"UNA AT HULI KONG LABAS"

0 0 0
                                    


....

"Bata! Bata! Bata!" Tawag sakin nung isang batang babae mula sa labas ng kuwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan siya.

"Anong pangalan mo? Pwede ba tayong maglaro? Wala kasi akong kalaro sa bahay e!" She's cute.

"Bawal. Hindi puwede"

"Nahh! Sayang naman. Gusto pa naman kitang maging kalaro" nalungkot ang mukha niya. "Anong pangalan mo?"

"Tawagin mo na lamang akong Lucas. Ikaw? Anong pangalan mo?" Balik kong tanong sa kaniya

"Im Shanara"

Mula sa araw na yun, palagi na siyang bumibisita sa amin. Minsan pa nga ay dinadalhan niya ako ng pagkain.

"Lucas, bakit hindi ka lumalabas mula sa kuwartong yan?" Tanong niya

"Malalaman at maiintindihan mo din balang araw" sagot ko.

"Ang putla mo na oh! Sabi ni mama sakin, masama raw yan. Kaya sige na Lucas! Lumabas ka na para makapaglaro na tayo!" Tumahimik lang ako at hindi siya sinagot.

Napaangat ulit ako ng ulo ng bigla itong magsalita.

"Lucas! Tingnan mo oh umuulan! Maliligo ako babyeee!!!" Kumaripas naman ito ng takbo.

Tumayo ako at nagpunta sa bintana kung saan makikita mo ang labas.

Napangiti ako nung makita ko si Shanara. Kumaway-kaway pa ito sa akin at halatang sobrang saya niya dahil sa magandang ngiti sa kaniyang labi.

I wish, balang araw makasama ko siyang magtampisaw sa ulan. Sana balang araw, mahawakan at mayakap ko siya. Pero alam kong di puwede.

Bawal sa akin.

_____

"Mamaaa!!! Pakawalan niyo po ako ditooo!!!"

"HINDI KITA PAPAKAWALAN! MATUTO KA NG ARAL!"

Dahil sa ingay na yun na aking narinig, bumangon ako at tiningnan doon sa bintana.

"MAAMAAAA!!!!" Boses yun ni Shanara

Nasa tapat lang ng bahay namin ang bahay nila. Naistatwa naman ako sa aking nakita.

Mga luhang bumaba patungo sa pisngi niya, nagsusumamo ng tulong at alam niyo ba kung san siya nakalagay? Sa isang kulungan lang naman ng aso.

"MAMAYA NA KITA PAPAKAWALAN BATA KAA!!" Galit na sambit ng mama niya at inilagay ang susi sa ibabaw ng washing machine.

Dahil sa naawa na ako sa sitawsyon ni Shanara ay.... Kinuha ko muna yung plastic na nakaharang sa bintana at lumusot para makatakas.

Kung doon talaga ako sa pinto dadaan ay tyak akong makikita nila ako mama at papagalitan ako nun dahil lumabas ako.

Alam at naramdaman ko ngayong una at huli kong paglabas.

_____________

"Lucas! Thank you talaga dahil pinatakas mo ako dun!" Umiiyak pa din niyang sambit

"Shhh.. Tahan na. Huwag ka na umiyak nandito na ako" sabay pahid ko sa mga luha niya

"Lucas diba bawal ka lumabas? Bumalik ka na senyo baka mapagalitan ka pa ng mga magulang mo"

'Wala talaga siyang kaalam-alam' Napangiti ako ng mapait

Iniba ko na lang ang usapan. Napatingin ako sa langit dahil nagsimula nang umulan.

"Umuulan Shanara! Maligo tayo!" Hinawakan ko ang kamay niya

Hawak kamay kaming nagtatampisaw sa ulan.
Sobrang saya at puno ng kaligayahan.
Natupad din ang dalangin ko noon,
Nakasama at nahawakan ko na siya ngayon.

"Lucas, bakit moko niyayakap?"

"Wala Shanara. Ha-ya-an mo na la-ng" kapos-kapos na hininga kong sambit dahil sa kaligyahan pero ang totoo nyan, naramdaman ko na ang aking sakit.

"Lucas, okay ka lang ba? Bakit ganyan ka?"

Humiwalay muna ako saglit mula sa pagkakayakap at ningitian siya. Tapos ay hinalikan ko ang noo niya at muli ko siyang niyakap.

Nawawalan na ako ng hininga.

Pero salamat dahil ket saglit nakasama ko siya.

Unti-unting pumikit ang mga mata ko at tuluyan nang bumitaw ang mga katawan ko. Naramdaman ko na lang na natumba ako sa daan habang patuloy pa din ang ulan.

"Lucas??? Lucassss!!!"

Pero bago pa man tuluyang pumikit ang mga mata ko, ningitian ko muna ang babaeng mahal ko.

ISAYAW MO AKO~
SA GITNA NG ULAN MAHAL KO~
KAPALIT MAN NETO'Y BUHAY KO~

Paalam.

.....

.....

-END-

Work of fiction.

PLAGIARISM IS A CRIME

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon