"UNA AT HULI KONG LABAS: PART 2"

0 0 0
                                    


[Background music: 25 minutes by MLTR]

..

..

..

"Timothy bakit tayo nandito? Bumalik na tayo dun baka hahanapin na tayo nila"

Nasa bulsa ang aking mga kamay habang nililingon siya. "Mamaya na, mag-usap lang tayo sandali lang"

Lumapit ito medyo sa akin habang bitbit-bitbit ang kaniyang gown "Ano namang pag-uusapan natin?"

Akmang magsasalita na sana ako ng bigla kaming napalingon sa labas dahil biglang umulan.

"Malas naman ang kasal ko! Umulan pa!" Halata sa mukha neto na bigla siyang nalungkot

Bigla ko namang hinawakan ang dalawa niyang kamay. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

"Shanara, naalala mo pa nung mga bata pa tayo? Yung panahong niligtas kita sa isang kulungan. Tapos ay, sabay tayong naligo, nagtampisaw at naglaro sa ulan"

Nakikita kong nagulat siya at may namumuo nang luha sa kaniyang mata, ganun din naman ako.

"Paano mo nalaman yun? Di ko pa yun naikwento sayo. Tinago ko lamang yun at tanging kaming dalawa lang ni Lucas na nasa langit na ngayon ang nakakaalam"

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya

"Shanara sorry!!! Sorry kung bago ko pa lamang ito nadiskubre! Shanara ako si-"

"LUCAS!" pumatak na ang mga luha niya at yumakap sakin ng mahigpit at ginantihan ko naman.

"Tama nga ako. Ramdam ko pa nun habang lumalaki ka na ikaw yan! Kay tagal akong naghintay sayo Lucas! Sobrang miss na miss kita!"

"Same lang tayo. And I want to say to you, I love you"

Ramdam kong napabitiw siya sa pagkakayakap "Alam nating dalawa Lucas, Timothy, na hindi puwede!"

"Yeah. Alam ko"

Hinawakan ko na lang ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya

"Sshh tahan na. Huwag ka na umiyak. Kasal mo ngayon kaya dapat magsaya ka" sambit ko at pinilit na ngumiti

"Im so sorry Lucas-"

"I should be the one to say sorry. Sorry kung bigla akong nawala. Bigla kitang iniwan. Pero ipinangako ko naman sa sarili kong babalikan kita-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng chapel.

"There are you Shanara. Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" wika nung wedding organizer nila at nilapitan kami

"Tara na"

Bago sila makaalis ay lumingon muna siya sa akin sabay sabing "I'm so sorry"

Ngumiti na lang ako ng mapait. Wala naman akong magagawa eh!

She's 25 na, and I'm 19.

I'm Lucas but reincarnated as Timothy, her youngest brother.

Kailangan ko na ding bumalik sa simbahan, ihahatid ko pa si ate sa altar.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at umalis na.

...

....

-END!-

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon