UNTITLED

1 0 0
                                    


Naglalakad kami ng anak ko pauwi na sana sa bahay ng bigla siyang huminto at nagsalita.

"Tay! Ang ganda nun po oh!" Napalingon ako sa kaniya at tiningnan ang tinuro niya

Isang shop. At yung tinuro ng anak ko ay isang mamayaning tsinelas. Nakikita lang namin kasi glass

"Bilhan niyo po ako ng ganyan Tay!"

Napalunok ako 'Wala kaming pera. Kapos na kapos kami dahil isa lang akong construction worker'

"Bibilhan kita anak kapag medyo nagkaluwag-luwag tayo. Pangako ko yan sayo!" Saad ko at ngumiti na lamang

"Puwedeng huwag na lang po Tay. Naiintindihan ko naman po" naging malungkot ang mukha niya

May sakit sa pag-iisip ang anak ko kaya gagawin ko lahat para maging masaya lang siya.

******

Masaya at nakangiti akong pumasok sa store kung saan nagustuhan ng anak ko yung tsinelas.

Natanggap ko kanina ang aking Christmas Bunos kaya may ipambili na ako sa kagustuhan ng anak ko.

Agad naman akong umuwi nung nabili ko na yung tsinelas tsaka bumili na din ako para sa aming noche buena bukas

Habang naglalakad ako ay may nakita akong mga tao na nagkukumpulan. Parang may kakaibang nangyari...

Naghanap talaga ako ng paraan para makapunta talaga sa gitna.
Pagkatapos ay gumuho ang mundo ko nung makita ang bangkay na nasa harap.

'Ang anak ko'

Agad kong nabitawan ang dala ko tapos ay niyakap ang bangkay ng anak ko habang umaagos ang luha pababa.

"Anak?!! Annnaaakkkkk!!!!!"

Tiningnan ko kung may hininga pa ba siya ngunit wala na nga.

"BAKIT HINDI KAYO TUMAWAG NG TULLLOOONGGG!!!! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYAA!!! MABUBUHAY PA ITONG ANAK KOOOOO!!!!"

Patuloy pa din ako sa pag-iyak at pagyakap sa bangkay niya

"Pre" napatigil na lang ako at hindi na nilingon ang nagsalita dahil alam ko naman kung sino

"Anong nangyari sa anak ko?"

"Sabi sa nakakita, may mga kabataan na binubully siya dahil sa kondisyon niya. Tapos nagtatapon ang anak mo ng mga bato sa kabataan kaya ayun nagalit at binugbog siya" saad niya

Di ako makapaniwala sa nangyari. Hindi totoo itooo!!! Hindi lumalabas ng bahay ang anak kooo!!

"Anak" ginigising ko siya "Nandito na si papa. Nabili ko na yung tsinelas na nagustuhan mo oh! Gumising ka anak! Huwag mong iwan si papa!"

"Anak" patuloy sa pagsibagsakan ang mga luha ko

"ANAAAKKKKOOOOO!!!!"

'Mahal na mahal kita anak. Patawad kung wala ako kanina nakaprotekta sayo'

'Pagbabayarin ko ang gumawa neto sayo anak'

'PAGBABAYARIN KO SILLLAAA!!!!'

-END-

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon