Feeling~1

569 31 15
                                    

Palapit na palapit na ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ng ganito. Simula pa lang nung una ko siyang makilala hanggang ngayon, pinapatibok niya parin ng ganito ang puso ko.

Habang naglalakad siya, hindi maiwasan ng mga babae na tulad ko ang mapatingin sa kanya. Sa magandang pananamit niya, halata talaga na mayaman. Kung pano siya lumakad akala mo isang modelo. Sa ganda ng kanyang labi na medyo pula, mapapanganga ka nalang.

Naranasan mo na ba ang pakiramdam na ito? Yung hanggang tingin ka nalang sa lalaki na nagpapatibok sa puso mo ng ganito. Yung parang isa kang fan na parating nag-aabang sa update ng idol mo. Hanggang ganito na lang ba talaga ako? Hanggang tingin nalang?

At mas lalong tumibok ang puso ko nung tumingin siya sakin at ngumiti. Para akong isang ninja na tumakbo palayo, reflex nga siguro ito. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba.

Ngumiti sya. NGUMITI!! Siguro assuming ako dahil akala ko sa akin siya ngumiti. Pero diba minsan sa pag-aasume mo mararamdaman ang tinatawag na saya.

"Nandito kalang pala, Jess. Ugh pinagod mo ako kakatakbo," pumasok ang bestfriend ko ditto sa cr. At mukhang pagod siya kakatakbo.

"Ngumiti siya, Cah. Ngumiti sya," at parang akong baliw na ngumiti sa salamin habang iniimagine ang nakangiti niya na labi.

"Sino?" palinga linga si Mycah at parang hinahanap kung sino ang tinutukoy ko.

"Si Jacob." Tumingin ako saking bestfriend at nakita sa kanyang mukha na parang di sya apektado sa sinabi ko.

"Ngumingiti naman yun palagi eh," mukhang nagmamadali si Mycah dahil parati siyang nakatingin sa kanyang relo.

"Iba eh, sa akin siya ngumiti," at sumabog sa kakatawa si Mycah.

"Sayo? Impossible yan, Jess. Tama na ang imagine," sabi niya na medyo tumatawa parin.

"Oo, bahala ka,"

"Oh sige, maniniwala na ako. Sabi mo eh," sabi niya na medyo napapatawa parin.

May sasabihin pa sana ako kaso hinila na ako ni Mycah palabas ng cr at tumatakbo siya kaya napatakbo na rin ako.

Pumasok kami sa isang classroom na may ibang mukha na di ko kilala. First day ngayon ng first year college namin kaya di kami pamilyar sa mga mukha nila. Pareho kami ng kurso ni Mycah. MassCom.

Umupo kami sa likod ng classroom at tumahimik na. Malapit na pala kaming late kaya mukhang nagmamadali si Mycah. Pumasok ang prof namin at bakit parang excited yung mga kaklase ko?

Tumayo kaming lahat para batiin yung prof naming at umupo ulit.

"Guys, let's welcome, Jacob Rivera."

Parang may dumaan na shooting star at natupad ang mga pangarap ko. Di ako mahinga ng maigi. Mas malaki pa nga ata sa tarsier ang mata ko ngayon. Di ako makapaniwala. Si Jacob.. Ang crush ko simula 1st yr highschool, ay kaklase ko na ngayon... Hirap i-sink in.

"Goodmorning." Sabi ni Jacob at lumakad papunta.... sa amin?

Ito na palapit na palapit na siya.. Pupuntahan na niya ako. At magiging kami na. Ang saya. Natutupad na ang mga pangarap ko na almost 4 yrs na. Ito na talag--

Hinawakan niya ang baba ko at nakaramdam ako ng kuryente. Sinarado niya ang nakabuka ko na baba.

"Nakabuka eh," sabi niya at pumunta sa likod ko, naki-apir sa katabi niya at doon umupo kasama ang kanyang mga kaibigan.

Naranasan niyo ba ito na pakiramdam? Yung lalaking mundo mo. Yung lalaking akala mo di ka kakasusapin, pinansin ka na talaga. Yung parang fangirl na napansin na sa mga flood tweets niya sa idolo niya. Ito to eh..

Pero naramdaman niyo na ba ito na kahit masaya ka nangigibabaw ang kahiyaan? Sana kunin na ako ng lupa ngayon. Nakakahiya.

LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon