CHAPTER 34

32 2 1
                                    


Hindi mapigilan ni Estrella ang kaniyang sarili na humakbang sa ilog. Naramdaman niya ang lamig ng umaagos na tubig sa kaniyang paanan habang pinagmamasdan ang pintuan sa gitna ng ilog. Malaki ang pintuan na may nakalilok na isang imahen ng isang lalaki na mayroong pakpak. Nakalutang ang pintuan hanggang unti unti itong bumubukas at agad namang napatakip si Estrella sa kaniyang mukha.

"Sige na Estrella, sumama ka na sa akin para makabalik ka na sa kasalukuyan," wika ng lalaki na umaakay kay Estrella.

Napangiti si Estrella ngunit tila mabigat ang kaniyang puso sa kadahilanang may narinig siyang isang pamilyar na boses.

NANLAKI ang mga mata ni Julian nang makita si Estrella na tila walang ulirat na lumalakad sa ilog. Agad itong bumaba sa hagdan at patakbong sinisigaw ang pangalan ni Estrella. Butil butil na pawis ang tumutulo sa kaniyang noo nang makitang halos kalahati na nang katawan ni Estrella ang nakalubog sa tubig. Pilit pa rin itong lumalayo sa pangpang at tila may inaabot sa gitna ng ilog.

"Nahihibang ka na talaga Estrella," paasik na wika ni Julian na walang alinlangang nilusong ang tubig upang abutin ang kamay ni Estrella. Walang pakialam ito kung mabasa ang kaniyang uniporme habang ilang beses na napakagat sa kaniyang labi dahil sa mga sugat na natamo niya sa laban. Kumikirot ito habang naglalakad siya papalapit sa dalaga na wala na ngayon sa katinuan.

"Estrella, anong kahibangan ang nais mong gawin,"nag-aalalang wika ni Julian nang mahawakan nito ang kaniyang kamay at agad nitong hinila ang dalaga papalapit sa kaniya.

Napabitaw ang lalaki na nagbabalat anyo na si Miguel at agad nagbago ang kaniyang anyo. Naglabasan ang kaniyang malalaking pangil na puno ng dugo. Ang maganda niyang pakpak ay naging kulay itim at nagmadali siyang lumipad nang makita si Miguel.

"Logan, hindi pa tayo tapos magtuos," wika ni Miguel kasama ang ilan pang mga anghel na napanggap na bata upang tulungan si Julian.

Nawala ang malaking pintuan at nakita ni Estrella ang pagbabagong anyo ng lalaki. Natagpuan niya ang kaniyang sarili na malapit ng lumubog sa rumaragasang tubig. Sa takot ay nagmadali itong umurong at sa hindi inaasahan ay narinig ni Estrella ang pamilyar na boses na ilang ulit na nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso.

"Julian?Anong ginagawa mo rito," napailing ng ilang beses si Estrella habang tinatapik ang kaniyang mukha dahil hindi niya akalaing matatagpuan niya ang binata. Ang mga mata nito'y tila nangungusap habang hinahawakan ang mukha ng dalaga

"Julian," napaiwas ng tingin si Estrella dahil naramdaman niya ang ilang ulit na pagkabog ng kaniyang puso. Sa hindi inaasahan ay naramdaman niya ang mainit na yakap ng binata at ang paghalik nito sa kaniyang noo.

Nagpakawala si Estrella nang isang malalim na buntong hininga ng halikan siya ng binata. Nakaramdam siya ng tila kuryenteng dumaloy sa kaniyang puso na lalong nagpabilis ng tibok nito.

"Akala ko'y hindi na kita makikita. Natakot ako Estrella nang makita kitang tila nakikipaglaro sa rumaragasang tubig,Ano bang rason kung bakit ka nagpunta rito? Bakit ba kapag may problema'y parang gusto mo ng tapusin ang iyong buhay? Naniniwala ka pa ba sa Diyos?" paasik na wika ng binata at ang mga mata nito'y nakatingin sa kanya na naghananap ng kasagutan. Napansin rin ni Estrella ang panginig ng boses nito at ang nanlalamig na kamay ng binata na nakahawak pa rin sa kaniya.

Halos maging estatwa si Estrella sa kaniyang kinatatayuan lalo na nang mapasandal ang dalaga sa dibdib ng binata. Naririnig nito ang mabilis na pintig ng puso ng binata na parang isang magandang musika.

"Bakit mo ako sinundan? Baka mayroong naghahanap sa'yo,"inis na wika ni Estrella at agad itong kumawala sa pagkayakap ng binata. Mabilis itong umahon sa ilog upang lumayo sa binata.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon