"SIMPLENG BABAE"

1 0 0
                                    


.......

"Miss, are you okay?" Napaangat ang ulo ko at tiningnan yung nagsalita

P*t*. May nakakitang umiiyak ako dito.

"A oo" maikling sagot ko

Nagulat na lamang ako na may halong kaba nung bigla itong tumabi sa akin

"Sure ka miss? Parang hindi kasi. Bat ka umiiyak?" Feeling close ay.

Tiningnan ko ulit siya. Base naman sa pagmumukha niya ay mabait ito. He's a moreno type. At may kagwapuhan.

"A wala" sabay pahid sa mga luha ko "Mababaw lang talaga luha ko"

"Sorry ha kung feeling close. Uhm... Yung make-up mo o nabubura" saad niya

"Wag mo nang pansinin yan. Di naman talaga ako nagma-make up. Pinilit lang ako ng mga kaibigan ko. Tsaka, di naman masyado nabubura o" sabi ko sabay kuha ng maliit na salamin sa bag ko at tiningnan ang mukha

"By the way miss I'm Nathan"

Mga 2 second ata akong na-loading. Tapos ay kinuha ang kamay niya at nakipag-shake hands

"Nice meeting you Nathan. I'm Lovely" aniko at binitawan na ang kamay niya

"Di ka mahilig sa make-up ah?!.... Okay" nagtataka at nalilito naman ako sa sinabi niya

Humarap ito sa akin "Puwede bang magkita tayo bukas Lovely? Dito pa din sa lugar na ito at same time"

"Ha?!" Nagulat na kinakabahan ako sa sinabi niya

"Magkita tayo ulit ba. Pero bukas, isang simpleng Lovely na ang makikita ko"

Taena. Na-love at first sight ata ito sakin HAHAHA

"Sige Nathan" hala! Bat lumabas yung salitang yun sa bibig ko?

*****KINABUKASAN******

Ayun nga. Sinunod ko yung hiling niya. Ako kaya si Fairy GodMother hahahah joklang.

Pero ngayon wala na nga akong make-up. Di nga ako nagliptint dahil okay na naman itong lips ko. Parang nagliptint pag tiningnan mo pero wala pa.

Tsaka naka-mala jogging pants lang ako basta alam niyo na yun hahaha. Tapos fitted na croptop na color green tas naka white shoes.

Pagdating ko naman dito kung nasaan kami kahapon ni Nathan ay nakita ko na nga siya dito. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang tumayo

Tapos ay bumibilis ang tibok ng puso ko sa pagtingin niya sa akin ngayon. Nakatitig lang talaga ito sakin. Malapit na siguro tutulo ang laway hahaha.

"Hoy Nathan!"

"Lovely" Lumapit naman ito sa akin "Mas maganda ka pala kapag natural. Tama nga hinala ko"

"Sus! Baka ma-fall ka sakin ah?! Hindi talaga kita sasaluhin! HAHAHAH"

Simula nung pangyayaring yun palagi na kami nagkikita ni Nathan. Hindi kami ang nagdesisyong magkita ulit pero parang sinasadya talaga ng tadhana.

'Enebe. Baka ka-forever ko na 'toh'

Habang lumilipas din ang mga araw marami akong naalam sa kaniya at ganun rin siya sa akin. Ambait ni Nathan, grabe, napakabait niya. Every woman siguro nasa kaniya ang ideal guy.

Kaya habang lumilipas din ang mga araw, nahuhulog ako sa kaniya. Pero takot ako aminin.

Bakit?

E baka friend lang ang turing niya sa akin. Hindi pala ako yung tipo niya. Baka gusto niya yung babaeng seksi manamit, may awra-awra ang datingan haha. Basta ayoko aminin kay Nathan.

"Lovely?"

Napalingon ako sa kaniya. Nandito pala kami sa may view deck. Ang ganda nga dito e!.

"Ang ganda ng pangalan mo noh? Bagay na bagay lang sayo. Ang ganda mo din" aniya na ikinatibok naman ng puso ko

"Sus! Bolero!" Inirapan ko naman

Umiwas ako ng tingin dahil baka hihimatayin ako sa kilig.

"I'm serious Lovely. Ang ganda mo. That's why I like you. Di lang dahil dun, may mabuti ka ding puso"

Napalingon ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Ha?!"

Hinawakan niya dalawang kamay ko "Yes. Salamat dahil nasabi ko na. Matagal ko na itong tinatago... I like you. No.. I Love You. You're my ideal girl"

"Ha?! Ako??? Gusto mo?? Ba-bakit??" Sa totoo lang sobrang kinikilig ako TAENNNAAA!!!!

"Kakasabi ko nga lang diba. You're my ideal girl. Mabait, marespeto, at ang pinakanagustuhan ko sayo ay ang...... Pagiging simpleng babae mo. Sobrang natural"

Di ko na maitago ang kilig at saya kaya't niyakap ko na siya ng sobrang higpit.

"I love you too Nathan" bulong ko sa tenga niya

Medyo nagulat ito dahil napatingin pa siya sa akin ta's ngumiti. Tapos ay niyakap niya ulit ako. Pero this time, mas mahigpit pagkakayakap namin

"I love you more My Ideal Girl"

Kung isa ka ding simpleng babae katulad ko, please lang huwag kang magbago para magustuhan lang ng taong mahal mo.

Huwag kang mag-alala. Marami pang mga lalaki sa mundo. Marami pang mga lalaki na isang simpleng babae din ang hanap.

Just remember. Always be yourself. Magpakatotoo lang talaga.

Dahil sa pagkatotoo, diyan nakikita ang tunay na ganda. Diyan nakikita ang kabutihan na mayroon ka.

At huwag mag-alala. Isa din ako sa mga SIMPLENG BABAE.

..

..

________

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon