"MAHAL KO PA PALA SIYA"

0 0 0
                                    


"Mag-break na tayo"

"Pagod na pagod na ako"

"2 months ka nang walang paramdam"

Tadtad kong chat sa boyfriend ko habang umaagos ang luha pababa

Mahal na mahal ko si Clinton pero pagod na ako. Lahat naman ng tao napapagod diba?

Tsaka LDR kami. Baka nga, siguro nga, may iba na siya dun kaya hindi siya. Kung totoo nga ang hinala ko, ewan ko na lang sa sarili ko.

Mahigit one month din akong di naka-open. Sinadya ko talaga dahil wala lang. Gusto ko lang di mag-open. Tsaka, alam na din ng mga friends ko na nakipag-break na ako

At napagdesisyonan ko na ngayon na i-open ko na fb acc ko. Pagka-open ko naman ay tumambad agad sa akin ang napakadaming messages, notifications.

Pag-click ko sa message ay galing pala ito sa mga friends niya, friends ko. At syempre sa kaniya. Buti nagparamdam na ang loko.

"I'm so sorry Fhia. Alam kong nasaktan kita dahil di ako nagparamdam. Sorry ha busy lang talaga ako. Tsaka nagkaproblema. Mahal na mahal kita alam mo naman yun diba? Pero kung buo na talaga ang desisyon mo na mag-break na tayo? Masakit pero..... Tatanggapin ko. Rerespetuhin ko. Sana makahanap ka ng mas better sakin ah? Yung araw-araw na makaka-usap mo. Patawad na lang sa lahat. Hanggang sa huli aking binibini"

Na-istatwa ako. Sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha ko.

'Taena ang sakit!!!!'

Mali ba ang ginawa kong hiniwalayan siya?

....
....

......
.....

Almost a year na din simula nung nangyari

Nagsisisi ako.

Na-realize ko na MAHAL KO PA TALAGA SIYA

Back to active na ulit si Clinton. Sa tuwing online siya ay gusto-gusto ko siyang chattan. Nabalitaan ko din mula sa kaniyang mga kaibigan na mahal pa daw ako.

Masaya ako pero sad din at the same time. Ako ang unang nakipaghiwalay kaya wala akong karapatan na bumalik pa.

'Pero hindi e! Mahal ko pa talaga siya e! Miss na miss ko na siya'

It may sounds MARUPOK. Pero D*MN!

Mahal ko talaga yung lalaking yun. True love na ba ito?

Kaya ayun, naglakas loob ako na chattan siya and ask for our comeback.

...

.....

-END-

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon