"FIND BETTER THAN ME, HINDI AKO ANG PARA SAYO"

1 0 0
                                    


"Babe, bakit mo'ko pinapunta dito?" I asked Eian, my boyfriend for almost 5 months

Tumayo ito habang nakayuko pa din. Sobrang kaba din ng aking damdamin pero pinapatatag ko.

"I'm sorry Cheskaa!!!" Umiiyak ito sa may dibdib ko. Tapos ay naramdaman ko na lang na niyayakap na niya ako

I was speechless. Yung kaninang sobrang kaba ngayon mas lalo pang kaba.

"Babe anong nangyari??"

Ipinaharap ko ang mukha niya tapos ay pinunasan ang mga luha niya

Ilang segundo ang nagdaan bago ito nakasagot.

Ang daming pumasok sa isip ko.

'Baka nakabuntis siya?'

'May nagawa siyang kasalanan?'

'Hihiwalayan na niya ako?.. NO! AYOKO!'

"I'm breaking up with you. Pumasok ako sa pagpapari. Nangako ako kay lolo simula nung bata pa na magiging pari ako paglaki ko. Tsaka, simula bata pa, pangarap ko nang maging isang pari. Im so sorry Cheska kung hindi ko sinabi sayo nung una pa lang!"

Parang bumagsak ang langit at lupa ko sa sinambit niya. Ayokong umiyak pero taksil ang luha ko. Kusa siyang nagsituluan.

"Mahal moko diba? Pillin moko! Puwede ka pang mag-back out nyan!" Saad ko habang pinunasan ang mga luha

"Mahal kita pero I'm sorry"

Wala akong ibang nagawa kundi napaiyak na lang. Naramdaman kong muli akong niyakap neto

"Find better than me. Hindi ako ang para sayo."

****AFTER 11 YEARS****

11years na ang lumipas simula nung hiwalayan namin ni Eian. Inaamin kong matagal akong nakamove-on.

Nabalitaan ko na lang isang araw na naging pari na siya. At dumalo pa ako sa araw mismo ng pagiging pari niya.

Walang awkwardness na nangyari. Naging magkaibigan na lamang kami at mas naging close pa.

"Cheska, masaya ako dahil nahanap mo na nga siya"

Ngumiti ako ng hindi buo sa kaniya "Salamat Father. Akala ko talaga noon-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko "Hay! Huwag na nga nating balikan ang nakaraan!"

"Tama. Past is past. Ipagdadasal ko sa diyos na maging mabuti ang magiging pamilya niyo" aniya

"Maraming salamat ulit Father"

Ngayon ang araw ng kasal ko. Kasal ng mapapangasawa ko na si Wilbert.

At tama hula niyo, si Eian ang kinuha kong pari para kami'y ikasal.

Mahal na mahal ko si Eian. Sadyang tinupad ko lang ang hiling niya na...

"FIND BETTER THAN ME. HINDI AKO ANG PARA SAYO"

-END-

Work of fiction

PLAGIARISM IS A CRIME

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon