"BUMALIK SIYA, PERO IBA ANG BINALIKAN"

2 0 0
                                    


My name is Michelle. Papunta ako ngayon sa restaurant kung saan kami magme-meetup.  Puro kami rpie'r at ngayon lang ang first meet-up namin.  Sobrang saya ko nga e, hindi matutumbasan ng lungkot ang mga ngiti ko ngayon

Nakita naman namin ang mga kaniya-kaniya naming mukha dahil ilang beses din naman kaming nagfa-face reveal

Pero alam niyk kung bakit sobrang excited ko??  Maliban sa,  makikita ko ang mga naging friends ko sa rp. Makikita ko na din sa personalan ang lalaking nagpabihag sa puso ko.  Walang iba kundi si Jonnel

Si Jonnel ay napakamaginoong tao. Palabiro din siya at napaka-friendly. Siya din yung pinaka-close ko sa kanilang lahat

Hanggang sa dumating yung araw na nagpaalam siya sa akin, at sa aming lahat.  Pupunta kasi siya sa New York at doon na mag-aaral. Nandun din naman kasi ang nga magulang niya. May lahi din kasi siyang american

Hyst!  Ayoko na ngang mag-kuwento!  Babalik din naman kasi yung luha ko kapag naaalala ang panahong yun. Panahong umiyak ako ng sobra. Masisira pa itong napakagandang araw ko

"Maam,  nandito na po tayo" biglaang sambit nung driver

'Ayan kasi eh!  Panay kuwento ako sa inyo!'

"Salamat po" aniko sabay abot ng bayad

Pagkababa ko sa taxi ay ang lakas ng tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang kabuuan sa labas. Itong restau na 'to ay pagmamay-ari ni Kimberly. Isa sa friends ko. Pinasirado pa niya ito para sa amin

Wala na akong hinintay na oras pa at pumasok na sa loob. Habang naglalakad ako dito sa maliit na hallway ay ang lakas pa din ng tibok ng puso ko

Huminto muna ako at pinakalma ang aking sarili. Mula dito sa aking kinatatayuan ay makikita ko na ang exact place talaga.  May lights² na kasi. Kayat napapangiti ulit ako

Pagkabukas ko sa pinto ay sasabihin ko sanang "Hi guys" ng may biglang nagsalita sa harap at naka-mic pa ito.  Kaya nakuha niya ang atensyon sa lahat ng taong nandirito

"Good evening guys. I want to take this opportunity para ipakilala sa inyong lahat ang babaeng mahal ko" si Jonnel lang naman ang nagsalita

Pagkatapos niyang bangigitin yan ay mas lalo pang bumils ang tibok ng puso ko

'Ang gwapo-gwapo pa rin niya'

Sasabihin ko na sa inyo ang dahilan kung bakit iniyakan ko siya noon.

Pagkatapos kasi niyang magpaalam sa lahat ay nag-deact kaagad siya sa rp niya, maging sa ra. Tapos ay hindi na bumalik pa. Kaya ayun!  Sobrang na-miss ko siya

Pagkasabi ni ulo last week na na-contact na nila si Jonnel at sinabing pupunta siya ay nagtatalon pa ako sa sobrang saya

"Ang babaeng yun ay walang iba kundi si,  Mikaela De Guzman"

'Si ate Mika??'

Para akong binagsakan ng langit. Yung mga ngiti at saya ko kanina, napalitan iyon ng lungkot

Nilapitan ni Jonnel si ate Mika at kinuha ang kamay neto tas nagpunta sila sa harap.  Dahilan kung bakit nagsimulang namuo ng tubig sa gilid ng mata ko

"Mika,  simula umpisa napakagaan na ng loob ko sayo, walang araw na hindi mo ako pinapatawa. Kaya habang tumatagal, nahuhulig na ang loob ko sayo"

'Pinapatawa??  Pinapatawa ko din naman siya ah?!'

"You're so sweet,  caring woman. And a very beautiful too. Alam naman nating dalawa na misan ay nagkaka-misunderstanding tayo,  pero nagkaka-ayos din naman"

Nagsipatakan na ang mga luha ko. Pero mas talaga ng lumuhod si Jonnel sa harapan ni ate Mika at naghihiyawan na din ang iba

"Youre the reason kung bakit ako bumalik sa Pinas. Mikaela De Guzman?  Can you be my girlfriend??"

Umikot na yung mundo ko. Wala akong narinig mula sa kanila. Nakikita ko lamang ang mga ngiti nila at nagsipalak-pakan.

Botong-boto din sila kay Mika. Wala din namang kasing isang nakakaalam na may pagtingin ako kay Jonnel

Unti-unti akong umatras. Naririnig ko na din sila

"Michelle?? " napaligon ako dun sa tumawag sa pangalan ko.  May nakapansin pala sa akin

"Huh?? Mich??"

"Friend ko??"

Nandito na pala si ulo,  mga admins, si Kim ang tumawag sa akin kanina. At iba pa

"Friendko!  Anong nangyari sayo?? Bakit ka umiiyak??" lumapit pala si Kim sa akin

"Wala ma friend, tears of joy lang ito" sabi ko na lang habang pinunas-punasan ang mga luha ko "CR lang ako ah?! Asan bang cr dito??"

"Straight ka lang diyan"

Kaagad naman akong nagpunta sa itinuro niya. Tinawag pa nila ako pero hindi ko na ito nilingon

Pagkarating ko sa cr ay doon na lumabas ang lahat ng luha ko

'Bakit ba ako umiiyak ngayon??  Dahil nga ba ay mahal ko na si Jonnel??'

Pero wala naman akong laban kay ate Mika. Isa siyang napakagandang babae, makinis ang balat  matangos ang ilong at lahat-lahat na siguro ay nasa kaniya

'Bumalik nga si Jonnel, pero iba din pala ang binalikan'

.....

–END OF THIS STORY–

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon