"PARA SAYO MA"

1 0 0
                                    


Buong confidence akong naglakad habang nakasabit sa bisig ko ang damit na susuotin ko mamaya.

Habang naglalakad, agaw pansin ko ang isang estudyante at parang nag-aaway ito ng mama niya.

"Hanggang dito ba sa school ma susundan mo'ko?!"

"Anak, naghatid lang naman ako ng pagkain mo para mamaya"

"Akin na yan!"

Nakita ko naman ang pagkalungkot sa mukha ng mama niya.

"Umalis ka na Ma! Baka makita ka pa ng mga kaklase ko't ano pa ang sabihin ng mga yun! Mama ko pala ay isang matanda na at-"

Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil sinampal siya ng kaniyang ina.

Maging ako magalit. Hindi ko mapigilang mangunot ang noo pero... Nagawa ko din ito noon sa mama ko. Nasabihan ko siya ng ganung bagay at mga masasakit pang salita.

Pero nagbago lahat ng yun simula nung...

(****FLASHBACK****)

"Pre diba mama yun?" May tinuro naman siya at tiningnan ko. "Bakit niya yan ginagawa?"

'Mama' Naghihikayat siya sa mga taong dumadaan na bumili sa mga ibenta niya.

Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang hirap na at pagod.

"Maam Sir bili na po kayo! Pang tuition lang po ng anak ko sa next semester nila!"

Napabuntong hininga ako.

"Tara na. Marami pa tayong gagawin"

_____

Napadaan ulit kami dito dahil dito naman talaga ang dadaanan namin.

Pagtingin ko sa mama ko, parang katatapos lang ata niya. Binibilang niya ang pera niya at napapangiti ito.

Ilang sandali pa'y, medyo naalarma ako dahil humawak ito sa ulo niya at parang may masakit. Hanggang sa laking gulat ko na lang dahil natumba siya

(****END OF FLASHBACK****)

Pagkatapos kong makita ang araw-araw niyang pagsisikap, pagtiya-tiyaga, mga hirap, pagod at sakit ay nabuhayan ako ng loob at napapaiyak na lamang.

Humingi agad ako ng tawad sa kaniya at laking pasasalama't ko't tinanggap niya. Ang swerte ko sa mama ko.

Pinahidan ko muna ang luha kong di ko namalayang tumulo at nagpatuloy na sa paglalakad.

.....FAST FORWARD.....

Oras na para ibigay ko ang speech ko.

Tiningnan ko muna ang gawi ni mama, na nasa gilid ko lang at ngumiti lang ito sa akin kaya ningitian ko din ito pabalik.

Tapos ay naglakad na ako papuntang stage.....

Nakatayo na ako sa harapan ng lahat. Muli kong tiningnan si mama at ang laki ng ngiti niya na nagpapangiti din sa akin.

"A pleasant good morning to everyone. Siguro maraming nagtataka ngayon kung bakit ako ang naging valedictorian ng batch na ito. Eh bulakbol naman akong estudyante, laging nag-cutting classes at iba pa.... Alam niyo kung bakit nandito ako ngayon't nakatayo sa inyong harapan?... Dahil sa tatlong PA. Pagbabago, pagtiya-tiyaga at pagsisikap"

"Pagbabago sa aking sarili, pagtiya-tiyaga sa mga gawain at pagsisikap sa lahat ng bagay gaya ng aking ina. Kahit sobrang bigat na, sakit at pagod, patuloy pa rin siyang kumakayod para sa nag-iisa niyang anak. Para sa akin"

"Kaya natanong ko noon.. "Ang sama ko palang anak noh?" Hindi ko nakita ang kaniyang paghihirap para lang may makakain kami, maibibigay niya ang kailangan ko at mababayaran niya ang lahat ng gastusin sa paaralang ito!... Kaya't sabi ko sa sarili ko, magbabago ako, mag-aaral na ako kaya't andito ako ngayon sa harapan niyo"

"Mama" tumingin ako sa gawi niya habang luhaan "Aking tanging ina. Para sayo po ang medalyang ito!" itinaas ko ang hawak ko "Ikaw yung tanging inang, maipagmamalaki ko sa buong mundo!"

Ilang sandali pa'y, unti-unti ko na itong ibinaba tapos ay pinunasan ko ang aking mga luha.

Nakarinig naman ako ng sunod-sunod na palakpakan kaya napatingin ulit ako sa harapan.

.........~END~............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon