KABANATA 35

21 1 2
                                    


MALALIM na ang gabi nang hinatid ni Isagani si Estrella at Ikay sa bahay ni Senorita Teresita. Hinayaan na nilang magpahinga si Julian at hindi na nagawang makausap pa sapagkat natutulog ito ng mahimbing. Sumilip si Estrella sa kalesa at nakita ang liwanag ng buwan na nagbibigay kulay sa malawak na lupain ng kanyang pamilya. Mayroon ring malawak na bakawan na natatanaw si Estrella mula sa hindi kalayuan at iba't ibang klaseng mga puno. Nasisilungan ito ng mga naglalakihang at pinamamahayan ng mga alitaptap.

"Sariwang hangin at tahimik na mundo. Napakaganda talagang mamuhay sa nakaraan," nakangiting wika ni Estrella habang nararamdaman niya ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat.

Natanaw niya ang malaking lumang bahay na mayroong dalawang palapag. Ang baba nito'y nakagarahe ang ilang kalesa at ilang sako ng palay at niyog na inaayos ng tabi ng ilan niyang trabahador.

Tumigil ang kalesa sa tapat ng kaniyang bahay at napangiti naman ang ilang mga tauahan nang makita si Estrella.

"Hindi ka ba nagtataka kung saan galing ang sugat ng aking kapatid at kung bakit hindi ka niya agad hinanap? ," seryosong wika ni Isagani kay Estrella.

"Sa labanan ba niya ito natamo?" tanong ni Estrella.

Umiling nang marahan si Isagani habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Estrella. Hindi niya malaman kung paano niya sisimulan ang kuwento. Napabuntong hininga siya nang ilang beses bago tumingin muli sa dalaga.

"Ilang araw matapos ang nasabing labanan ay natagpuan niyang si Cristobal ay nakikiusap na sumakay sa pribadong barko upang magtungo sa Mindoro. Hindi pinapayagan ito ng may-ari ng barko sa kadahilanang hindi kilalang tao si Cristobal. Agad namang namagitan ang aking kapatid at sinabi na kakilala niya si Cristobal." Nakatingin si Isagani sa dalaga na puno ng katanungan ngunit nakikita niya ang pagsilay ng munting ngiti mula rito.

"Salamat naman at walang nangyari sa kanya," pabulong niyang wika at tumango kay Ginoo bilang senyales na ipagpatuloy nito ang kaniyang kuwento.

Tahimik namang nakatulog na si Ikay na humihilik habang nakasandal sa balikat ng dalaga.

"Ano ba ang dahilan kung bakit gustong pumunta ni Cristobal sa Mindoro?," nagtatakang tanong ng dalaga sapagkat wala namang kamag-anak doon ang binata.

"Sa kagustuhan niyang mahanap roon si Isabel,"maikling sagot niya.

"Si Isabel? Ngunit paano? Hindi ba kasama niya ang kanyang ina sa Maynila? Hindi ko lang malaman kung saang parte nang Maynila kaya sinamahan ako ni Ikay para hanapin ang babaeng nagbenta sa kanya. Wala rin kaming sapat na pera para hanapin ang aking kaibigan kaya ginagawa naman ang lahat para makalikom ng pera. Nagkita ba sila? Nakita ba nila ang aking kaibigan," nalulungkot na wika ni Estrella.

"Nahanap ni Cristobal ang babae na naging katulong niyo at sinabi ang katotohanang nasa Mindoro nga si Isabel at ang kaniyang ina. Sumama ang aking kapatid upang tulungan si Cristobal na hanapin si Isabel. Ilang linggong wala akong naging balita sa kaniya. Binilin ka sa akin na puntahan ka roon ngunit hindi ko magawang iwanan ang aking asawa sapagkat naging sensitibo ang kaniyang pagbubuntis," pagpapaliwanag ni Cristobal.

"Nasaan na ang aking kaibigan?Puntahan natin siya," nakangiting wika ni Estrella.

Umiwas nang tingin si Isagani habang kumukuha ng panyo upang pahiran ang kaniyang noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon