"AKALA KO NILOLOKO NIYA AKO"

0 0 0
                                    

"Bye babe, papasok na ako sa trabaho" sambit ni Kyle, boyfriend ko at hahalikan na niya sana ako ng lumayo ako

"Anong problema liya?" Tanong niya at umupo sa upuan sa harap ko

"Ano ba talaga ang trabaho mo ah?! Karapatan kong malaman Kyle dahil AKO ANG GIRLFRIEND MO!" naka crossed-arm kong sambit at diniinan pa ang salitang yan.

Hindi naman ito sumagot, bagkus ay ngumiti lang.

Tumayo ulit siya at nahalikan na niya ang noo ko.

"I always love you babe!" Nakangiti niyang sambit tapos ay naglakad na siya palabas

"BABE! SABIHIN MO SA AKIN!" patayo ko pang sigaw

Lumingon naman ito ulit sa akin at nakangiti pa sin siya "NEXT TIME NA LANG BABE!"Tas ay nakalabas na nga siya

Napaupo na lang ako ulit dito.

May tiwala naman ako kay Kyle. Sa almost 3 years naming pagsasama ay ngayon pa ako mawawalan ng tiwala?

He's so responsible man. He's so sweet boyfriend, caring and etc.

Sa almost 3 years din naming pagsasama ay hindi ko pa nakitang uminom siya o nagpakalasing. Wala talaga siyang bisyo! Kaya ayun! Inlove na inlove ako sa kaniya.

____________________

Kasama ko ngayon ang mga naging kaibigan ko na sa call center. Nagla-lunch. Nagsa-summer job muna ako dito sa kompanyang ito.

It's April din naman kaya wala munang mga summer classes. Paa na din makapag-ipon-ipon na ako. Dahil next April? Ga-graduate na si me!!!!

"Ay liya! May sasabihin ako sayo! Huwag kang magagalit ah?!" Biglang sambit ng bakla kong kaibigan

"Ano naman yun?"

Nagkatinginan naman silang tatlo

"Ilang beses na kasi naming may kasamang ibang babae sa Kyle" aniya na ikonanoot ng noo ko

"Kasamang babae? Baka friend lang niya! Kayo talaga!"

"Girl! Iba't ibang babae ang kasama niya!"

"At mas maganda, mas sexy, KEYSA SAYO!"

"Ano ba kayo! Baka ano lang niya iyon! Malaki ang tiwala ko kay Kyle!" Medyo palabiro ko pang sambit pero deep inside... Unti nang nadudurig ang puso ko

"Ikaw bahala! Basta sinabihan ka namin ah?!"

---

"Btaw liya, nakahanap ka na ng pera para sa enrollment?"

"Hindi pa nga e. Yung ipon ko, kulang pa" sagot ko

"Kung wala pa talaga liya, papahiramin kita. Nagpadala si mama ng pera para sa akin at sobra-"

"Huwag ba bakla. Para sayo yun at hindi para sa akin. Ayoko ng ganyan!" Pagtanggi ko pa

"Ok. Ikaw bahala"

___________________

"Bye babe"

Hindi na ako sumagot dahil nahalikan na niya ako sa noo gaya lang ng ginagawa niya araw-araw.

Paglabas niya ay agad na akong naghanda. Nagdesisyon na ako na this time,susundan ko na siya.

May sinend na poc ang isa kong co-office mate kahapon. At yung pic na yun ay si Kyle kasama ang magandang babae.

'Humanda ka sa akin Kyle! Papatayin talag kita kapag nalaman kong niloloko mo lang ako!'

(Smirk)

____________________

Sinundan ko lang siya ng sinundan kanina. Hanggang sa natatanaw ko siyang pumasok sa isang.......

'Mini shop? May mga bags, shoes, dresses ans etc'

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. Isang fb friend lang, nagla-live sa fb. Weyt.... Nasa loob sila ng mini shop na yun!

Oo sila dahil maraming tao. Tapos ay nasa harapan nila si Kyle na nagsasalita. Tapos ang caption ay "Bili na kayo dito! Ang gwapo ni kuya!"

Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako don habang pinapanood ang live

"Good morning everyone. Im glad dahil bumalik ang iba sa inyo dito. Natatandaan ko pa talaga ang mga magaganda niyong mukha. At yung mga bago, let me introduce to you the 'Kyle's always happy serving camp! Always happy ah? Kapag nakatapak talaga kayo dito ay mapapangiti agad kayo! Diba? Diba?" Masiglang-masiglang sambit niya sabay turo pa sa mga tao

"Kung may nakita talaga akong nakasimangot, papaalisin ko talaga!..... JOWK LANG! so meron kaming mga magagandang dresses sa left side niyo. At sure na sure akong bagay na bagay yan sa inyo! Meron din kaming mga shoes na tiyak na magugustuhan niyo! At kung hanap niyo ay pampaganda? Its on the-" naputol ang sasabihin niya ng makita ako

"Liya? BABE!"

Napatingin ako sa mga tao dahil tumingin ito sa akin. May nag video pa ang iba

'Wala akong kasalanan diba?'

"Ok guys! Mamili na kayo!" Nagsialisan naman ang mga tao

Pinuntahan agad ako ni Kyle at dinala niya ako dito sa.... BASTA! kami lang ang tao

"Surprise babe! Alam ko namang sumunod ka sa akin"masigla at nakangiti pa niyang sambit

"Surprise surprise ka diyan! Nakakagulat talaga ah?!..... Ano otong lahat babe? Bakit... Bat.... Ito ba yung trabaho mo?"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko

"Easy Liya. Okay, magkwekwento na ako.... Kay Tita, kapatid ni mama. Siya talaga ang may-ari neto. Tinulungan ko lang siya dahil kailangan niya ng tulong ko. Sobrang brank krupt na kasi ng store niya at gusto niyang patayuin ulit ito. Sabi din ni Tita, sayang raw ang kagwapuhan kong ito kung hindi ko irarampa sa maraming tao" aniya na parang okay lang sa kaniya

"So, ginagamit ka lang niya paa mapatayo ulit ang negosyo niya?"

"Huwag kang mag-alala babe. Malaki ang ibinibigay sa akin ni Tita. At gusto niya ulit itong mapatayo, dahil bago siya mawala sa mundong ito, gusto niya ulit makita na maganda ang negosyong sinimulan niya"

"Pumayag ka naman?" tanong ko

"Oo. Dahil gusto kitang tulungan sa pampaaral mo. Hindi madali bilang college student. Lalo na't graduating ka na! Naranasan ko na yan dati!"

Napangiti na lamang ako. Hindi ko akalaing ganito eh!

"At babe. Nakita ko yung pic na sinend ng bakla mong kaibigan sayo. Kaya paiba-iba ang babaeng kasama ko kasi..... Ini-invite ko silang bumili sa store na ito"

"Akala ko niloloko mo na ako? Nambabae ka na?"

Hinawakan niya ang pisngi ko "Bat ko naman yan gagawin sayo? Hinding-hindi kita magawang lokohin babe. Sabi nga nila diba? Kung naramdaman mong siya na ang pang habambuhay mo ay huwag mo nang papakawalan pa. At nakita ko yan sayo. Ikaw ang panghabambuhay ko Liya"

Puwede ba umiyak? Dahil iiyak na talaga ako! Now na.

Wala akong ibang nagawa kundi niyakap ko na lang siya ng sobrang higpit

"Ikaw din ang panghabambuhay ko Kyle. Mahal na mahal kita"

"Mas mahal na mahal kita Liya"

Hinarap ko ulit siya.

And then hinalikan niya ako....

~~END~~

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon