"MAMANG PULIS, DAKPIN NIYO NA PO AKO"

1 0 0
                                    


Hi everyone!. My name is, Mario. Maria na lang, hindi ko kasi bet yung Mario. Dzuhh!!

Pauwi na ako ngayon sa amin. Galing kasi ako bumili ng tuyo at asin. Ng biglang, nakita ko yung kapwa kong bakla na tumatakbo

"Uy bakla! Bakit ka tumatakbo?!! May nakita ka bang ghost?!"

"Gaga! Ang aga aga oh! Wala pang ghost!"

Ay! Oo nga pala

"E bakit ka tumatakbo?!" tanong ko ulit

"May patrol car doon malapit sa inyo. Magbabantay naman yata. Kaya tumakbo ako kasi wala akong facemask, baka mahuli pa nila ako!"

"O siya umuwi ka na sa inyo bakla ka!. Titingnan ko lang yung mga pulis kung may gwapo ba!" wika ko at nagsimula nang maglakad

"Uy gaga! Wala nang gwapong pulis ngayon noh?!!!" sigaw niya ngunit hindi ko na lang pinansin

___

"Eto namang si Mayor! Kung magpapabantay siya ng pulis medyo malapit sa amin, is yun namang mga gwapo!!! Para atleast, labas labas ako" bulong ko

Para nga akong baliw na nagsasalita mag-isa dito

Actually, kitang- kita ko na yung patrol car. Alam kong nandyan lang ang mga pulis

Tumawid muna ako sa kabilang kalsada at nagtago doon sa malaking puno

"Pagpogi talagang mga pulis nato, sasama ako sa kanila. CHAARAAN!!"

Pagtingin ko dun sa may Police Car ay nagulat na lang ako

"KYAAHHH!!! ANG GAGWAPOOO!!!! Mamang pulis, dakpin niyo na po ako. KYAAHHH!!!!!"

Pero syempre, hininaan ko lang ang boses ko

'Uhmm ano bang gagawin ko para mapansin nila?! Uhmm... Maria mag-isip ka!!!'

"Alam ko na!"

__

Pagkatapos kong magplano ay lumabas na din ako sa malaking punong 'toh

Ang plano ko lang naman ay, hindi mag facemask habang naglalakad dito. HAHAHAH. Sana mapansin ni wafung pulis

🎶Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you'd find your way to me🎶

Diba!? Kumakanta-kanta pa ako. Ang galing ko talaga!

🎶Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that's happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could be🎶

Sa chorus na sana ako ng biglang...

"Hoy! hoy! hoy!"

'WAHHH!!! NAPANSINN!!!'

"Asan yung facemask mo?! Bakit hindi mo suot?!" ani nung isang gwafung pulis

"Em memeng pulis, nakelemutan ke kese eh!" pabebeng sambit ko

"Alam mo bang, lumalabag ka sa protocols??" ani nung isa pa

Dalawa kasi sila eh!. Nagpatuloy lang ako sa paging pabebe ko dito

"Mas mabuti pang, dalhin ka na namin!!"

'Kyaahhh!!! Dalhin daw!!'

"Sure po sir. Basta, sa bahay niyo po ah?!"

"Huh?! Anong bahay?!"

"E saan niyo po ako dadalhin?!"

"Sa presinto!!"

"WAAAHHHH!!! AYOOKKOOO!!!!"

Huli na ang lahat dahil nakahawak na siang dalawa sa magkabilang bisig ko

'MAMAAA!!! PINAG-AAGAWAN AKO NG DALAWANG GWAPONG PULISS!!!'

-END-

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon