Hanggang Tingin na Lang

0 0 0
                                    


"Harry, do you take Sheria to be your wife. At makakasama mo sa habambuhay?"

"I do" bulong ko sa hangin at tiningnan ang babaeng pinakamamahal ko sa harap ng altar sa loob ng simbahan

Yes!. Nandito ako sa pinto ng simbahan na nakasandal. Habang tinitingnan ang pag-iisang dibdib kay Sheria ang babaeng pinakamamahal ko

Ang lalaking nasa harap niya ay si Harry, kaibigan ko. Samantalang ako ay si Harvy

One week na lang sana at ikakasal na kami. Pero we got an accident. Nabangga kami sa 8 wheel truck

Na-comatose ako ng 4 months. Samantalang siya ay nagka-amnesia

Pagkagising ko pa nga'y dali-dali ko siyang pinuntahan sa condo niya. Kahit naka hospital gown pa ako

Pero pagdating ko sa condo niya ay....

Huli na ako..

Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Ng pagdating ko sa condo niya ay may sorpresang nakahanda

Pagpasok ko talaga ay siyang pagsabi ni Shiera ng "Yes". Habang ang lalaking nasa harap niya ay si Harry. Pinaka-close kong kaibigan. Na tinuturing ko nang kapatid

'Don ko din narealize na..

4 months!!..Na wala akong kaalam-alam habang natutulog ako. Pinagtataksilan ako ng kaibigan ko. Sobrang sakit talaga

Muntik ko nga siyang mapatay noon. Binugbog ko siya ng binugbog. Sinaktan ng sinaktan. Gaya ng sakit na nararamdaman ko. Buti nalang may pumigil sa akin. Kung 'di napatay ko na talaga siya

Months passed...

Sobrang sakit parin ng naramdaman ko. One day, Nabalitaan ko na lang na ikakasal na pala sila. Invited pa ako

Nakipagbati na lang ako sa kanilang dalawa at humingi ng patawad. Pinatawad naman nila ako. Kahit na, labag sa loob ko

Tinanggap ko na lang na hindi na talaga babalik ang dating Shiera. Babaeng pinakamamahal ko, at mahal din ako

Kahit sobrang sakit parin isipin na hanggang alaala na lang lahat ang masasayang araw na magkasama kami. Kahit gusto kong balikan ang alaalang 'yun

Wala eh! Wala na talaga

"Harvy?? Iho??" Nabalik ako sa realid dahil sa tinig na 'yun. Agad ko itong nilingon

"Harvy nga!!. Anong ginagawa mo dito sa labas ng simbahan??. Bakit ayaw mong pumasok??"

Si Tita lang pala. Mama ni Shiera

"Masasaktan lang ako dun pa'g pumasok ako. Kahit nga dito sa labas, sobrang sakit parin" bulong ko

"Ha?? Anong sabi mo??"

"Wla po Tita. Ang sabi ko po, okay lang ako dito. Huwag niyo po ako aalahanin. Eh kayo po?? Ano po'ng ginagawa niyo dito?? E diba?, dapat nasa loob kayo??"

"Alam mo naman na hindi ako boto diyang kay Harry diba??. Ikaw ang gusto ko, para sa anak ko. Ewan ko ba diyang kay Shie!."

"Kung hindi sana kayo naaksidente at nagkaroon siya ng amnesia ay sana ikaw na yung--" hindi ko na siya pinatapos magsalita ng magsalita ako

Masakit lang kasi ibalik ang nakaraan na alam mo namang hindi na maibabalik

"Stop Tita!. Past is past!. Tanggapin na lang natin na, hanggang alaala na lang lahat ng 'yun"

"Tama ka, alaala na lang lahat. Alam kong nasasaktan ka pa Harvy. Naiintindihan kita. Nandito lang ako ha? Nandito lang kami!?"

Tutulo na sana ang luha ko, pero pinigilan o ito. Ayaw kong makita ni Tita na umiiyak ako sa harapan niya

"Sge iho, pasok na ako. Baka hahanapin na ako nila. Sana makikita kita sa reception mamaya"

"Opo!. Nandon po ako!" Luhh!! Ba't ko sinabi 'yun

Ngumiti muna ako kay Tita bago siya tuluyang pumasok sa simbahan

"I pronounce you, husband and wife!. You may now kiss the bride!"

Tumulo na talaga ang luha ko

'Ako ang dapat na nandiyan eh!. Ako dapat ang groom at hindi ang  kaibigan ko. Ako dapat!. Si Harvy at hindi si Harry'

Umalis na ako 'don. Hindi ko talaga kakayanin. At isa pa, baka makita pa nilang umiiyak ako

________

"Grabe Tito, nakakaiyak naman po!. Bat ganun po!!"

Napatingin ako kay Hara at Shery. Ang kambal.16 years old na sila

16 years na din 'yung nakalipas...

"Ganun, talaga sa pagmamahal. Kailangan mong magpaubaya kahit, masakit"

Tumulo na pala ang luha ko. Pinunsan ko ito kaagad

"Kahit hindi niyo po sasabihin Tito, alam kong masakit pa din sa inyo. Kitang-kita po sa mga mata niyo"

"E, Tito?. Bakit hindi po kayo nagmahal ulit?" tanong ni Hara

"Sinubukan ko, pero wala talaga eh. Hindi na talaga siya titibok sa, sino man"

"Tito!. Bakit hindi kayo naghiganti??. Kung ako? Maghihiganti talaga ako!"

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaniya

"Masama yan. Kailangan talagang tanggapin natin!, na wala na talaga.Alam niyo. Totoo nga 'yung sabi nila, Pinagtagpo pero di tinadhana"

"Pero alam niyo 'yung pinakamasakit??"

"Ano po??" sabay na sabi nila

"'Yung plano lang pala lahat"

"Ano po??"

"Luhh, bakit??"

"Ang dami ko nang nasabi sa inyo ah!. O siya! Bukas nanaman. Umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng magulang niyo. Hindi pa man alam 'nun na bumisita kayo sa akin!"

Nagsitayuan naman ang dalawa..

"Sge po Tito. Basta bukas ipagpatuloy niyo ha?. Promise!??"

"Promise!!" aniko

"Bye Tito!!" ani Shery at kumaway sa akin si Hara din

"Bye!! Kambal. Ingat kayo!!"

"Kayo din po!"

At umalis na nga sila..

Pagkaalis nila ay sinirado ko kaagad ang pinto at 'dun na tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan

Gustong-gusto ko mang sabihin sa kanila na ang nanakit sa akin, ay walang iba, kundi
.
.
.
.
Ang mga magulang nila na sina Harley not Harry. Shiela not Shiera

Oo! Sila ang kambal na anak nila

At 'yung sinabi ko kanina? Na plano lang lahat?. Ay........
.
.
.
.
.

.

.
.
Totoo

___________

END.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon