Feeling~6

132 23 13
                                    

Pagkasabi nong kaklase namin. Para kaming ninja ni Mycah. Oh siguro runner? Di ko din alam kung bakit ako nag-aalala eh ginago naman kami ni Kiley, tapos wala na din akong feelings kay Jacob. Pero bakit tumatakbo parin kami ngayon? Para din itong isang fangirl eh. Kahit na hindi na updated sa buhay ng idolo niya, pag narining ang pangalan ng idolo niya, ngingiti parin ito.

Pag dating naming doon ay may pinapalibutan ito ng maraming estudyante. Sumingit kami ng sumingit para makarating sa centro at nakita ko ang naka-upo na si Jacob habang hawak niya ang kanyang nagdudugo na labi at nakita ko si Kiley na nakatayo na parang hinihimas niya ang kanyang mukha. Siguro kung nasa pagbibiro kami ngayon, ay sinabi na ni Kiley na "Ouch, ang gwapo kong mukha," pero wala eh. Seryoso ito na sitwasyon.

Bakit kaya naging ganito ito? Ano kaya ang naging rason nila? Hindi naman sila aabot sa ganito kung walang rason. Mahalagang rason.

Lumapit ako at si Mycah kay Kiley. Dahil kaibigan parin ang turing namin sa kanya kahit papaano. Nung malapit na kami sa kanya ay halata ang gulat niya na mukha.

"Okay ka lang? Anong nangyari?" pambungad na tanong ko kay Kiley. Kami kasi ang close kaysa sa kanila ni Mycah. Hinawakan ko ang nagdudugo sa kanyang mukha at natulala si Kiley at mukhang gulat na gulat talaga. Napansin ko na nakatingin sa amin si Jacob. Imahinasyon ko lang ba oh nakakita ako ng sakit na bahid sa mukha ni Jacob? Napansin ni Jacob na tumingin ako sa kanya kaya tumayo siya at tumakbo palabas sa eksena. Unti unti na ding nawawala ang mga tao. Wala naman ding eksena. Ganito talaga ang mga tao. Tsismosa at Tsisomosa.

Ngiumti si Kiley at hinawakan ang ulo ko, "Wala. May mga bagay na kailangan mong isakripisyo para sa mas mahalagang bagay. Ice cream tayo," Tumango ako at pumunta kami sa ice cream parlor. Favorite tambayan naming tatlo.

Habang naglalakad kami, napa isip ko ang sinabi ni Kiley.. Sakripisyo? Mas mahalagang bagay? Di ko na muna siya tatanungin.

Puwesto na kami at nag order ng mga favorite namin. Sa akin Strawberry, kay Mycah Vanilla, at kay Kiley naman ay Mango.

"Anong nangyari?" panimulang tanong ni Mycah. Miss ko na to. Yun kaming tatlo nag-bobonding.

"No need to know. Ang importante, kompleto na tayo!" sabi niya sabay palakpak pa. Tumawa nalang kaming tatlo.

Dumating na ang mga ice cream namin at tahimik kaming kumakain.

Naramdaman niyo na ba ito? Yung akala mo hindi na mababalik sa dati yung mga bagay na nakasanayan mo. Hindi mo akalain na pwede pa itong maayos? Nasayang lang ang mga luha. Nasayang lang ang mga maling akala. Nasayang lang ang mga hindi pag isip ng maayos sa mga bagay. Nasayang pero sa huli naging masaya naman.

"Bakit ka nawala ng hindi namin alam ang rason?" tanong ko at nakaramdam ako ng awkwardness. Sana pala hindi ko nalang yun tinanong. Pero mas maganda malaman ko na ang mga sagot sa mga tanong.

Tumigil sila sa pagkain at tiningnan ako. Nagkibit-balikat nalang ako. Ngumiti si Kiley na mas nag pagaan sa loob ko.

"Ang importante, hindi na ako aalis ng walang sabi. Hindi na ako aalis,"

Ngumiti nalang ako sa sinabi niya at kumain ulit. Alam ko may tinatago to si Kiley na hindi niya kayang sabihin sa amin. Ganun naman talaga yan diba? May mga bagay na mas maganda kung hindi mo nalaman para mas masaya.

Habang binabayaran namin ang aming mga kinain, ay na realize ko na ayaw ko munang umuwi. Wala naming assignment kaya okay lang.

"Movie marathon tayo, guys?" tanong ko sa kanila at lumingon sila. Nakita ko sa kanilang mga mata ang mga bituin na kumikinang.

"GAME!" sabay na sabi nilang dalawa.

"Sa place nalang namin guys. Wala sila eh," masaya na sabi ni Mycah. Miss ko na talaga ito.

Lalakad nalang kami dahil malapit lang dito. Habang naglalakad kami, nag kukwento si Mycah tungkol sa bago niyang manliligaw. Luma love life na ah.

"Tapos guys, ahhhh, ang gwapo niya. Parang dreamboy ko siya. Siya na talaga huhuhu," nakikita ko sa  mga mata ni Mycah na masaya siya. Masaya din ako para sa kanya.

Bumili kami sa tindahan sa tapat ng bahay nila Mycah ng mga pagkain para sa MM (Movie Marathon) namin. Ang boring diba kung walang pagkain.

At ito na ang pinaka-mahirap na parte sa mga MM... ang mag decide sa tatanawin na movie.

Sabay naming tinitingnan ang mga movies sa laptop ni Mycah at ang dami ah. Ang hirap mamili.

"Diary ng pangit!" sigaw una ni Mycah

"Ayaw! X-Men!"

"Wag! Flipped!"

"Corny yan! Amazing spider man 2!"

"No! A walk to remember!"

Ang ingay nila. Parati silang ganyan pag mag dedecide kami ng movie. Para mapansin nila ako, itinapon ko sa malayo ang bag ko para may sound effect. Hehe

"Stop. Love, Rosie ang movie. The end,"

Di na sila naka angal sa akin kasi kinuha ko ang laptop at plinay na ang movie para wala ng maingay. Wala na silang magawa kaya pumwesto na sa harap ng laptop.

Natapos na ang Love, Rosie. At isa lang ang na realize ko....

"Kaya kung may gusto ka sa isang tao, sabihin agad. Wag matakot," sabi ni Mycah at tumingin siya kay Kiley.

Yun. Yun din ang natutunan ko.

"Oo nga. Pero hintay din tayo minsan," sabi ni Kiley.

Tama. Kung may nagugustuhan ka, wag kanang mahiyang sabihin dahil hindi mo alam ang mga pwedeng mangyari. Mas maganda na sabihin mo para sa huli, wala ka nang pagsisisihan.

Masaya. Ito ang nararamdaman ko. Dahil pwede rin palang mabalik sa dati ang mga bagay na akala mo hindi na pwede.

  

LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon