung gumawi ka ay tila ikaw ang kanyang kasint-" tumigil sa pang-aalaska ang kanyang kaibigan na may hawak ng timba.

"Sebastian? Tumigil ka," napatikhim ng ilang beses si Cristobal at naging malikot ang kanyang paningin dahil sa pamumula ng kanyang mukha. "Saan may sunog Senorita?"

"Sa taas! Sa aking kwarto, magmadali kayo!" saad ni Estrella at itinuturo ang hagdan.

Nagmadaling umakyat sina Critobal, Estrella at Sebastian patungo sa kwarto kung saan naamoy nila ang usok. Sa kanilang pagpasok ay napaubo silang tatlo nang maamoy ang usok na amo'y kamangyan.

"Senorita? Mukhang nangagaling sa ilalim ng iyong kama!" nauubong wika ni Sebastian habang sinisilip ang ilalim ng kanyang kama. Sabay -sabay silang lumapit at agad na umupo si Sebastian upang silipin kung ano ang pinagmumulan ng usok.

Napansin niya ang ilang piraso ng bunot na patuloy sa ilalim ng kama ng dalaga. Inalis niya ito at agad na ipinakita kay Estrella kung ano ang pinagmumulan ng usok.

"Naku! Tap-ong lang pala ito Senorita!" nakangiting wika ni Cristobal habang inaalis ang mga bunot. "Baka naman , naglagay ng bunot sa ilalim ng kama mo dahil malamok talaga dito ay."

"Malamok? Teka alam ko y'an dahil ginagawa rin ito ni Dad dati dahil mas effective raw ito kaysa sa katol. I just wondered who put this under my bed while I am sleeping. "

"Mandin! Senorita , Siguro nga pero ano po ba yong under my bed?" Nagdadalawang isip na sagot ng binata dahil hindi niya magawang maintindihan ang tugon sa kanya ni Estrella.

Kumunot ang kanyang noo Cristobal dahilan kung bakit napatapik na lang ng noo ang dalaga sapagkat naalala niya na nasa ibang panahon siya.Nakalimutan niyang hindi siya lubusang maiintindihan ng kanyang mga tao na kinakausap.

"Kung gayon ! Sino kaya ang naglagay nito dito?" pagtataka niyang tanong.

"Senorita!" nagmamadaling pumasok si Isabel sa loob ng kwarto at may bitbit siyang dalawang bayong na may lamang isda at gulay. Kanya namang ibinaba ang kanyang pinamili at sinensyasan si Sebastian na ilabas na ang ilang piraso ng bunot na umuusok. " Buti na lang at sila'y nakaalis. Mukhang ikinatuwa pa ni Marites na lagyan ng bunot ang ilalim ng y'ong kama dahil sa utos ng y'ong lola. Paumanhin po at nakalimutan po kitang gisingin ng maaga dahil sa aking pinamili."

"Utos? Bakit naman niya nagawang lagyan ng bunot ang ilalim ng aking kama?'

Napakunot ng noo si Isabel at nagtataka sa reaksyon ni Estrella.

"Hindi mo ba natatandaan Senorita na laging ginagawa ito ng y'ong lola kapag natatanghali ka ng gising?" pagtatakang tanong ni Isabel. "Napag-utusan niya si Marites na maglagay ng bunot bago pa man umalis sila at tumulong bilang hermana sa nalalapit na p'yesta ng Amoingon. Isinama niya ang y'ong Ate sapagkat wala raw itong magawa sa dito sa Laylay." paliwanang ni Isabel.

Napaisip lalo si Estrella sapagkat hindi niya akalain na masyadong malupit sa pagdidisiplina sa kanya ang kanyang lola. Bukod pa rito ay alam niyang hindi dumadalo ang kanyang lola sa mga p'yesta dahil sa kanyang paniniwala. Hindi rin niya lubusang maisip na si Clarita pa ang kanyang sinama.

"Sa lahat ng kanyang apo ay ako ang madalas niyang isama sa galaan pero bakit ganoon?" pabulong niyang wika.

"Sapagkat anak k—" napatakip ng bibig si Isabel habang tinitingnan ang malungkot na mukha ng dalaga. " Senorita, nilabhan ko na rin po ang damit ni Heneral Tinio . Kanya pang sinabi na kapag lumabas pa kayo ng inyong kwarto sa dis-oras ng gabi ay ikukulong ka na niya."

"Ikukulong? Teka ano ba ang nangyari kagabi?" naramdaman ni Estrella ang pagkirot ng kanyang sintido. Napaupo siya sa kama at kumuha siya ng pamaypay. Pilit niyang inaalala ang nangyari.

" Hindi mo ba natatandaan ? Di ba sinukahan niyo pa po Senorita si Heneral Tinio?' paliwanang ni Isabel.

Napalunok ng ilang beses ni Estrella nang maalalala niya ang ginawa niya kahapon. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at bumuntong hininga ng ilagn beses.

"Girl ! Oh my ! naalala ko na ang lahat! Nagawa ko pang singahan ang suot niyang damit!" namumulang wika ni Estrella at nararamdaman niya. "Ano pa ang nangyari? Si Tinio ba talaga y'on ! Gosh! Bakit ba kasi sa lahat ng lalaki ay siya pa ang nakakita sa akin."

"Ay , aalis na po muna ako Senorita." nagmadaling lumabas si Cristobal at nagtaka naman ang dalawa sa inasal ng binata. Mukhang malungkot ito at ilang ulit na nagbuntong hininga.

"Anong nangyari roon?" pabulong niyang wika.

"Mamaya ko na Senorita kakausapin si Cristobal sapagkat may marapat ka pang malaman." Lumapit si Isabel kay Estrella at hininaan ang paraan ng kanyang pananalita. "Pagkatapos niyo pong sukahan si Ginoo ay binalak ko pong pumunta sa bahay ni Cristobal. Ilang ulit po akong lumingon noon at nagulat po ako sa inyong ginawa!.

"Ano ang aking ginawa Isabel!" napasabunot si Estrella .

"Itinaas niyo po ang inyong palda hanggang sa inyong binti! Kahit ako ay nagulat sa inyong ginawa sapagkat sa aking pakiwari ay naalarma na rin ang Heneral! Sa aking pakiwari ay ikaw lang po ang gumawa noon sa harap ng Heneral dahil sa kanyang reaksyon.Buti nga po at walang nakakita sapagkat sa aking palagay ay mabilis kakalat ang balita."

Napalunok ng ilang beses si Estrella dahil sa kanyang palagay ay hindi normal makakita ang mga kalalakihan ng sakong o binti ng dalaga. Napahiga siya sa kama at sinabunutan ng bahagya ang sarili dahil sa mga kakahiyan niyang ginawa sa harap ng binata. Bukod pa rito ay kanyang ikinatakot ay hulihin na siya ng Heneral dahil sa kanyang mga ginawa.

"Senorita, huwag po kayong mag-alala dahil nakakasiguro ako na walang nakakita sa inyong dalawa."

"Girl ! Kailangang makaisip ako ng gagawin ko para manahimik siya. Ano kayang magandang ipeace offering girl!" tanong ng dalaga.

"Girl? Peace offering? Ano y'on ? regalo po ba?" tanong ni Isabel.

"Kailangang maibalik ko na ang kanyang damit at mabayaran ko na rin ang kanyang utang." determinado niyang wika lalo na at natatakot siyang hulihin at dalhin sa prisinto.."Isabel? napansin mo ba ang wallet ko ay este kalupi ba y'on?"

"May utang ka po ba kay Heneral?" pagtatakang tanong ni Isabel kaya agad na sinensyasan niya ito na huwag mag-ingay.

"Tulungan mo na lang akong hanapin ang kalupi o pitaka!" saad niya rito.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon