"MAY KAKAIBA SA PUNO NG MANGGA"

0 0 0
                                    


..

Alas otso na ng gabi kaya napagdesisyonan ko nang umuwi sa munti naming tahanan.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng kaba na hindi ko alam kung ano ang kadahilan.

Bigla na lamang akong napahinto. Ilang lakad na lang din ay madadaanan ko na ang puno ng mangga. Nakikita ko na nga ngayon.

Puro dilim ang paligid at ang tanging ilaw lang ay dun sa bahay ni Aling Marites medyo may kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon.

Paglingon ko naman sa may puno ng mangga ay napalunok na lamang ako. Nakaramdam ako ng takot tapos ay tumaas ang mga balahibo ko.

Bigla na lamang akong tumakbo. Matuling tumakbo na animo'y parang may humahabol na aso.

Pero bawat sa'king pagtakbo. Nagtataka na lamang ako.

'Anong nangyayari?? Bakit hindi ako umaalis sa lugar kung nasaan ang puno ng mangga? Na-gets niyo ba??'

Ni hindi nga ako makarating sa bahay nila Aling Marites

Nagpatuloy pa din ako sa pagtakbo dahil baka nagbabasakaling mali ako pero.... Tama ako.

"TULLLLLOOOOONNNGGGG!!!!" malakas kong sigaw

Pero bigla na lamang akong napahinto dahil hindi ko na kaya.

Hirap na hirap at kinakapos na din ako ng hininga.

Ayoko na.

Pagod na ako.

Umiikot na din ang paningin ko.

Napahiga na lamang ako sa lupa.

'MAY KA-KA-IBA SA PU-NO NG MANG-GA'

...
....
___________

Disclaimer: True life story po ito ng kapitbahay namin.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon