MASAMANG PAGKIKITA

2 0 0
                                    


"Babe!. Kailan ba tayo magkikita?. Gustong-gusto na kitang makita" sabi ko sa kabilang linya

Yes! I have a girlfriend named Angeline. But I call her Angel/ babe. Nakilala ko lang siya sa Facebook nung magsimula ang pandemya

Palagi kaming nagcha-chat. Nung una ay magkaibigan pa lang kami. Pero habang tumatagal ay nanligaw na ako sa kaniya

1 month ng panliligaw ko ay sinagot naman niya ako. Masaya kaming nag-uusap araw-araw sa pamamagitan ng telepono

6 months na kaming magjowa ni Angel. At this time! Gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Ang saya-saya ko nga nung nabalitaan ko na puwede na lumabas ang 16+. 18 pa kasi ako

Kahit sa boundary lang ng probinsiya namin at sa kanila ay papayag na lang ako. Basta makita lang siya. Magkatabi lang kasi ang probinsiya namin at sa kanila

Kahit na hindi ko siya mahawakan, mayakap. Basta makita ko lang siya in the first time ay masaya na ako

"Ako din babe eh! Gustong-gusto na din kita makita" maligayang sagot niya

"Bukas!?. Ok lang ba?. Hindi ka ba busy bukas?"

"Ok babe. Hindi naman ako busy bukas. Tapos na rin ako sa mga modules ko. Bukas ah!?"
Halata sa tono niya ang excited

"Sige babe. Kahit sa boundary lang, payag na ako" sagot ko

"Sige sige babe ba-bye!!. Love you!!. Matutulog na ako!!. Kita-kits bukas ah!!"

"Sige babe!. Love you din!!. Good nyt!. Sweet dreams!" aniko at binabaan na siya ng tawag

May ngiti sa labi akong humiga sa kama. Matutulog naman akong masaya ngayon. Sobrang excited ko talaga
Sa wakas!. Magkikita na rin kami. Sana hindi siya mabago pagnakita ako
..at ipinikit na ang mga mata ko..

~KINABUKASAN~

Sobrang saya ko talaga sa araw na toh!. Kahit sa pagligo ko ay nakangiti ako. Sobrang excited ako eh!

"Ang gwapo naman ng anak ko!. Sa'n ang punta mo?" Puri agad sa akin ni mama paglabas ko sa kuwarto

"Kailangan po talaga ma!. Magkikita kami ng girlfriend ko ngayon eh!" Nakangiting sagot ko sa kaniya

"Talaga anak?. Ipakilala mo siya sa akin ha?!"

"Sa susunod po, pa'g wala ng pandemya. Pramis ko po sa inyo na ipakilala ko siya sa inyo" ani ko at niyakap si mama

"Ang sweet mo talaga anak!!"

Ilang sandali pa ay lumabas ang kontrabida kong kuya sa silid niya at masamang tumingin sa akin

"Anak Rejay!. Alam mo bang magkikita ang kapatid mo at ang girlfriend niya ngayon??" Sabi ni mama kay kuya. Alam ko na ang isasagot niya

"Pake ko ma?"
Tama ako. Yan na man siya palagi sa akin eh!.

Parang hindi kami magkaptid. Aw!!. Actually, hindi talaga. Anak kasi ako sa ikalawang Asawa ni mama

Ang una kasi niyang asawa ay namatay dahil kay papa. Hindi niya kinaya sa sobrang sakit. Kaya nagpakamatay siya.

Namatay din si papa year ago na ang ang nakalipas
Kaya ngayon!. Ako ang sinisisi ni kuya Rejay. Naiintindihan ko naman siya eh!. May galit pa siguro sa puso niya

"Alam ko naman na hihiwalayan agad siya ng girlfriend niya. Tingnan mo nga yang itsura niya ma?!!. PANGIT" Diniin pa niya ang masakit na salita na yan at bumalik sa ginagawa niya

Oo pangit ako. Maitim pa. Nasa akin na ata ang lahat. Sana nga ay hindi magbabago si Angel. Pag nakita niya ako

"Rejay!!. Huwag mo namang ganyanin ang kapatid mo!!" Singhal ni mama kay kuya.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon